CHAPTER THIRTY SEVEN

7.9K 114 6
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

-Chase Rhennan's PoV-

"O, anak, may lakad ka?" tanong ni mommy nang sundan niya ako sa kwarto ko rito sa bahay namin. Kakauwi ko lang kasi, tapos nagbihis na naman ako para umalis. Ngayon ko lang kasi naalala yung tungkol sa practice na ini-schedule ni Frances. Tsk. I almost forgot. Well, I really don't want to remember, though. 

Tinanguan ko lang si mom.

"Masyado ka na talagang busy, anak. Ang hirap nang makahanap ng oras para maka-bonding ka," halos patampong sabi niya.

"You can always visit me in my unit, mom. Samahan mo minsan si Rhenisse kapag pumupunta siya doon." I suggested.

She also sat beside me on my bed, when I sat down to fix my bag.

"Anak, ano, o-okay ka na ba?" She asked, her voice a bit cracked.

I know she's talking about what happened to me before--to me and Frances. Hindi ko pa kasi nakakausap si mom regarding that issue, pero alam kong sila ni dad ang nagkakausap. I never tried to talk to her because I really want to just forget about it. Si mommy naman, ngayon lang din nag-open up regarding this.

I looked at her and smiled. "I'm fine, mom."

"Good to hear that, pero," huminga siya nang malalim, "si Paris? Okay na ba siya?"

Nahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko. I can't say she's fine 'cause she's not. Am I being too unfair? Okay na ako samantalang siya, mukhang hindi pa? Tss. Why can't she just move on the way I am doing right now?

"Ay, sige na. Bilisan mo na kung aalis ka," biglang sabi ni mom. "May hinanda pala akong pagkain sa baba. Kumain ka muna bago ka umalis. Favorite niyo ng kapatid mo 'yon." Then, she stood up.

"A, mom." I called her so she looked back. I tried to smile. "Agatha and I were together again... We're doing good again... I- I just wanted to tell you."

She smiled faintly. "Then, good. Masaya ako para sa inyo."

But why can't I feel it, mom? Hay. Maybe because she's a girl, too? Maybe she can somehow feel what Frances feels. Ya, maybe sympathy.

Ugh, stupid, Chase.

Bago ako lumabas ng kwarto ko, tinext ko muna ang barkada ko para pumunta rin sa unit ko. I just don't feel comfortable practicing with her alone.

-Frances Paris Ameline's PoV-

"Besty, ano? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Marley for the i-don't-know-how-many time habang paakyat kami sa floor na tinutuluyan ni Chase. Saturday na kasi, at gaya ng napag-usapan, magpa-practice na kami para sa talent namin sa University King & Queen na 'yan.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon