Hiarlco 28

112 7 0
                                    

Clementine.

Buong gabi akong hindi makatulog at hindi mapakali. Para akong mababaliw, hindi ko alam pero magulo ang isip ko. Hindi ko narin alam kung ano ang unang iisipin, hindi ko narin alam kung ano ang dapat kong gawin.

Yung mga nakita ko kung hindi iyon ang totoo ano ang totoo? Sino ba ang nagsasabi ng totoo? Kanino ako maniniwala?

Si Aldione Badua, may point ang sinasabi niya. Posibleng kinakain talaga kami ng buong lugar, ang sistema at pagiisip namin. Napansin ko ang ilang bagay at pangyayari na unti-unting nabubura sa isip ko, aminado ako doon. Hindi ko na nga maalala kung ano talaga yung nangyari sa party ng gabing iyon. Hindi ko matandaan kung bakit ako nandoon, kung anong ginagawa ko doon. Ang tanging natira nalang sa isip ko ay ang nakakabulahaw na musika, magulong mga tao at nakakahilong mga ilaw. Bukod doon ay wala na.

Yung mga pangyayari na pinakita sa akin ni Tuzo. Yung paguusap at pagaaway ng mga boses. Nagsasabing hindi naman ang Hiarlco ang may kasalanan ng lahat bukod pa doon ay ang Hiarlco mismo ang nagligtas sa amin. Si Tuzo rin ang nagsabi na kailangan naming umalis sa lugar na ito. Sa kung anong dahilan?

Yung sinabi nung nanay ni Tuzo. Kung bakit ayaw nitong magsalita at kung bakit nararamdaman ko ang galit nito sa lugar. Posible bang may alam siya?

Si Kodiak at ang mga sinabi niya. Ang ginawa niyang pagtitiwala sa amin na kaya naming iligtas ang mamayan ng Hiarlco. Kung bakit nagiging malaya ang paggalaw ng 46 sa Hiarlco kung protektado naman ang buong lugar. 

"Iniisip mo na naman ba ang mga nangyayari?" Napaangat ako ng tingin. Umupo sa tabi ko si Hearley Farro at nakita ko nanaman ang bagay na iyon.

Isa pa ito sa gumugulo sa isip ko. Ang mga mata niya. Nuong unang araw palang na magkita kami ay hindi na maalis sa isip ko ang mga mata niya. Hindi mo kaagad ito makikita kapag hindi mo titigang mabuti. Parang may glass-hour.

"May problema ba sa mukha ko?" Napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga.

"Wala." Wala akong lakas ng loob para tanungin siya tungkol sa bagay na iyon. Besides, isa rin siyang biktima katulad ng lahat. Magkakasabay kaming nakapasok sa Hiarlco.

"Gusto mong magkwento? Makikinig ako." Napayuko ako.

Mas lalong sumasakit ang ulo ko. Gusto kong magsalita. Ipaliwanag ang lahat ng alam ko at ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Napatawa ako ng mahina.

"Komportable ako sayo." Tumingin ako sa kawalan. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ko alam pero napapakalma mo ako." Mahirap mang aminin pero parang may sariling isip ang bibig ko na magsalita.

"Ngayon ko lang narealize. Sorry, huwag mong pansinin ang mga sinasabi ko." Napatawa ako ng mahina. Hindi siya nagsalita kaya napalingon ako sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin kaya umiwas na ako ng tingin.

Tumayo na ako. "Inaantok na ako. Hindi ka pa ba matutulog?" Sambit ko.

Nandito kasi kami sa templo habang nakatanaw sa buong lugar na para bang nagbabaga dahil sa mga sulo na nakakalat sa paligid.

Tumingin siya sa akin at umiling. "Dito muna ako. Kailangan ko ding magisip." Ngumiti siya sa akin at tumayo din. Sinamaan ko nalang siya ng tingin ng guluhin niya ang buhok ko habang ngumiti siya ng malapad.

"Goodnight, Clementine."

Hindi ko alam pero nung mga oras na iyon ay parang naputol ang dila ko. May bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita ng maayos bukod pa roon at huminto din ang paghinga ko. Tumahimik ang paligid at tanging ngiti niya lang habang masisinagan ng buwan ang rumihistro sa utak ko.

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now