CHAPTER THIRTY FOUR

6.6K 116 6
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

-Frances Paris Ameline's PoV-

Ang weird man, pero in fairness, nakatulong kahit papano sa'kin si Maiko. Siya kasi yung kumomfort sa'kin nung down na down na ako nung isang araw, well, through is own usual way na pagpapatawa sa'kin. Corny siya, pero kahit papano mas naging light na yung mood ko.

Masaya na ako sa estado namin ngayon ni Maiko. Hindi na talaga ako galit sa kanya. Oo, gusto raw niyang manligaw ulit sa'kin para bumawi, pero sinabi kong ayaw ko talaga. Good thing at hindi na siya namilit.

Ngayon nga, nag-aya siyang lumabas. Pinapasama rin niya si Marley kasi gusto raw niyang bumawi rito. Ang best friend ko kasi, hindi pa rin siya tanggap. Dinaig pa ako na ex girlfriend na iniwan at sinaktan.

"Kung gusto mong bumawi talaga sa'min," salita ni Marley habang naglalakad kaming tatlo, "hm, ilibre mo kami ng tig-tatlong galon ng ice cream, tapos samahan mo na rin ng tig-limang box ng pizza, tapos yung drinks namin gusto ko XXXL na latte."

Tumawa naman si Maiko. "Sige! Kahit tig-sampu ng kada flavors e!"

Sa may ice cream shop kami unang pumunta. Itong nagmamaldita kong best friend, mukhang gusto talagang seryosohin yung hinihingi niyang peace offering. 

Okay na talaga sana ang pakiramdam ko, kaso nung pagkapasok namin sa shop, bigla na namang bumalik yung negativity na nararamdaman ko nang makita ko sa may far side ng shop ang buong barkada ni Chase, tapos kasama pa sila ni Agatha. Gusto ko talagang umatras, but then Maiko held my hand as if telling me na siya na ang bahala.

Pumasok kaming tatlo, trying not to mind them. Bad trip lang talaga at ang vacant seats nalang ay sa table na katapat nila kaya naman no choice kami na maupo roon. Nakita kami nila Chase pero they didn't bother to mind us.

"Ah, ako na ang oorder ha," sabi ni Maiko at nag-wink pa sa'min ni Marley.

Tumawa nalang kami ni Marley kahit alam kong pareho naming dama ang awkwardness.

Napahinga nang malalim si Marley. Alam kong pinipilit niyang iiwas yung tingin niya kina Trey. Ganon din sana ang gusto kong gawin kaso mali naman yata yung naupuan ko kasi kitang kita ko sila.

"Besty," pabulong kong tawag kay Marley, "si Trey mo, oh, may katabing ibang girl." Tapos tinawanan ko siya nang konti. Sinusubukan ko lang namang i-ease 'tong nararamdaman naming mag-bestfriend, pero hindi yata nakatulong kay Marley.

Sumimangot lang siya. "Wala akong pake sa kanya, kahit pa kung sinu-sinong babae ang landiin niya, 'no. Tsk. Bahala siya sa buhay niya." Medyo malakas ang boses niya na para bang nagpaparinig siya talaga.

Nakita ko tuloy na mas lalong nilandi ni Trey yung kasama niya. Nagsusubuan pa sila ng ice cream, kagaya nila... nila Chase at Agatha.

Ayan na naman yung feeling na may kumukurot sa puso ko. Ang sakit makita yung ganito. Aalis na talaga sana ako pero bumuti't nakabalik kaagad si Maiko. Dala dala na rin niya yung dalawang galon ng ice cream.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon