Hiarlco 15

180 16 1
                                    

Clementine Agor

Tahimik akong naglalakad. Minamasdan ang bawat Hiarlcons sa paligid na masayang nagkukwentuhan at nag tatawanan. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay kong maliit na katulad nila. Ang kulay berde kong balat. God. I miss being a human.

May konting galos ako sa katawan dahil sa nangyaring labanan kanina lang. Kung nasa matinong pag iisip naman kasi ang tatang Eco na iyon ay hindi kami magagalusan at magkakasakitan ng ganito.

As expected, Flannery Valdis doesn't have the courage to face trials kaya hindi siya lumaban. Hindi rin naman makalaban ang mga kalalakihan naming kasama bagkos ay si Eco ang sinugod nila. Muntanga lang diba?

We've never expected na ganuon kalakas ang matandang iyon. Nagawa niyang basahin lahat ng kilos at galaw nila Hearley Farro maging ni Aldione Badua habang pinilay niya naman ang kanang braso ni Patrick Palo Antonio na agad nilang ginamot.

Bukas paniguradong magaling na ang pilay ng lalaking iyon. Napahinto ako sa paglalakad ng mahagip ng mata ko sa harapan ko ang isang bulaklak. Sa paanan ko mismo. Yumuko ako at pinulot iyon. Inilibot ko ang tingin sa paligid.

Saan naman manggagaling ang ganitong klase ng bulaklak?

"Ate! Ate!" May malakas na humampas ng kamay ko dahilan para mabitawan  ko ang bulaklak dahil sa labis na gulat. Nanlalaki ang matang tumingin ako don sa bata na may gawa non at humahangos na nakatingin sa akin.

"Ano bang problema mo?" Sinubukan ko lahat ng makakaya ko para hindi mag tunog mataray ang boses ko kahit na ang gusto kong gawin ay ibitin ang batang to ng patiwarik hanggang sa kusa siyang mamatay.

"Ate. Nag iisip ka po ba?" Ay wow.  Anong gustong iparating ng batang to?! Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang inis na nararamdaman ko.

"Hey." May mga braso na umakbay sa akin dahilan para matigilan ako. Napako ang tingin ko sa bata at hindi ako magkagalaw ng maayos. Para bang natulos ako sa kinatatayuan dahil narin sa may ari ng braso na umakbay sa akin.

"Ang bulaklak na iyon ang tinatawag na Kamatayan. Kung may matino kang pag iisip ate,  hindi  dapat pumulot ng kung ano anong bagay na makikita mo sa paligid mo dahil lamang sa napukaw nito ang atensyon mo."

Hindi ako nagsalita at hindi mai proseso ang isip ko ang mga katagang narinig sa bata. Teka, ano daw? Kamatayan?

"Kamatayan?"  Nabalik ako sa wisyon dahil sa seryosong tanong ng taong umakbay sa akin. Tinapunan ko ito ng tingin at napakunot ang noo.

"Opo kuya. Halos lahat ng naninirahan sa Hiarlco ay alam ang bagay na iyan. Iyan ang isinumpang bulaklak na tinatawag na Kamatayan. Kaya niyang pumatay sa ilang sigundo lamang kapag nalanghap mo ang amoy na dala niya."  Amoy?

Napapikit ako at naalala ang weird scent na dumikit sa ilong ko kanina lang habang hawak ang bulaklak na iyon.

Mamatay na ba ako?

"Kung delikado ang bulaklak na iyan? Bakit pakalat kalat?" Umiling ang bata.

"Marahil ay nahulog lang yan sa kariton na nag aangkat ng ganyang klase ng bulaklak tungo sa Black Market. Hindi natin alam."

Minasdan ko ang bata na ilagay sa isang garapon ang bulaklak na takip ang ilong nito. At nang magtagumpay, nag paalam ito at umalis para ipaalam kay Kodiak ang nangyari.

"Okay ka lang ba?" Inalis ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Hearley Farro. At sinamaan ito ng tingin.

"Ang init ng ulo mo sa akin no?" Natatawang banggit niya.  Mariin akong napapikit ng makaramdam ng hilo.

"Anong ginagawa mo?" Rinig kong tanong niya.

"Na-n-a.. " hindi ko magawang magsambit ng salita kasi naramdaman ko ang kung anong pagkabara sa lalamunan ko. Para akong nasusuka at umiikot ang sikmura ko.

"Ha? Ang astig nagiging violet ka, Clementine." Shunga. Mamatay na ako! At na-astigan ka pa don?!

Kung may sapat lang akong lakas para ibalibag si Hearley Farro ay ginawa ko na. Ginawa ko na sana!

Pinilit kong idinilat ang mga mata para lamang makita nag blurred na paligid hanggang sa tuluyang mawalan ng lakas ang mga binti ko. At naramdaman ko nalang ang malakas na hampas ng likod ko sa sahig hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

Hearley Farro.

Nanlaki ang mga mata ko ng mabuwal sa kinatatayuan niya si Clementine. Ang kulay violet na balat nito, malayong malayo sa green na kulay namin.

"Hearley! Anong ginawa mo?!" Humahangos na mahinang sinuntok ako ni Patrick Palo Antonio sa balikat habang nakamasid sa walang malay na si Clementine sa sahig.

"Bakit violet ang kulay niya? And.. it looks so bad." Umiling iling pa ito. Na blanko ang isip ko at kusang gumalaw ang katawan ko palapit doon. Tiningnan ko ang pulso niya-- no. Wala na siyang pulso.

Huminga ako ng malalim. At binitbit siya sa mga braso ko.

"W-wala na siyang pulso, Patrick." Mahinang banggit ko dahilan para mawalan  ng kulay ang mukha nito.

Tinulungan niya akong puntahan ang cabin ni Kodiak. Nadatnan namin siyang umiinom ng mainit na hindi ko alam kung ano man iyon. Basta kita kong umuusok ang nasa baso.

Tumaas ang tingin nito sa amin. At bumaba ang tingin sa katawang hawak ko. Umiling ito at sinabing ibaba ang katawan sa nakahandang higaan na para bang inilaan para sa araw na to.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Inakbayan ko lang siya kanina. Nakausap ko lang siya at biniro ko pa siya.

"Anong gagawin natin?" Mahinang tanong ko. Ramdam ko ang tahimik na paligid.

"Kodiak, may natag--" napatingin kami kay Winchester na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa violet na katawan ni Clementine.

Bumaba ang tingin nito sa bulaklak na nasa lamesa ni Kodiak. Nakalagay ito sa garapon kagaya ng hawak nung bata kanina.

"--natagpuang katawan ng 46.." dugtong nito sa mahinang boses. Nanatili kaming nakatayo ni Patrick at hindi nagsasalita.

Dapat ba.. teka? Ano bang dapat i-react? Pakiramdam ko hindi nag pa-function ang utak ko. Pakiramdam ko, huminto lahat. Lahat lahat.

"W-wala na siyang pulso, Kodiak." Hindi pa man ito nakakalapit ay nagawa niyang sambitin ang bagay na iyon habang nakatingin kay Clementine.

"Alam ko. Hindi ko rinig ang malakas at pinong tibok ng kanyang puso. Hindi ko na ramdam ang malakas na aura ni  Sylvie sa katauhan niya." Ang boses ni Kodiak ang naririnig ko pero hindi ko maintindihan.

"Marahil.. marahil ito ang itinakda ni Kalikasan sa kanya."

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now