CHAPTER THIRTEEN

8.6K 131 11
                                    

CHAPTER THIRTEEN

-Frances Paris Ameline's PoV-

"Kuya naman eh!" Ayoko na! Suko na talaga ako! Mababaliw na ako sa kakapili ng damit ko. "Wag ka nga lang umupo d'yan! Tulungan mo kaya akong maghanap ng damit ko." 

Nakakasura kasi 'tong kuya kong 'to. Ang kapal ng mukhang pumasok sa kwarto ko. Makikiupo lang pala sa malambot kong kama habang nagpapaka-busy na mag-celphone. Nakikita naman niyang hirap na hirap na ako sa kakahanap ng damit ko para sa party ni Chase pero deadma lang sa kanya.

Tinignan ako ni kuya. Umiling lang siya tapos ay bumalik din sa pagse-celphone niya.

Dahil sobrang pikon na pikon na ako at sagad na sagad na ang pasensya ko, I slammed my closet shut at naupo sa kama ko. "Ayoko na talaga! Hindi nalang ako pupunta."

Tumayo si kuya. "Hindi mo ako madadaan sa ganyan, Paris. Kung wala kang masuot, mas mabuti pang wag ka nang pumunta." Tapos ay lumabas na siya ng kwarto ko.

Naiwan akong tulala. Wow! Very very nice, kuya Denver! I so love you! "GRR! Nakakainis ka, kuya! Hindi ka pa rin ba naka-move on sa kasalanan ko? Sorry na kasi, diba! Napaka-cold mo na sa'kin ngayon! GRR! Grabe! I hate you!"

Bigla ulit bumukas yung pintuan at sumilip si kuya. "May sinasabi ka?"

Inirapan ko siya. "Wala. Sabi ko, mahal na mahal mo ko kaya naman mahal na mahal din kita."

"Tss." Sinara niya yung pinto tapos lumabas na nang tuluyan.

Hay nako. Pero in fairness, alam kong nilalambing lang ako ni kuya. Di bale, kuya, babawi ako sa'yo sa susunod.

Tumayo ako ulit at muling pumunta sa closet ko. Binuksan ko 'yon at isa-isang pinaglalalabas ang mga damit. Marami naman akong mga dress na pagpipilian pero wala ni-isa akong magustuhan. Magaganda naman lahat, pero hindi ko feel. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong krisis sa buhay. Pati damit, problema na.

"Kelangan kong maging presentable. Mami-meet ko pa man din ang parents and family niya. Dapat maging maganda ako." sabi ko sa sarili ko. 

Nakaka-frustrate. Two days nalang, birthday na ni Chase. Ano'ng isusuot ko?

Biglang nag-ring ang phone ko. Sino na naman kaya ang tumatawag? Kinuha ko yung phone ko at walang ganang sinagot 'yon.

"BEST FRIEND!" Si Marley pala yung tumatawag. "Free ka ba today? Pasama naman oh, please?"

"Saan na naman?" walang gana kong tanong. Wala na nga ako sa mood, sasabayan na naman niya.

"I'll buy a dress! Inaya kasi ako ni baby Trey na maging date niya sa birthday ng friend niya." Nai-imagine ko siya na kinikilig-kilig at mala-kamatis sa pula. Napakalanding babae talaga nitong gagang 'to. Pero, teka. Malamang birthday ni Chase yung tinutukoy niya.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon