CHAPTER TWENTY

7.7K 137 7
                                    

CHAPTER TWENTY

-Frances Paris Ameline's PoV-

Nag-park kami sa harap ng isang sizzling house. Kakain nga kami siguro. 

Nakahinto na yung sasakyan pero tahimik pa rin na nakaupo lang si Chase. Mukhang tulala na may malalim na iniisip na ewan. Pero infairness ah, ang gwapo gwapo talaga niya. Ang sarap sarap niyang titigan. Sana mamana ng baby namin yung mukha niya.

Bigla siyang napatingin sa'kin. Nagtama tuloy yung mga mata namin. Gusto kong umiwas ng tingin pero parang napako na ako sa kanya. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin. Parang may magnet sa pagitan namin.

Maya-maya'y kumurap siya at agad na nag-iwas ng tingin. "Tara na," sabi niya nang hindi ako nililingon at nauna na siyang bumaba ng kotse.

Parang gustong magwala ng puso ko. Nagbubunyi ang loob ko sa mga nangyayari. Kinikilig ako. Hindi talaga ako makapaniwala. Hinintay niya ako tapos kakain pa kami ngayon? Waah! Ito na ba ang first date namin?

Napatingin ako sa may gilid ko nang maramdaman kong may marahas na kumakatok na sa may bintana. Si Chase pala 'yon at pinapababa na niya ako. Mukhang ayan na naman yung masungit niyang mukha. Kaya para hindi ako masungitan pa, bumaba na ako ng kotse niya at sumama papasok sa sizzling house.

***

Mmm! Ang bango-bango naman! Amoy palang, alam ko nang masarap!

Iniwan na kami nung waiter matapos niyang i-serve ang inorder ni Chase na sizzling pusit para sa'kin tapos sizzling chicken naman ang sa kanya. Umorder nga rin siya ng favorite niyang ice cream eh. Haha, parang bata talaga siya kahit kelan.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong niya sa'kin nang mapansin niyang nakatingin ako't nakangiti sa kanya.

Ngumiti ako lalo. "Wala. Ang cute mo kasi eh."

Napailing nalang siya. "Kumain ka na d'yan."

At dahil mukhang totoo ngang gutom na siya, nauna siyang kumain. Halata nga sa mga subo niya na gutom na gutom siya. At dahil ganun din naman ako. nagsimula na rin akong lantakan yung masarap na pusit.

Ang sarap naman kasi rito. Baka mamaya hanap-hanapin ko na 'to.

Natigil ako sa pagsubo nang mapansin kong nakatingin na sa'kin si Chase. Nailang tuloy ako. "Gusto mo ba?"

Napakurap naman siya sabay iling. "Hindi ako kumakain niyan."

"Eh? Allergic ka ba sa pusit? Sa seafoods?" tanong ko.

Umiling siya. "I just don't like it."

"Ay, ang arte? Masarap kaya 'to. Try mo kasi muna." Tumusok ako ng pusit gamit ang tinidor ko at nilapit ko sa kanya na para bang sinusubuan ko siya. "Dali, tikman mo. Masarap 'to."

Umiling siya. Nilalayo niya yung sarili niya sa'kin. Ayaw nga niya ng pusit. Pero persistent ako. Hindi ako titigil hangga't hindi niya nagiging favorite ang pusit. 

"Sige na, Chase. Pleeeaasee?" Nagpa-cute pa ako with matching puppy eyes kaya ayun, bumigay na siya pagkatapos.

Tinikman niya yung pusit. Nag-ready na ako sa magiging reaksyon niya--kung hihingi siya ng tubig o susuka siya dahil baka ayaw niya nga talaga. Pero aba, natahimik siya! Tahimik niyang nginuya yung pusit. Mukhang nasarapan siya. Nangiti tuloy ako.

"Sabi ko sa'yo eh! Masarap, diba?" 

Nag-poker face siya pero halata namang nasarapan siya. "Dyan ka ba naglilihi? Tss. Kawawa naman yung anak mo."

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon