Twenty-two: Our First and Lasts

87 16 40
                                    

*Note: Expect that there are typos and wrong grammars here*

-:-

"Where do you want to go?"

Tanong ni Iven sa akin nang makapasok na kami sa loob ng kotse niya. I can't help but to smile because this is our first date as a couple. Alam kong ito na rin ang huli pero ayaw ko munang isipin iyon, I just want to enjoy my last day with him dahil pagkatapos nito, wala na. Aalis na ako.

"Kain muna tayo since lunchtime na oh. Gusto ko sa Japanese Restaurant, sa ROFL Sushi. Masarap daw doon eh."

I suggested. Hindi pa kasi kumakain ng breakfast si Iven dahil nalate siya ng gising kaya naligo na lang siya kaagad.

"Alright Japanese foods."

Iven answered and chuckled a little bit. He revved the engine and I can't help but to stare at this hand. I will be really happy if I can touch his hand and feel his warm. But sadly, I can't. We can't.

Hindi ko alam kung mahilig ba si Iven sa mga Japanese foods dahil hindi ko naman alam yung nga favorites niya.

And that hit me...mag-jowa na kami pero hindi pa rin namin alam kung ano ang gusto namin. Agad akong tumingin sakanya para magtanong. I want to know more about him, hindi puwede na si Liana lang ang nakaka-alam.

"Iven ano favorite food mo?"

Tumingin muna siya sa akin saglit ng may pagtataka bago iyon binalik sa harapan. Nakita ko ang pagdududa sa kaniyang mga mata, hindi niya siguro alam kung sasagutin niya ang tanong ko o hindi. I can't blame him, I just asked him a random question.

"I really don't have a specific favorite food, pero gusto ko ng lutong pambahay."

Napangiti ako kaagad sa sagot niya. Buti na lang pala hindi ako marunong magluto, at least he will have a reason to leave me.

"Ahh, ako kasi favorite ko yung mga Japanese foods mas lalo na yung teriyaki. Pinatikim kasi ako noon ni ate ng teriyaki noong grade 5 ako tapos naging favorite ko na siya." Pagkwekwento ko, siyempre kailangan may alam din siya tungkol sa akin para naman kahit papaano ay maalala pa rin niya ako kahit wala na ako sa tabi niya.

"Then I should cook Japanese foods for you."

Bigla akong natawa sa sinabi ni Iven dahil alam naman niya na hindi na ako puwedeng kumain. Hello, isa na kaya akong kaluluwa. Pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang tawa ni Iven. I glanced at him and there were wrinkles around his eyes, a proof that he's really happy today. Makakaya ko bang sirain ang kasiyahan niya ngayon?

"Sira, alam mo naman na patay na ako. Pero seryoso, alam mong magluto?"

Hindi 'yun nakatakas sa akin kaya tinanong ko na siya kaagad. Honestly, I really like men who is good at cooking dahil hindi ako marunong. Nakaka-husband material kasi.

"Yeah, yaya taught me how to cook."

Simpleng sagot niya kaya napatango na lang ako. Sayang naman, hindi ko man lang natikman yung luto niya. Ang swerte siguro ng magiging asawa ni Iven. I know he will take care of her as much as he will take care of his self. Ang lungkot lang dahil hindi ako 'yun.

"Ano naman favorite color mo?"

I shrugged my sad thoughts off by questioning him again. Napangisi ako nang makita ko na naman ang pagtataka sa kaniyang mga mata.

"Is this a slam book?"

"Hindi namam, pero gusto ko lang malaman yung mga favorites mo. Mag-jowa kaya tayo pero clueless tayo sa mga favorites natin. Dapat 'yun yung inuna mo bago mo ako tinanong bilang girlfriend mo."

Love After LifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora