Hiarlco 08

259 24 0
                                    

Clementine Agor

Naiinis na umupo ako sa isa sa mga malambot na dahon ng upuan. Nasa harapan namin si Kodiak na hawak ang baston niya at kalmadong nakatingin sa amin.

Si Eco na hindi nanaman maipaliwanag ang napaka pangit na mukha nito. Hindi lang mukha kundi pati ugali! Mabaho pa ang hininga!

At si Winchester na nasa isang gilid lang at di mawala wala ang kakaibang ngiti sa labi nito. Mukhang tuwang tuwa pa na mapaparusahan kami.

Ang result ng laban? Basic! Syempre, talo kami. Ang nakakuha ng limang buhay ay yung kalahok ng Dyis, pero bilang matatag na mamamayan ng Hiarlco, nakakuha kami ng tig ta-tatlong buhay sa mismong palaro sa Arc Circle.

Nag panic kasi ako ng makita kong asul na ang dugo ko at hindi pula. Tangina para akong hayup nun na nagtataka. Ayoko ng ganun! Binigla ako. Si Aldione Badua at Patrick Palo Antonio naman ay halos mawalan ng malay dahil sa kaba ng sumugod sa kanila yung dalawang Hiarlcons. In the end? Nahulog sila sa mismong templo at gumawa pa ng issue!

Parang mga di lalaki!  Pakikipag basag ulo lang naman pala sa kanto ang alam! Pero nakuha namin ang Ikatlong pwesto sa ranking.

"P-pasensya na po.." halata ang kaba sa boses ni Flannery Valdis lalo na't ng dumako ang tingin ni Kodiak sa kanya. Ulol! Nagsalita ka palang kasi!

Hawak ko ang isang cold compress na hindi. Oo parang cold compress siya pero hindi ang itsura kasi hindi ko maintindihan. Pero pareho lang ang function niya sa cold compress. Inilagay ko ito sa bukol ko sa noo dahil sa kagagawan ni Patrick Palo Antonio.

I head butt ba naman ako?! Makatarungan ba yun ha?! Ha?! Buti sana close kami ng lalaking to e hindi naman!

"Walang dapat ika-hingi ng pasensya, iha. Sa pinakita ninyo sa laban, nagawa kong intindihin ang kapasidad ninyo sa pakikipaglaban at kung paano ko kayo ie-ensayo." Tumango tango kami. Para kaming napipe na walang nakapagsalita.

"Aldione Badua, hindi ko alam na pwedi mong gamitin ang iyong karisma sa pakikipaglaban. Nagawa mong kunin ang loob ng mga babaeng iyon at sila ang ginawa mong laruan. Pero palagi mong pakatatandaan, lahat ay may limitasyon. Dito sa Hiarlco, mataas ang pag galang sa mga kababaihan at hindi sila pweding paglaruan, naiintindihan mo ba?" Tumungo lang si Aldione Badua bilang tugon. Bumaling ang tingin ni Kodiak kay Flannery Valdis.

"Ikaw naman iha, hindi  ka ba marunong makipaglaban? Hindi pweding puro ganda lang dapat marunong kang ipaglaban ang sarili mo. Paano kung wala ang mga kasamahan mo para tulungan ka? Paano ka lalaban? Hahayaan mo lang ba tapak tapakan ang pagkatao mo sa mismong laban at masabing ikaw ay pabigat lang?"

Tama! Hindi namin kailangan ng miyembro na bubuhatin lang. Dapat kung ganuon lang din, hindi na sana siya nakipaglaban at nag aral nalang ng iba't ibang gamot ng sa ganuon ay makatulong naman siya.

"Patrick Palo Antonio, iho." Umiling iling ito na ikinatawa naman ng huli na para bang wala lang sa kanya ang mga nakatakdang sasabihin nito.

"Iho, hindi kailangan sa lahat ng oras pairalin ang kademonyohan ng isip. Nababasa naming mga pinuno kung ano ang nasa isip mo at hindi maganda ang mga iyon." Nanlaki ang mga mata ni Patrick Palo Antonio lalo na ng magtama ang tingin namin. Mabilis itong umiwas at halata ang pamumula ng buong mukha na para bang may ginawang kasalanan. Wierd.

"Haerley Farro. Tiwala ako sayo na magagawa mong ibahin ang takbo ng utak ng mga taong nakapaligid sayo. Ipag patuloy mo iyan. Ang sa akin lang, huwag na huwag mainit palagi ang ulo mo. Palamig ka muna."

Kumabog ang dibdib ko ng dumako ang tingin ni Kodiak sa akin. Katahimikan muna bago ito nag salita. Huminga ako ng malqlim at marahang ikinuyom ang mga kamao.

"Hindi mo kailangang makipag kaibigan sa loob ng templo, iha. Hindi kailanman."

Iyan ang tumatak sa akin sa aming paguusap. Matapos na ipaalam nito na mag e-ensayo kami kinabukasan at ang mga ti-train sa amin ay si Eco. Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot at kabahan lalo na't mainit ang dugo nito sa amin.

Umupo ako sa kama ko at lahat naman sila ay nag sihiga sa kanya kanya nilang pwesto na para bang pagod na pagod.

"Nakakahiya, wala tayong nagawa." Wala sa sariling banggit ni Haerley Farro.

"Baka ikaw ang walang nagawa, gago!" Pabirong sanbit ni Patrick Palo Antonio. Napataas naman ang kilay ko.

"Tangina mo gago! Babae yung kalaban mo pero nahulog sa templo sa sobrang takot! Bakla!" Angit ni Haerley Farro.

"Ikaw kaya titigan ng walang itim sa mata, huh?! Atsaka hindi ako bakla! Halikan kita dyan e!" Napabulanghit sa tawa si Aldione Badua at Flannery Valdis sa tinuran ni Patrick Palo Antonio kay Haerley Farro.

Hindi ko alam kung tanga ba siya o tatanga tanga.

"Kilabutan ka nga! Iw! Pwedi pa yung magandang Hiarlcons kanina kahit mukhang lalaki. Pero ikaw? Ugh! Huwag nalang! Di ako pumapatol sa kalahi ni Adan." Nandidiring sambit ng huli.  Napailing iling nalang ako habang pinakikinggan sila.

Nagawa nilang pakalmahin ang paligid kahit walang humpay silang nag mumurahan at nag aasaran. Humugot ako ng malalim na hininga. At hinyaan lamang sila. Iyon na siguro ang mag sisilbing paraan para magkalapit lapit at maituring na kaibigan ang isa't isa.

"Parang kailanlang nung first name basis ang tawagan niyong dalawa,ngayon gago at putangina na? Wow!" Namamanghang sabat ni Aldione Badua na natatawa.  Sinamaan lang siya ng tingin nung dalawa.

"Uy!  Naalala ko yung gwapong lalaki na lumapit sayo at nakipagkamay. Anong pangalan niya?" Dumapo lahat ng tingin sa akin dahil sa tanong ni Flannery Valdis. Nginisihan ko lang ito, nakita pala niya?

"Bakit? Lalandiin mo?" Alam kong nagulat siya sa tanong ko kalaunan ay napabulanghit s atawa na para bang isa akong malaking biro para sa kanya.

"Hindi ko lalandiin. Gagawin kong boyfriend ko" parang sanay na sanay na siya sa ganuong paguugali. Nag shrug nalang ako.

"Geryk Bilangel." Sambit ko kalaunan. Natigilan naman ito na para bang nahulog sa isang malalim na pag iisip. Kalaunan,napansin ko ang pamumutla ng mukha nito at pagtahimik niya.

Hinayaan ko lang. Hindi naman siya importante para pakialamanan ko.

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now