Five: She Remained

135 46 105
                                    

*Note: Expect that there are typos ang wrong grammars here*

-:-

It's the last day of my funeral, at bukas na ng hapon magaganap ang aking libing. Sa totoo lang ay medyo natatawa ako sa sitwasyon ko ngayon, dahil alam ko namang mamamatay ako pero hindi ko inakala na mapapanood ko ang aking sarili na ganito, it feels like it is still fantasy for me.

Life is really full of surprises, nung nabubuhay ako ay hindi ko inaasahan na may mga nangyayari palang ganito, na may mga kaluluwang nananatili rito because of their own reasons. I thought after you died, you'll just end up with two paths, it's either heaven or hell and everything will be normal again. Akala ko magiging madali na ang lahat pagkatapos mong mamatay.

Pero hindi pa rin pala madali ang buhay sa afterlife dahil may mga pagsubok pa ring kailangan mong harapin, gaya na lamang ni Karelle. She's now dead and yet she's still suffering from the pain that she had experienced when she was still alive, same with Lauren. Mas mahirap pa nga ata kay Lauren dahil walang tao ang nakakakita sakaniya kaya wala rin ang makakatulong sa problema niya. Afterlife is also unfair.

Gumaan na rin na 'yung pakiramdam ko ngayon dahil hindi na masyadong umiiyak 'yung mga kaibigan ko pati na rin sina dad. Yes, I can still sense sadness from their eyes pero hindi na katulad nung unang araw, 'yung tipong iyak sila ng iyak. Somehow tumatawa na raw sila. Hindi nga ako makapaniwala na rito na muna natutulog yung mga kaibigan ko at pati na rin yung ibang ka-block mates ko. I didn't know that I'm too important for them para manatili sila sa lamay ko. Ang hindi ko talaga inaasahan ay si Iven. Yes, he's still here.

"Ang dami mo namam talagang bisita, noh?"

Napalingon ako kay Lauren sa sinabi niya. Sumama na rin kasi sila sa akin simula nung nag usap kaming tatlo. Wala naman daw kasi silang mapuntahang iba dahil hinihintay lang naman nila na matapos yung bakasyon nung taong tumutulong kay Karelle bago sila babalik sa Manila.

"Mabait kasi ako."

Pagloloko ko sakanya but she just rolled her eyes and crossed her arms. Napatawa naman kami ni Karelle dahil doon.

"Masama ka kasi nung nabubuhay ka pa kaya ganun." Dagdag ni Karelle kaya mas lalo lang naging masama ang timpla ng mukha ni Lauren.

Hindi ko alam kung ang tinutukoy ni Lauren na kailangan niyang tapusin dahil ayaw naman niyang ikwento, pinilit ko si Karelle pero wala raw siya sa posisyon para sabihin iyon. Bakit parang mabigat din yung dahilan niya kaya ayaw niyang sabihin?

"Masama ba kung naging masama ako dati?" Matapang niyang sabi.

"Hindi naman sa ganun tsaka binibiro ka lang naman namin, diba Amery?" Karelle turned her head and winked at me. Napangisi ako, sinasali na naman niya ako sa kalokohan niya.

"May pagka-tanga ka talaga noh? Pa-wink wink ka pa diyan eh kaharap mo lang naman ako." Pambabara ni Lauren tsaka umalis at dumeretcho sa kusina namin.

Linipat ko ang tingin kay Karelle at nakanguso na ito sa akin. Mukhang humihingi ng tulong dahil natalo na naman siya kay Lauren.

"Nasa nature na talaga niya ang pagiging mataray, kaya huwag mo nang sabayan."

Medyo nilakasan ko ang aking boses dahil nagsimula na namang tumugtog yung service. Saglit akong sumilip sa labas at palihim akong ngumiti nang nagkakasiyahan sila. Pinapatugtog kasi nila yung Balse kaya sumasayaw na rin yung iba.

Wala namang kaso sa akin kung magsaya sila. It's okay, at least they are not caging their selves with the sadness, instead they are unleashing their happiness. Mas maganda na iyon kaysa naman sa puro drama diba?

Love After LifeWhere stories live. Discover now