Hiarlco 37

97 8 0
                                    

Clementine.

"T-teka. Bakit?"

Isinara niya lahat ng bintana. Inilock ang pintuan kaya medyo dumilim sa loob ng tinitirhan nila pero sapat lang iyon para makita namin ang isa't isa.

"Clementine."

Kinilabutan ako ng bigla siyang tumingin sa akin mula sa nakasarang bintana. Tuluyan siyang humarap, huminga ng ilang ulit.

"B-bakit?" Gusto kong batukan ang sarili ko ng marinig ang takot sa boses ko. Masyadong halatado. Tumikhim ako.

"Marami ka ng alam ngunit hindi pa rin sapat."

Inayos ko ang sarili ng marinig ang linyang binitawan niya.

Iyon din ang sinabi ni Eco sa akin. May alam ako, marami na akong alam pero hindi pa rin ito sapat. Hindi sapat para magamit ko paalis sa lugar na ito, hindi sapat para maibalik ko sa pagiging tao ang mga Hiarlcon, hindi sapat para tuluyan kong maintindihan ang lahat.

Hindi sasapat para tuluyan kong malaman kung tama ba ang magiging desisyon ko sa hinaharap.

"Ate! Hindi pa rin po kayo umalis ng Hiarlco."

Napatingin ako sa nagsalita. Si Tuzo na mukhang kagigising lang. Hindi ako nakapagsalita bagkos ay tumingin ako sa mama niya.

"Ako si Cecelia." Sambit niya at mula sa pagiging Hiarlcon ay nagbago ang itsura niya.

Tumaas lalo ang balahibo ko, parang isang tunaw na kandila na hinuhulma. Muli akong tumingin kay Tuzo na may sarili ng mundo at hindi man lang nagulat sa pagbabago sa kanyang ina.

"P-paano?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang anyo niya bilang isang tao. "Mrs. Cecelia, pero.. namatay ka two years ago."

Iginala ko ang mata sa kanya. Nakatali paitaas ang buhok niya, nasa edad apat na pu o higit pa. Napakapit ako sa upuan sa harap ko kasi pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse dahil sa panghihina. Ang taong alam kong kilala ko.. kilalang kilala ko.

"Tao ka pa rin, Clementine. Naalala mo kung sino ako." Ngumiti siya ng bahagya.

Si Mrs. Cecelia ang nakatira sa unang kanto ng subdivision kung saan ako nakatira sa mundo ng mga tao. Siya ang may ari ng isang kalinderya at doon ako madalas kumain. Pero may nagreport na nawala siya ng parang bula, at paglipas ng ilang linggo, natagpuan ang bangkay niya.

"Nandoon ako.. noong iniaahon ang katawan mo sa ilog, Mrs. Cecelia." Masuyo siyang tumingin sa akin.

"Naalala mo ba kung anong ginagawa mo bago mo makita na iniaahon ang katawan ko sa ilog? Naalala mo ba kung bakit palagi kang kumakain ng pananghalian sa karinderya ko, Clementine? Naalala mo ba ang itsura ng tinitirhan mo? Kung may kasama ka sa bahay mo? Kung nagaaral ka o nagtatrabaho?" Sunod sunod na tanong niya.

Humawak ako sa ulo ko ng bigla iyong kumirot. Hindi ako nagsalita pero mukhang alam na niya ang kasagutan sa mga tanong niya sa akin.

Hindi.. hindi ko maalala, hindi ko alam.

"M-masakit sa ulo, Mrs." Marahan niya akong hinila paupo sa isa sa mga upuan. Tumingin ako sa kanya.

"Tama ang naalala mo, Clementine. Ang pwesto ng karinderya ko at ang madalas na pagkain mo doon pero hindi ako ang iniahon niyo sa ilog, hindi ako ang iniyakan ninyo at hindi ako ang inilibing ninyo." Sambit niya.

"Isang huwad." Posible ba iyon?  "Maraming pangyayari sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya at masyadong takot ang mga tao para tanggapin iyon."

