CHAPTER ONE

17.1K 208 7
                                    

CHAPTER ONE 

-Frances Paris' PoV-

"Come on, come on 

Jump a little higher

Come on, come on

If you feel a little lighter.."

Hindi ko alam pero sinusumpong ako ng ka-hyper-an ngayong araw. Kahit na nalalapit na ang finals week, nakuha ko pa ring magsaya. Nakuha pa tuloy na sabayan ang pag-ring ng cellphone ko ng kanta ko. Oha! Mas pinili kong mag-sing along sa daan kaysa sagutin ang tawag ng kuya ko!

"Come on, come on 

We were once

Upon a time in love 

We're accidentally in love 

Accidentally in love.. Acci--ARAY!"

Natigilan at napatakip nalang ako ng bibig ko nang may mabangga ako dahil sa mga kabaliwan ko. Oops. Natapon ko pa yata sa kanya yung iniinom niyang pandan shake niya.

Dahil sa panic ko at kahihiyan, in-off ko yung cellphone ko at nilabas ko agad yung panyo ko at pinunasan siya.

"OW! Sorry! Sorry talaga ha? Hinding hindi ko sinasadya! Hindi kita nakita. Busy kasi ako sa pagkanta. Ay, hala. Basta, sorry tala...ga." napahinto ako sa pagpunas sa kanya nang sa mukha na niya pala ang pinupunasan ko. Nagulat ako sa ginagawa ko. Takte. What am I doing?

Pero hindi talaga 'yon ang nagpatigil sa mundo ko eh. Hindi yung ginawa ko, kundi yung mukha niya. Honestly speaking, ang gwapo-gwapo kasi ng mukha niya! God! Ang puti-puti pa niya! His features are perfect--from his eyes, his nose, his cheeks, his eyebrows, and, gulp, his lips. Napaka-perfect naman ng itsura ng lalaking 'to. How can he get such perfect features? Ang ganda siguro ng genes ng parents niya!

Napakurap-kurap ako nang biglang mag-iba yung tingin niya sa'kin. Napagtanto kong harap-harapan ko na pala siyang pinagnanasaan. Owno! 

"Tsk. Mag-iingat ka sa susunod, stupid."

Mas napakurap ako sa pagsalita at pagkilos niya.

He coldly said those words and just left me here. GEEZ! How can he be that-rude? Pinuri-puri ko pa naman ang features niya kanina! Tapos ano? ERR!

Now, I'm taking back those praises. Wala akong sinabi na gwapo siya. Wala. Wala. He's rude and all. I. Hate. Him. From. Now. On.

"PARIS NG EUROPA!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

At dahil hinding hindi ko talaga gusto ang ganoong paraan ng pagtawag sa'kin, inis ko siyang tinignan. She's my beast friend for so long, Marley. "How many times do I have to tell you na wag akong tawagin sa ganyang paraan ah?"

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon