Thirteen: Text Message

80 15 38
                                    

*Note: Expect that there are typos and wrong grammars here*

-:-

"Are you okay?"

Tanong agad ni Iven nang makapasok kami sa sasakyan niya.

Tapos na kasi silang kumain sa Samgyupsalamat kaya umuwi na rin sina Liana at Tristan. Gusto pa nga ni Liana na ihatid siya ni Iven ngayon, but to my surprise, he declined. Nagulat nga rin sila mas lalo na si Liana. Baka palaging hinahatid at sinusundo ni Iven si Liana kaya ganun na lang ang kaniyang pagkabigla. Pero aaminin kong masaya ako dahil tinanggihan niya si Liana. Wala lang, feel ko kasi ang special ko sakanya tapos ngayon tinatanong niya ako kung ayos lang ako.

"Yup I'm okay. Tsaka huwag ka ngang masyadong mag-alala sa akin. Iisipin ko tuloy na special ako sayo."

Pabirong sabi ko. Gusto ko kasing tuksuhin ngayon si Iven. Ang sarap kasi niyang tignan kapag nakakunot ang kaniyang noo.

At tama nga ako, kumunot na naman ang kaniyang noo.

"I've asked you seriously but you just answered playfully." He scoffed while revving the engine of his Mercedes.

"Seryoso naman ako sa sinabi ko ah! Feel ko kasi special ako sayo dahil tinanggihan mo si Liana na ihatid kanina dahil sa akin tapos pinatigil mo pa siya kanina nung pinag-uusapan niya ako. Diba? Parang you chose me over your friend."

Pagkwekwento ko habang nakangiti. Sinulyapan ko siya pero nakatuon lang ang atensyon niya sa harapan.

"I just don't want her to be creeped out especially that I'm with a ghost."

"Lie." Sinagot ko siya kaagad nang marinig ko iyon dahil alam kong nagsisinungaling siya.

"What?" His forehead creased at sumulyap lang siya sa akin saglit bago niya binalik sa daan ang kaniyang tingin.

"It's just a white lie. I get it. You're just lying to deny that I'm really special to you. Gosh, Iven huwag ka na ngang mahiya sa akin. Ako lang naman ito oh, si Amery ang special sa puso mo."

Pagmamayabang ko at tinuro ko pa ang aking sarili gamit ang hintuturo ko. Ngumisi ako nang pagkalaki-laki nang napansin ko ang pagka-irita sa kaniyang mukha.

"Where is the serious Amery I've encountered yesterday?"

Pag-iiba niya ng topic. Napanguso tuloy ako at sumandal na lang nang maayos.

Mas gusto niya ba kapag seryoso ako? Hindi na ba siya maiinis sa akin pag hindi na ako magiging makulit? But I don't want to be serious anymore, because I've been already serious for my whole life. Mas lalo na nung nalaman ko na naging malala na ang sakit ko. Gusto ko lang naman na maging masaya ulit gaya dati, nung okay pa lang ang lahat. Nung hindi pa masyadong magulo at malala. Maiintindihan kaya ako ni Iven kapag sinabi ko ang rason na iyon?

"May sasabihin pala ako Iven."

May nakalimutan kasi akong sabihin kanina.

"Hmm?"

Bigla akong napangiti.

"Thank you pala kanina."

Nakita ko ang pagsalubong ng kaniyang mga kilay dahil sa sinabi ko. Iniisip niya siguro kung bakit ako nagpapasalamat sakanya pero tumingin na lang ako sa bintana at hinyaan ko na lang siya na isipin iyon.

Kinagabihan ay pumunta ako sa Coffee Project para makita sina Karelle at Lauren. Pagdating ko ay si Lauren lang ang andoon kaya nilibot ko ang tingin sa loob ng coffee shop pero wala si Karelle. Asan naman ang babaeng iyon?

Lumapit ako sakaniya pero hindi niya ako kagaad napansin dahil nakatingin ito sa labas.

"Lauren."

Love After LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon