Eight: Lorielle Privera

131 35 69
                                    

*Note: Expect that there are typos and wrong grammars here*

-:-

"Shocks! Hindi talaga ako makapaniwala na papayag kang tulungan ako. Ang saya saya ko talaga ngayon! Akala ko dadaan pa ako sa bagyo bago ko makuha 'yung oo mo. Pero ang bilis lang naman pala kita napapayag."

Masaya kong sambit kay Iven kahit hindi ko alam kung nakikinig siya sa akin o hindi. Naka-upo lang kasi ito sa study desk niya habang nagbabasa at nagso-solve, hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Pero okay lang yun sa akin, ang mahalaga tutulungan na niya ako.

"I already did, okay? Just make sure you're serious with this. I don't like liars."

Umangat ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay pinagdududahan ako ni Iven kahit sinabi na niyang tutulungan niya ako. Napaka-seryoso kasi ng boses niya.

Sinandal ko ang aking mga braso sa kaniyang desk at tinignan siya nang seryoso. I noticed that he was distracted with what I did, dahil napatigil siya sa pagsusulat at tinitignan niya ako sa gilid ng kaniyang mga mata.

"I already said it earlier, right? That if I can only do this alone, I won't buy a time to disturb you. Pero hindi ko naman kaya dahil isa na lang akong kaluluwa." Seryoso kong sambit. Napansin ko ang paggalaw ng kaniyang adam's apple, at kung hindi lang ako seryoso ngayon ay baka kinilig na ako.

"Fine."

He answered it with his frustrated voice. Sumandal siya sa kaniyang upuan at tiniklop ang kaniyang mga braso. His eyes slowly shifted to me. Kaya umayos na rin ako ng tayo.

"So what kind of help do you need?"

Huminga ako nang malalim bago ako sumagot sa tanong niya.

"My mom. She doesn't want to let me go. Hanggang ngayon ay hindi pa niya binibigay yung journal ko. I want that one since it was my greatest possession. I just wanted you to talk to my family especially to my mom and convince her to let go of my journal."

I explained. His eyebrows arched and looked away from me. He tilted his head to his right side. I stared at him and seriously he was handsome with that angle. Naipapakita kasi kung paano ka-define yung jaw niya pati rin yung matangos niyang ilong. His side profile looks so good.

Kung madali lang sigurong kausapin si Iven ay baka marami na siyang naging girlfriend. Well, I'm not telling that he's not kind, I'm just saying that his attitude is kinda rough which suits his face. Those breathtaking features of him can really make a girl fall in love with him in just three seconds, and that includes me. Hindi ko naman talaga itatanggi na gwapo si Iven kasi sobrang gwapo niya talaga, matalino at masipag pa. That's why I like him, pero syempre hindi niya dapat malaman ang tungkol doon dahil baka bigla siyang umurong sa pagtulong sa akin. Ako pa ang magiging kawawa.

"So, sinasabi mo sa akin na kausapin ko sila everyday?"

Nagtatakang sabi niya matapos niyang mag-isip nang malalim. Agad akong umiling.

"Hindi naman sa 'everyday'. You just need to talk to them by heart. Madali lang naman diba? Baka nga bukas wala na ako rito eh."

I joked at him but he just looked away again. Seriously? Ayaw ba niya akong tignan? Kanina palang niya ako iniiwasan.

Huminga siya nang malalim at tumayo. Hindi niya ako tinignan at sa halip inayos na niya ang kaniyang mga gamit. Pinagmasdan ko lang siya habang ginagawa niya 'yun. I can't help but to stare at his arms, lumalabas kasi ang kaniyang mga veins doon at nahuhumaling akong pagmasdan iyon.

"Alright. So where are your parents?"

He blurted out after he was done fixing his things. I slowly bit my lips when I remembered that my parents were still in Ilocos. Hindi naman pwede na pumunta na lang doon si Iven dahil malayo ang probinsya namin sa Manila. Hindi pa siya makakapag-klase.

Love After LifeWhere stories live. Discover now