"Paano ka nakakabalik sa itsura mo bilang tao?"

Iniangat niya ang kamay sa akin at umawang ang bibig ko ng maramdaman ang pwersa ng hangin na para bang lumabas sa katawan ko.

Nakita ko sa gilid ang itsura ko bilang Hiarlcon. Humiwalay iyon sa akin. Tumingin ako sa mga palad ko, tao na ako. Tao na ako ulit.. nagmalabis ang luha sa mga mata ko.

"Napakaiyakin mo pa rin hanggang ngayon." Umiling iling ito pero may nasusupil na ngiti sa labi.

"Hindi ka Hiarlcon, Clementine. Ano mang oras ay pwede kang bumalik sa pagiging tao." Huminga siya ng malalim at seryoso akong tiningnan.

"Alam mo na kung ano ang nangyari sa pinuno ng Hiarlco." Tumango ako. Si Sylvie at Winchester ay iisa.

"Isang sumpa at kasunduan, Clementine. Doon umiikot ang kwento ni Sylvie. Nagkaroon ng kasunduan si Sylvie at ang pinuno ng mga manggagawa, si Kodiak. Isang kasunduan na nagsasaad ng kapayapaan sa buong Hiarlco maging sa karatig na mga lugar. Pero imbes na kasunduan ang iniuwi ni Eco, isang banta. Maling kasulatan ang ipinadala ni Kodiak na nagsanhi ng digmaan." Dinaya ni Kodiak ang lahat. Nakita ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon ni Mrs. Cecelia.

"Sinugod ng Cresteria at Wisteria ang Hiarlco. Ang mga itim at puting mangkukulam. Maraming namatay na Hiarlco, nasira ang kastilyo. Nagalsa ang mga natirang buhay na Hiarlcon at pilit pinapababa ng trono si Sylvie na hindi alam kung ano ang nangyari. Isang kapayapaan ang hiniling niya, hindi isang digmaan."

"Kalaunan ay nalaman niya ang ginawa ni Kodiak at ni Eco. Nalaman niya ang maling mensahe na ipinadala nito sa Cresteria. Nalaman niya rin na nakipagkasundo si Kodiak sa itim na mangkukulam kapalit ng kapangyarihan. Isa lang naman ang nais ng mga itim na mangkukulam,iyon ay ang kagandahan."

"Isinuko ni Kodiak sa itim na mangkukulam ang kagandahang taglay ni Sylvie, kaya naging isa siyang Hiarlcon na iisa ang mata."

Hindi ako makahinga. Mariing ipinikit ko ang mga mata.

"Dahil marami ang nasawi na Hiarlcon, nagkulang ang supply ng lahat. Walang mga mangagawa. Kaya naisipan nila na kumuha ng mga tao na ipapalit sa mga napaslang. Doon nagsimula ang lahat."

Nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Alam kong isang lugar ang Hiarlco ng magagaling na tagapaggamot o healers. Isa rin ito sa lugar kung saan matatagpuan ang mga gamot na wala sa karatig na bayan.

"Alam kong alam mo na si Sylvie ang tumutulong sa kakayahan mo, Clementine."

Kung ganoon, hindi ko alam kung kaya kong paniwalaan na walang nalalaman si Winchester. Naalala niya ang mga nangyari, alam kong naalala niya pero bakit wala siyang ginagawa?

"Isa lang ang paraan para maibalik lahat ng tai na hindi pa tuluyang nagiging Hiarlcon sa mundo ng mga tao, Clementine."

Tumingin ako sa kamay niyang mahigpit na humawak sa mga kamay kong nakapatong sa binti ko.

Unti-unting bumalik sa dati ang mga kamay ko, ang katawan ko sa pagiging Hiarlcon. Nagangat ako ng tingin, ganuon din si Mrs. Cecelia, hindi na siya tao kundi Hiarlcon.

"Sunugin mo ang Hiarlco. Sunugin mo ang buong lugar, Clementine."

×



Three more chapters to go!  🍻

Hiarlco [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant