CHAPTER THIRTY

6.6K 124 5
                                    

Si Chase sinugod na sa ospital dahil sa inis ng readers sa kanya! HAHAHAHA! Lol. Kidding! So, here's an update--as promised!

CHAPTER THIRTY

-Frances Paris Ameline's PoV-

Nagising ako, and it just felt good na maramdaman kong hawak ng mahal ko ang kamay ko. It was heaven, not until I heard him speak. "I love you, but I guess you're not the one for me and surely I'm not the best and right guy for you."

Gustong kong isiping nananaginip lang ako... na isang bangungot lang ang mga salitang 'yon, but I was wrong. Iminulat ko ang mga mata ko at alam kong nasa ospital ako dahil sa nangyaring pagdudugo marahil sa'kin kanina. Nakita ko nga si Chase at papatayo na siya. Nang akma niyang bibitawan ang kamay ko, hinawakan ko siya. Gusto kong sabihing wag siyang umalis. Gusto kong magmakaawang wag niya akong iwan, pero wala talaga akong lakas.

Nadurog nang tuluyan ang puso ko nang muli na naman niyang sabihin yung mga salitang binitawan niya sa'kin nung nakaraan. "I'm sorry, Frances."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang paglayo niya sa'kin--sa muling pagkakataon. 

Masakit, pero hindi lang pala 'yon. Nalaman ko ring pati yung anak namin... wala na.

Sobrang sakit. Gusto ko nalang mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kung bakit ba naman kasi pa ako pinigilan ni Chase kanina? Kung bakit ba naman kasi hindi nalang niya ako hayaang mamatay sa gano'ng paraan? Gusto pa yata niya na sa ganitong sobrang tagal at sobrang sakit na paraan ako mawala.

Hindi ko na kaya e. Nawala na yung anak namin... tapos pati si Chase gusto din na akong layuan.

'...I don't deserve to be your man.'

Iyon ang sabi sa'kin ni Chase, pero hindi naman ako naniniwala doon. Alam kong siya ang mahal ko. Alam kong siya ang gusto kong makasama. Alam kong deserve ko pa rin ang gaya niya despite of all that happened. Tanga na kung tanga, pero yun ang papaniwalaan ko.

'I'm very sorry for what I did, Frances.'

Sorry, puro nalang sorry. Hindi naman iyon ang kailangan ko. Kaya ko siyang tanggapin kahit wala yung sorry niya. Ang gusto ko lang, maging masaya kasama siya. Gusto kong sabihin niyang mahal niya rin ako. Gusto kong aminin niya 'yon, hindi yung pinagtutulakan niya ako sa iba... hindi yung pinipilit niyang may mas deserve akong iba.

'Stop running. Stop chasing me... Enough of it. Alam kong pagod ka na.'

I heaved a sigh. Pagod na talaga ako. Pagod na pagod na... but I just can't stop loving you, Chase. I just can't stop chasing you. Not yet. Never.

-Chase Rhennan's PoV-

"Kuyaa," hula ko ay nakasimangot na tawag sa'kin ng kapatid ko habang naka-slouch siya sa sofa ko at busy sa kakakalikot ng celphone niya.

Mula sa nirereview kong mga libro ay nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Problema mo?"

Nginusuan niya ako. "May signal naman 'tong unit mo, pero bakit hindi ko ma-contact si Ate Paris? Nagpalit na ba ng number 'yon? Wala ka ba, kuya?"

Tss. Her name again. Can't I just get rid of her even for just a day?

"Ewan ko. Wala e," kaswal kong sagot at binalik ang atensyon ko sa pagre-review ko.

"Haish! Ano ba naman 'yan, kuya! Nakakainis naman. Ang boring boring dito e. Nami-miss ko na talaga si Ate Paris," reklamo pa niya. "Hindi na ba kayo nag-uusap, ha, kuya?"

Umiling nalang ako. Hindi kasi alam ni Rhenisse kung gaano ka-komplikado na ang mga nangyari. "Wag mo nalang siyang hanapin."

"E? Bakit naman?"

"Tsk. Basta. I just don't care about her."

Bigla niya akong binato ng maliit niyang teddy bear. Fuck. "Ayiee! LQ na naman kayo!"

"LQ ka dyan! Saka, pwede ba, wag mo akong mabato-bato. Ipapasundo na kita kay daddy, sige ka. Istorbo ka. Nag-aaral ako eh." Malapit na kasi ang exams. Mag-aaral nalang ako kesa kung anu-ano ang pinoproblema ko.

Nagsasalitang mag-isa ang kapatid ko. Alam kong inaasar niya na naman ako, pero hindi ko nalang siya pinapansin. Tss.

About Frances... She still keeps on chasing me--personally and even on my damn thoughts. She's just simply unbelievable. Hindi pa rin naging sapat sa kanya yung mga sinabi ko nung nakaraan. Why doesn't she just stop it and focus on her life? Can't she live without me? Tss.

Damn. Oo, hindi naman ako natutuwa sa nangyayari. I'm distracted and damn affected, too. 

Kaya nga gusto ko nang kalimutan na rin niya ako nang tuluyan para ganon din na ako sa kanya.

"ATE PARIS! Hello?" biglang bulalas ni Rhenisse.

Ewan ko pero bigla akong napatingin sa kanya. Hawak niya yung celphone niya at nakatapat na 'yon sa tenga niya.

Maya-maya'y bigla siyang tumingin sa'kin, wearing her ever-naughty grin on her face. Binaba niya yung celphone niya tapos bigla niya akong tinawanan. "Ayiieee! Si kuya! May pa-'I just don't care about her' ka pa kanina!" She's laughing hard. "Tapos kunwaring phone call lang, ang bilis mo! Nami-miss mo na rin si Ate, ano? Ayiieee! Sinasabi ko nang love mo talaga siya, eh!"

What? The fuck!

-tbc.

Salamat sa nag-leave ng comments kanina! Hahaha! At sa magli-leave palang!

Comments muna ulit, tapos try ko ulit mag-post mamaya! Gad, ten chapters to go, magba-ba-bye na ang Chase Rhennan! Huhuhu. Sana suportahan niyo next stories ko pa rin. Posted na ang preview ng 143 HEARTACHES, ang next project ko. Hahaha. Ayun lang! Kbye. ♥

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon