CHAPTER EIGHT

7.7K 119 7
                                    

CHAPTER EIGHT

-Chase Rhennan's PoV-

"Chase Rhennan, buntis nga talaga ako."

Lagi nalang nag-e-echo sa tenga ko yung sinabi nung Frances na 'yon. Mas lalo pa akong kinabahan sa pinakita niyang pruweba.

Natatakot ako, oo, pero hindi. Hindi ako dapat matakot. May paniniwala akong wala akong pananagutan sa kanya. Kung totoo mang buntis siya, malamang na yung lalaking 'yon ang responsable. Anong malay ko kung niloloko at ginagamit lang niya ako? Tsk. Sa panahon ngayon, marami nang tao ang hindi dapat pagkatiwalaan lalo't hindi mo kilala. Marami nang mga manlolokong maaaring kagaya niya.

Isang bagay lang--ayokong niloloko ng kung sinu-sino lang.

Uuwi na sana ako nang maalala kong sinusundan ko nga pala si Agatha. Mukha namang sinuswerte ako dahil natanaw ko sa di-kalayuan yung hayop na lalaking 'yon. Tsk. At ang hanep? Ayun. Shit. Kasama na naman si Agatha.

Gustung gusto ko talagang manapak sa tuwing nakikita ko silang magkasama, lalo pa't kitang kita ko kung gaano sila kasaya sa isa't isa. Mukha ngang napakakomportable nila eh. Mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. TSK.

Pero hindi pa rin. Dama kong wala sa kanila yung saya at totoong pag-ibig gaya ng meron kami noon. Alam ko at naniniwala akong mahal pa rin ako ni Agatha. Ako lang. Kami lang.

Lumakad sila nang magkahawak ang kamay. Mukhang nag-uusap din sila kasi nagtatawanan silang dalawa.

Patago ko silang sinundan. Pumasok sila sa isang ice cream shop. Gusto ko sanang sumunod sa loob pero madali nila akong makikita, kaya sa labas nalang ako naghintay. Akala ko magtatagal sila, pero hindi pala. Lumabas din sila agad na may dalang tig-isang ice cream.

Tsk. Siguro nga hindi niya mahal yung gagong 'yan. Dati, hati kami sa isang ice cream. Hah.

Sinundan ko ulit sila. Ngayon, sa may college garden naman sila pumunta. Umupo sila sa may isang bakanteng bench, hindi malayo sa ibang mga mag-syotang naglalandian din. Tsk. Puta. Nakakaselos.

Mas dumoble ang selos ko nang magsubuan sila ng ice cream nila. Tangna. Nasipa ko tuloy sa direksyon nila yung lata ng pinag-inumang coke na nasa lupa. Buti nalang at nakapagtago ako agad. Hindi nila ako nakita.

Ayokong ayokong nagseselos ako. Makakapatay talaga ako, pakiramdam ko. Bwisit. Kahit nung kami pa, medyo maypagka-possessive talaga ako. Ewan. Seloso akong tao eh.

Muli akong sumilip. Mukhang nagpapaalam na sila sa isa't isa. Naikuyom ko ang kamay ko nang makita kong halikan nung gago si Agatha. Oo, sa labi. Shit. Kahit nga hawak, halos ipagkait kong ibigay noon sa ibang lalaki, paano pa kaya ang halik sa labi? Pucha talaga.

Nakita kong iniwan na nung lalaki si Agatha. Tsk. Ni-hindi man lang marunong magpaka-gentleman. Ni-hindi man lang hinatid si Agatha. Walang kwentang lalaki.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon