CHAPTER FOURTEEN

7.4K 136 6
                                    

CHAPTER FOURTEEN

-Frances Paris Ameline's PoV-

"Isa pa po ba?" alok ulit nung waiter na nagse-serve ng beer sa party.

Tumango ako kaya sinalinan ulit niya ako ng isa pa. Tinungga ko agad, bottoms up, at saka nanghingi ulit ng isa pa. Hindi naman ako pala-inom. Light lang naman kasi 'tong drink at saka sadyang badtrip ako.

"Woah. Hindi ko alam na malakas ka pala sa ganyan, ate." sabi ni Rhenisse pagkaupo niya sa tabi ko. 

Nasa table pa rin nila ako. Sadyang naging mag-isa lang ako kanina nang dumating na yung Agatha na 'yon at sinama na nila Tita at Tito sa pakikipagkamustahan sa ibang bisita. Mabuti nga't naisipan akong balikan nitong si Rhenisse.

Nilapag ko yung baso sa mesa. "Hindi naman malakas yung tama nito eh," pagdadahilan ko. Ayokong sabihing dahil lang naman 'to sa pagkainis ko sa biglaang pagsulpot nung ex ni Chase at sa biglaang pagkawala sa atensyon ko.

"I know you don't like her presence, too," sabi pa niya.

"Hindi naman ah," mabilis kong tanggi pero tinawanan lang niya ako.

"Deny no more , ate," natatawa niyang sabi. "I know that face. Alam kong nagseselos ka."

I just laughed. Ininuman ko ulit yung drinks ko.

Napatingin ako sa direksyon nila. Nasa table na sila nung mga barkada ni Chase na, well, ay kasama ang magaling kong best friend. Nagtatawanan sila at mukhang masaya. Naiinis ako kasi magkahawak pa ng kamay yung dalawa. Duh! Mag-ex na sila. Bakit kailangang ganyan pa rin? Ano ba 'to, show lang? Teka. Hindi ba alam ng parents nila na nag-break na sila?

Napatingin ako kay Rhenisse. Gusto kong magtanong pero parang umurong ang dila ko. Aish. Wag na nga lang.

Sa pag-inom ko nalang ulit binaling ang atensyon ko.

Pero, seryoso. Nadudurog na talaga ang puso ko sa nakikita ko. Bakit kailangang sa harap ko pa?

Dapat yata hindi nalang ako pumunta dito eh. Nasasaktan lang ako. Ah, tama. Uuwi nalang kaya ako?

"0h, hindi ka pa pala namin napapakilala kay Paris," rinig ko sa likod ko kaya napatingin ako.

Nakabalik na pala sila mula sa paglilibot. Nakangiti sina Tito at Tita. Magkahawak-kamay naman at mukhang masaya yung dalawang mag-ex. Uh-oh, mukhang nawala yung ngiti ni Chase nang magkatinginan kami. Psh.

Nagkatinginan kami ni Agatha. Tapos bigla naman siyang ngumiti. "She's familiar. I think I once saw her." Napaisip siya. "Yah, tama. Siya yung girl na naghihintay once kay Chase. Wait," napatingin siya kay Chase na parang may something siyang pinaparating,  "magka-anu-ano ba kayo?"

Napatingin si Chase kay Agatha. Bigla na namang bumalik yung ngiti niya. "I actually didn't know her. Si Rhenisse ang ka-close niya."

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon