CHAPTER TEN

8.2K 135 7
                                    

 

CHAPTER TEN

-Chase Rhennan's PoV-

Nai-park ko na yung kotse ko sa basement ng condominium pero wala pa ring malay 'tong babaeng natutulog sa likod ng kotse ko. Tsk. Mukhang wala nga talaga akong choice kundi i-uwi 'to.

Hindi ko mapigilang titigan siya mula sa salamin sa harap ng kotse. She's really asleep. She's a bit pale. Mukhang may sakit yata siya. Despite of that, bakit parang ang ganda niya--hey, what am I saying?

I shook my head and went out of my car. Binuksan ko yung pintuan sa likod. "Hey, Frances." Tinapik-tapik ko siya pero tulog na tulog siya.

Again, with no choice, I carried her out and to my unit. This is annoying. Kung sinu-sino ang tumitingin sa'kin kaya naman nagmadali ako sa paglalakad. Mabuti nalang talaga't hindi siya ganun kabigat.

"Damn it." I cursed when I found it hard to enter my passcode because of her in my arms. 

Nang mabuksan ko na yung pintuan, we entered. I kicked the door and it slammed shut.

Ibabagsak ko sana 'tong babae na 'to sa sofa when my conscience bothered me. I sighed and brought her to my room. Doon ko siya ihiniga nang dahan dahan. I removed her doll shoes and put them under the bed. I opened the air conditioner and put a blanket on her.

Tinitigan ko siya saglit bago ako lumabas.

I slouched on my sofa. "Hay. What a fvcking day." bulong ko. Ano ba'ng kasalanan ko't kailangan kong umabot sa ganitong mga kamalasan?

***

Naalimpungatan ako. 7PM. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

I remember the girl in my bedroom.

Tumayo ako't pinuntahan siya.

She's still sleeping. "Grabe, napakatulog mantika pala nito." I whispered to myself.

Lumapit ako sa kanya. Hindi pa yata 'to kumakain. Ibang iba yung katawan niya ngayon kumpara sa dati.

"Hey, miss," tinapik-tapik ko siya, "wake up."

Gumalaw siya nang kaunti pero hindi pa rin siya magising. Ngayon lang ba ulit 'to natulog? Psh.

Napailing nalang ako. Siya dapat talaga ang paglulutuin ko, pero nahiya naman ako sa kanya. Tss. Isa pa, mukha siyang kaawa-awa.

Hay, bakit ba hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya?

Hindi ko mapigilang hindi igalaw ang kamay ko palapit sa mukha niya. Hinawi ko yung buhok niya na nakaharang sa mukha niya. Maganda nga siya kahit papano.. no wonder na napagkamalan ko siyang si Agatha minsan.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon