Hiarlco 14

169 17 0
                                    

Clementine Agor

"Goodmorning, Kwatros!"

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ng maramdaman ang sikat ng araw sa balat ko. Ganun din ang ginawa ng kasamahan ko. Naririnig ko mula sa labas ang tawanan ng mga Hiarlcons at ang mga boses ng mga batang nag tatakbuhan.

"Goodmorning." Paos na banggit ko. Nagitla nalang ako ng makarinig ng malakas na kalabog kaya nadako ang tingin ko sa mga kasamahan ko.

Pareho ng nasa lapag si Haerley Farro at Aldione Badua na dumadaing sa sakit. Masama ang tingin sa isa't isa. At mukhang alam ko na kung bakit.

"Ang ingay niyo" bagot na banggit ni Patrick Palo Antonio na nakapikit pa ang mga mata. Tila antok na antok at walang balak kumilos.

"Binibigyan lamang kayo ng limang minuto para ayusin ang sarili." Masayang sambit ni Winchester. Nag kanya kanya naman kaming ayos ng sarili at paglilinis ng katawan maging ng paligid.

Nang maging handa, malawak parin ang ngiti ni Winchester at masama parin ang tingin ni Aldione Badua at Haerley Farro sa isa't isa na para bang kahit na anong oras ay maglalaban ang dalawa.

"Hindi mo ba kami papakainin? My stomach is growling" nakahawak sa tumunog na tiyan nito si Flannery Valdis na nakanguso pa. Takte, mukha namang pato.

"Kakain lang daw kayo kapag oras na nakapilit kayo ng sandata at magamit ito ng maayos. Nagiging matigas na din daw kasi ang mga ulo ninyo kaya iyon ang mag sisilbing patakaran habang nag sasanay kayo."

Umakyat kami sa jelly jelly na hagdan at narating din namin agad ang templo. Naka hilera sa gilid ang iba't ibang klase ng sandata. Malawak ang templo, apat na basketball court ang katumbas nun. Sa isang gilid, nandun ang mga telang nakalutang at may mga lamang armas.

Nakita din namin si Eco na matamang nag mamasid sa ibaba. Huminga ako ng malalim. Mas malalim pa sa iniisip nito.

"Eco, nandito na sila." Bahagyang yumuko si Winchester bilang pag galang at lumipad lang sa gilid na nagmamasid sa amin ng may weirdong ngiti.

Dumako ang tingin sa amin ni Eco. Mataman iyon at ang mga mata niyang parang patay kasi walang buhay. Hawak din ang baston nito na mas malaki pa sa kanya. Aba. Mas matino naman yung baston ni Kodiak.

"Piliin niyo ang sandatang pipiliin ng puso ninyo. Oras na makapili kayo, iyan na mismo ang magiging katuwang ninyo at wala na kayong pagkakataon para palitan."

Namamangha ang mga mata naming tumingin sa mga sandatang nakahilera. Ang hirap pumili kasi lahat nakaka attract sa sobrang ganda. Magmula sa ibat ibang klase ng kutsilyo, mga palaso na may mga kanya kanyang functions, ankle lifts, swords, katana, baril, shurikens, ice peaks at marami pang iba.

"Nakakatakot naman ang mga to!" Reklamo ni Patrick Palo Antonio habang nakangiwing nakatingin sa matatalas at maninipis na sandata.

"Ito ba ang papatay sa amin, Tatang?" Napangiwi ako sa panawag ni Aldione Badua kay Eco. Minasdan ko si Eco, pero wala iyong naging reaksyon na para bang okay lang sa kanya na tawaging Tatang.

"Tatang Eco. Bagay a." Natatawang panambit ni Patrick Palo Antonio habang mang hang mangha na nakatingin sa iba't ibang klase ng baril.

"Aba, pumili na kayo mga walang hiya kayo. Close ba tayo ha? Close tayo?" Napanganga ako sa inakto ni Tatang Eco. Parang naging bata ang tono nito at imagine ang nasa 40's na nag sasalita ng ganyang phrases? Nakakagulat!

"Tatang Eco naman. Huwag ka namang maging harsh sa amin" si Haerley Farro na ang nagsalita habang hawak ang isang matalas at manipis na patalim. 7 inches ang haba nito at kumikinang pa.

Nakakuha nadin si Aldione Badua at isang mahaba at matalim na katana ang hawak. Si Patrick Palo Antonio ay palaso ang hawak na sinusubukan na niya ngayon habang si Flannery Valdis at arnis ang hawak.

Mataman lang akong nanuod kung paano nila subukan ang mga iyon sa dummies na nakakalat sa paligid.

"Wala ka bang napili?"

Napaangat ako ng tingin at doon ko lang napansin si Eco na nasa gilid ko. Seryoso ang boses nito at walang halong biro. Muling dumako ang tingin ko sa mga sandata sa gilid bago ituon ang pansin sa mga kasamahan ko.

"Tang, sa tingin mo? Mabubuhay kaya kami?"

Tanong ko dito at isinawalang bahala ang tanong niya. Natigilan ito at hindi pa nakapagsalita.

"Hindi. 0.01 percent lang ang kakayanan niyo na malagpasan ang larong iyon sa Arc Circle sa ganyang kapasidad. "

Natawa ako ng walang buhay at sumalampak ng upo.  Ganun din ang ginawa ni Tatang.

"Nanaginip ako. Sinunog ko daw ang buong Hiarlco. Magagawa ko ba yun?" Wala sa wisyong sambit ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata para pigilan ang pagluha.

"Alam ko sa sarili ko na hindi ko magagawa ang bagay na iyon pero ang panaginip kong iyon, parang totoo. Nakakatakot, Eco. Natatakot ako." 

Hindi ito nag salita pero naging malalim ang paghinga nito. Huminga ako ng malalim. At pinawala ang emosyon sa  mga mata ko.

"Takot. Iyan ang magdadala at magiging dahilan kung bakit mo gagawin iyon, Clementine."

Narinig ko ang mga salitang iyon sa kanya bago ako tuluyang makatayo. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bagk dumeretso sa mga sandata.

Takot. Iyan ang magdadala at magiging dahilan kung bakit mo gagawin iyon, Clementine. 

Hindi ko maiwasan ang kabahan at pagka isiping mabuti ang mga bagay na sinabi ni Tatang Eco. Hindi ko lubos maisip. Hindi ko maintindihan.

"Pihikan ka."

Napapiksi ako dahil sa biglaang boses na iyon. Ni hindi ko napansin na nasa tabi ko na si Haerley Farro na malawak ang ngiti. Napairap ako ng wala sa oras at hindi ito pinansin.

"Wala ka sa mood?'

Hinayaan ko ang mga mata na maglakbay sa mga sandata. Iniisip mabuti kung ano ba ang pipiliin ko at magiging kapaki-pakinabang, long range man o short range na labanan.

"Uy. Pansinin mo naman ako."

Pinanatili kong tikom ang bibig at pumulot ng isang maliit na bag na needles. May mahahaba at maliliit. Itinali ko iyon sa bewang ko. Sunod na kumuha ako ng shurikens, isinama ko iyon sa maliit na bag ng needles.

"Sungit mo naman."

Sunod na pinulot ko sa hilera ng mga sandata ang ankle boots,bagay na bagay ito sa paa ko at sa suot ko na hindi ko naman napapalitan. Multi fuctional ito kasi may mga hidden agendas. Basta. Mahirap maipaliwanag.

"Clementine, uy!"

Sinamaan ko na ng tingin si Hearley Farro na sunod ng sunod sa akin. Malawak ang ngiti nito na parang tanga.

"Pwedi bang tumahimik ka na? O baka gusto mong sayo ko unang subukan ang mga baril na to?"

Biglang nawalan ng kulay ang mukha nito at nag hinanakit na umatras. Bumubulong bulong na ang sungit ko daw kesyo ganyan. Or what so ever etchetara.

"Lahat ay nakapili na! Simulan na ang laban!"

Napako ako sa kinatatayuan ng sambitin iyon ni Eco. Nagkatinginan kaming lahat, so ano? Sa amin mismo gagamitin ang mga sandatang ito? No way in hell!

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now