Fourteen: Ilocos

84 16 29
                                    

*Note: Expect that there are typos and wrong grammars here*

-:-

Napakurap ako nang nabasa ko ang text message na galing kay ate. Hindi ko lang inaasahan na ganito kaaga sila pupunta sa Ilocos, mas lalo na at alam kong hindi pa handa si Iven. Tinignan ko siya at nakatitig lang siya sa screen ng cellphone niya. Alam kong nabasa na niya iyon at pakiramdam ko ay pinag-iisipan niya ng mabuti kung papayag siya o hindi.

"Are you goi—"

I stopped from asking him when he suddenly stood up. Sinubukan kong huliin ang tingin niya pero hindi ko magawa dahil nilagpasan niya ako at naglakad sa gitna. Tumayo kaagad ako para hanapin siya. Hindi naman ako nahirapan dahil I can walk through people.

Napatigil lang ako nang makita ko na kinakausap niya sina Liana at Tristan. Lumapit ako para mapakinggan ang usapan nila.

"I gotta go."

"What? Kapupunta lang natin ah." Liana asked and I saw a hint of disapproval in her face.

"I need to do something." Maikling sagot ni Iven at halata sa itsura nito na gusto na niyang umalis.

"Sige bro. Baka aalis na rin kami ni Liana." Tinapik ni Tristan ang balikat ni Iven pero tinanggal iyon ni Liana at kita ko ang inis sa kaniyang mga mata.

"No! Stay here, Iven! Puwede mo namang gawin yam bukas diba?"

Pulang-pula na ang pisngi ni Liana at halatang lasing na siya sa mga sinasabi niya. I rolled my eyes. Sobrang possessive naman nitong Liana. Akala mo hawak niya ang oras ni Iven eh hindi naman niya ito boyfriend.

Iven sighed deeply, like he was frustrated in the set-up.

"I really need to go."

Hindi na hinintay ni Iven ang sasabihin ni Liana at nagsimula nang maglakad palabas. Agad ko naman siyang sinundan pero bago pa ako makalayo ay narinig ko ang pag-iyak ni Liana. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagiging maarte niya.

"Iven, pupunta ka ba bukas?"

Pilit ko siyang hinahabol dahil ang lalaki ng mga hakbang niya papunta sa parking lot. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang kaya tumakbo na ako para makasabay ako sakanya.

"You can reject it and say no. Alam ko namang hindi ka pa handa para kausapin si mama eh. Puwede namang next week na lang, diba?" Tumigil si Iven sa paglalakad at tinignan niya ako. I looked away from his gaze because it was too intense for me.

"I promised you that I'll help you, right? So why would I say no?"

I looked at him again and I can't help but to smile. The thought that he left his friends just to meet my sister is very thoughtful of him. Hindi ko inakala na gagawin niya ito para sa akin.

"Don't smile like an idiot. Ginagawa ko kang ito para matapos na." Masungit na sabi niya at pumasok na sa loob ng kotse. Napakagat ako sa labi dahil hindi ko talaga mapigilan ang ngumiti. I just can't stop myself from smiling dahil aaminin kong kinikilig din ako.

Sumakay na rin ako sa kotse niya at mabilis naman kaming nakarating sa SB since hindi naman masyadong traffic. Pagkabukas palang ni Iven nang glass door ay nakita ko na si ate na naka-upo sa may pinakagilid. Liningon muna ako ni Iven kaya ngumiti lang ako sakanya pabalik bago siya naglakad papalapit kay ate.

"I thought you wouldn't come."

Nakangiti si ate nang makita si Iven. Bumaba ang tingin ko sa lamesa at nakita ko na nag-order lang siya ng Cafe Americano.

"I didn't order anything for you since hindi ko alam na darating ka. You should've-

"No, it's okay. I'll just order mine."

Love After LifeWhere stories live. Discover now