Hiarlco 23

124 8 1
                                    

Clementine.

Nagising kami dahil sa ingay na dulot ng instrumento ni tatang. Mula sa bintana, tanaw ko siya habang nakaupo sa ilalim ng isang puno at walang habas na iniihipan ang instrumentong iyon.

Inihilamos ko ang palad sa mukha ko dahil sa inis. Wala pa akong matinong tulog at eto nanaman tayo.

"Ano pa nga bang bago sa matandang iyan? Araw araw nalang sinisira ang araw ko." Patrick Palo Antonio mumbled bago yamot na tumayo at iniayos ang higaan niya.

"Palagi ba siyang ganyan?" Tanong ni Geryk Bilangel na halatang hindi rin kompleto ang tulog.

"Tuwing umaga, pagsapit ng gabi at minsan pati madaling araw din. Hindi ko nga maintindihan, parang nabuhay lang siya para bwisitin at sirain ang araw ko." Litanya ni Patrick Palo Antonio.

"Argh. I just wanted to go in human world." Napatingin ako kay Flannery Valdis na nagiinat.

Human world.. sa estado namin ngayon? Matatanggap kaya kami ng mundo? Pero sino pa nga ba ang tatanggap kung ganito ang itsura namin?

"Hey, di ka magaayos?" Napaangat ako ng tingin.

"Ha?"  Ininguso ni Geryk ang tinutupi ko at nakita kong mali na ang pagkakatupi nun. Huminga nalang ako ng malalim at inayos ito. Nagayos narin ako sa sarili ko bago tuluyang lumabas ng tinutuluyan namin.

"Magalmusal muna kayo at ilibot ninyo sa lugar ang bisita natin." Sambit ni tatang at naglakad na palayo. Eksakto namang dumating si Haerley Farro na hindi ko alam kung saan galing.

Yun lang naman pala di ba pweding gawin iyon ng hindi siya nagiingay?

"Sorry. Ako ata may kasalanan." Nagkamot bg batok si Geryk Bilangel na parang nahihiya.

"Oo pre. Kasalanan mo nga." Tinapik-tapik pa ni Patrick Palo Antonio si Geryk Bilangelsa balikat.

Binatukan ko nalang siya at inirapan. "Huwag mo ngang gawin iyan." Inis na sambit ko.

"Eto naman, binibiro lang." Natatawang sambit niya bago itinulak-tulak si Aldione Badua para lumakad na.

Nagpahuli naman ako habang minamasdan silang magbiruan at magtawanan. Masigla ang paligid. Kulay lila at malamig ang simoy ng hangin. Tamang tama lang ang ganitong kagandang araw para maglibot sa Hiarlco. Besides, gusto ko yling mapuntahan ang Hiling.

Napahinto ako ng biglang may humawak sa kamay ko. Nagbaba ako ng tingin para tingnan kung sino iyon. Isang batang Hiarlcon. At.. ano yung nakita ko?

"Ate, pwedi po ba akong sumama?" Namukaan ko ang mga mata nito. Ito yung batang niyakap ko nung panahong makaengkwentro kami ng 46.

"Tazo!" Bigla itong inagaw ng isang babae. Napatitig ako sa kanya ng bigla siyang humingi ng tawad.

"Hindi ba't sinabi ko ng huwag mo silang basta-basta hahawakan?" Rinig kong pagalit na bulong nito sa bata. "Pasensya na talaga."

"H-hindi po dapat kayo humingi ng tawad." Sunod sunod akong umiling.

"Ina, gusto kong sumama sa kanila sa pamamasyal." Hindi nito pinansin ang anak.

"Hindi pa kita napapasalamatan sa pagligtas mo kay Tuzo. Salamat." Muli itong yumuko.

"Wala po iyon. Kahit sino ay gagawin ang bagay na ginawa ko." Bahagya itong tumitig sa akin at nakita ko ang bahagyang pandidilim ng mukha niya.

"Hindi lahat gagawin ang gagawin mo. May kilala akong nanuod lang sa ginagawang pagpatay." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at nagpanggap na hindi ito narinig. Ngumiti ako sa kanya.

"Po?" Tanong ko.

"Wala. Huwag mo ng pansinin." Kita ko pa ang pagkislap ng galit sa mata nito bago siya umiwas ng tingin.

"Ina, gusto kong sumama sa kanila." Gumawi ang tingin ko kay Tuzo.

"Pwede ko po ba siyang isama?" Gulat na napatingin sa akin ang babae. Bahagya akong yumukod para magtapat ang mukha namin ni Tuzo.

"Gusto mong sumama sa akin? Pero mangako ka na hindi ka lalayo sa amin. Pwede ba iyon?"  Lumiwanag ang mukha nito.

"Talaga po? Isasama niyo po ako?"

"Kung mangangako ka sa akin."  Nakangiti kong sambit.

"Opo! Pangako po!" Itinaas pa nito ang kanang kamay.

"Hindi mo kailangang gawin ito." Pigil sa akin ng babae.

"Nangangakopo akong hindi ko pababayaan ang anak ninyo." Nakangiti kong sambit bago lumipat sa kamay ko ang hawak ni Tuzo.

"Salamat. Magiingat kayo." Tumango na lamang ako. At ipinagsawalang bahala ang narinig kong bulong nito.

Hawak ang kamay ng bata ay sumunod kami sa mga kasamahan kong halos hindi ko na matanaw.

"Ang tagal mo." Nagitla ako sa biglaang pagsulpot ng kung sino sa tabi ko. Iniangat ko ang tingin at kita ko ang side figure nito.

"Akala ko nauna ka na?" I asked Hearley casually.

"Hinintay kita." Parang wala lang na sambit nito. Hindi narin naman ako nagsalita lalo na ng unti unti na naming natatanaw ang Hardin.

"Ang ganda dito." Mahinang bulong ko habang lumalampas sa paningin ko ang mga fairies na nagsisilabasan sa bawat bulaklak. Lalo pa itong gumaganda kasi halos nakabukadkad lahat ng bulaklak.

"Clementine, posible bang ma-attached ka sa isang bagay na kakikita mo lang?" Nakatayo sa gilid ko si Haerley na nakatanaw sa kasamahan naming nagtutulakan. Hanggang dito ay rinig namin ang tawa  nila habang pinalilibutan na sila ng ibang fairies.

"Hindi imposible, kuya." Sambit ni Tazo habang nakadapo sa daliri niya ang isang maliit at batang fairies. Kumaway ito sa amin kaya nginitian ko na lamang bilang tugon.

Tumakbo papunta sa kasamahan namin ang bata. Naiwan kami ni Haerley na nakatanaw na lang sa kanila.

"Bakit mo natanong?"

"Paano kung confuse lang ako sa pansamantalang bagay na ito?" Hindi ako umimik.

"Paano kung nasasanay lang ako?" Muling tanong niya. Nagawi nalang ang tingin ko sa kanya nung tumawa siya ng mahina.

"Bakit ba ako nagtatanong? Hindi ko maintindihan ang sarili ko. There's a part of me na gustong maniwala na masaya ako sa lugar na ito pero may parte din sa akin na nagsasabing wala akong choice kundi tanggapin na nandito ako, sa lugar na ito."

Napaisip ako sa sinabi niya. Akmang magsasalita ako ng bigla akong kinawayan ni Geryk Bilangel-- i mean, kinawayan nila kaming dalawa ni Hearley at pinapunta sa pwesto nila.

Kasabay kong naglakad si Haerley palapit sa lugar nila.

"Ano bang ginagawa ninyo at nakatulala lang kayo doon? Magsaya tayo ngayon. Walang training, walang Eco. Tayo lang na magkakasama." Nakangiting sambit ni Flannery Valdis.

"Plus ako po!" Itinaas ni Tazo ang kamay niya na para bang nagre-recite. Napangiti ako sa tinuran nito lalo pa't pi-nat lang ni Aldione Badua ang ulo niya.

"Tara sa Hiling. Nakapunta ka na doon?" Tanong ni Patrick Palo Antonio sa bata. Umiling naman ito bilang tugon.

"Pupunta tayo doon ngayon."

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now