CHAPTER TWENTY ONE

7.3K 144 5
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

-Frances Paris Ameline's PoV-

"Mukha namang matino at mabait siya. Ilang beses ka na rin niyang hinatid dito sa bahay," salita ni kuya habang nanonood kami ng tv. Tinutukoy niya si Chase kasi hinatid nga ako kanina. "Kelan niyo ba balak na pormal na magpakilala sa'kin?"

Halos masamid ako sa tanong ni kuya. Alam na pala niya na si Chase yung nakabuntis sa'kin?

Napatingin ako kay kuya, speechless.

Tinignan ako ni kuya saglit tapos binalik agad niya yung tingin niya sa tv. "Tch. Dumadaan na rin kayo lagi rito, hindi pa kayo magpakilala sa'kin nang pormal. Gusto ko naman siya eh. Wag mong sabihing natatakot siya sa'kin? Tsk."

Yiee. Gusto ni kuya Denver si Chase. Ang saya naman.

"E, hindi naman sa ganon, kuya. A-ano lang kasi..." Hindi ko masabi na ayaw maniwala ni Chase na nabuntis niya ako. Ayoko ko kasing mawala yung pagkagusto ni kuya sa kanya. Ayokong magalit si kuya sa kanya.

"Wag mong sabihing hindi pa niya alam na buntis ka?" biglang tanong ni kuya. "Bakit hindi mo pa sabihin?"

"HA? Hindi ah! Hindi naman, kuya. Ah... ano lang kasi... basta. Hindi pa kasi kami ready pareho. Pero wag ka nang mag-alala, kuya. Nakikita mo naman kung paano niya ako tratuhin at alagaan, di ba?"

Napailing nalang si kuya. Hindi na siya nagsalita.

Si kuya Denver, parang siya na rin talaga ang daddy ko. Paano pa kaya kung pati siya nawala sa'kin noon? Haay.

***

From : Marley

Bestyy! Date tayong dalawa. Babawi me sayo.Mga around nine am, pwede ka?

Na-excite ako nang mabasa ko yung text ng best friend ko. Finally, naalala rin niya ako. Puro kasi boyfriend nalang niya ang kasama niya eh.  Nami-miss ko na ring lumabas kasama siya eh.

Re-reply-an ko palang siya nang biglang may nag-doorbell sa bahay namin. Dahil wala naman si kuya, wala akong choice kundi ang tignan kung sino 'yon.

Nagulat ako nang makita kong si Chase pala 'to! Ano'ng ginagawa niya rito?

Yung gulat ko, biglang napalitan ng pagkailang. Tinignan niya kasi ako mula ulo hanggang paa. At doon ko lang na-realize na bagong gising pala ako at ang gulo-gulo ng buhok at itsura ko. Hindi pa nga ako nagsisipilyo at nagsusuklay. At... hala!  Agad kong niyakap yung sarili ko. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng bra kapag natutulog. Hindi rin ako nagsusuot kapag alam kong wala naman sa bahay si kuya.

"A-ano ba'ng ginagawa mo rito ah? Ang aga-aga eh!" Naiilang kong tanong sa kanya. Nakakahiya naman kasi eh!

Seryoso siyang sumagot. "The shoot. Did you forget?" Nagmukha siyang disappointed kasi nakalimutan ko.

CHASE RHENNAN [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon