CHAPTER SEVEN

7.8K 130 10
                                    

 CHAPTER SEVEN

-Frances Paris' PoV-

"PARIS! WUY! ANO NA?" sigaw ni Marley mula sa labas ng cr. "Okay ka lang ba?"

"Paano ako magiging--" napaduwal na naman ako. Bwisit. Ano ba naman 'tong pakiramdam na 'to? Suka ako nang suka, tapos itatanong pa ng magaling kong best friend kung okay lang ako? Aba matinde!

"Bestfriend! Takte, kinain ka na ba ng bowl diyan?" kinakatok na niya ako.

Naghilamos ako saglit at saka sumagot, "Paano ako magiging okay ha?"

"Dali na. Gamitin mo na kasi 'yan nang magkaalaman na! Dali dali!" excited niyang sabi.

Pakiramdam ko, gusto kong sipain yung pintuan para matauhan siya. Nakakainis. Bestfriend ko ba talaga 'to?

Napatingin ako sa hawak kong pregnancy test. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Para namang ayokong gamitin 'to. Paano nalang kung... kung... "Ayoko, Marley."

"Gaga ka talaga, Paris! Gawin mo na nang gumaan na yang loob mo."

"Gumaan?" hindi ko makapaniwalang tanong. "Paanong gagaan ang loob ko?"

"Atleast malalaman natin kung ano ba talaga, diba? Malay mo naman, hindi ka pala buntis. Malay mo, ikaw lang ang nag-a-assume." sabi niya.

"E paano kung tama yung hinala ko?" Pinagpapawisan na ako ng malamig dito.

"Ode sabihin mo dun sa magaling na Chase na 'yon. Palamon mo sa kanya 'yang PT mo." medyo sarcastic na sabi niya. "Aish, gawin mo na nga lang kasi 'yan!"

Nanginginig kong tinitigan 'tong PT. Huminga ako nang malalim at saka ko iyon ginamit.

-Chase Rhennan's PoV-

"Chix naman pala 'tong si Frances ah." sabi ni Trey. Hawak-hawak niya yung iPhone niya at mukhang may ini-scan na kung ano.

"Frances? Tsk. Napakababaero mo talaga. Sino na naman 'yan?" walang gana kong salita habang busy naman sa paglalaro sa cellphone ko. Tsk. Napaka-boring na araw.

Napabangon ako nang bigla niya akong hampasin. "Siraulo ka talaga, ano, pre?"

"Naikama na't lahat lahat, hindi pa pala alam ang pangalan." natatawang sabi ni Haris. Nakitawa na rin ang mga walang hiya.

Ibig sabihin, yung babaeng 'yon ang tinutukoy nila? Tsk. Frances pala.

Bumalik ako sa pagkakasandal ko at naglaro nalang ulit.

"Pre, wala ka ba talagang balak?" tanong ni Gio.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon