Hiarlco 29

112 8 1
                                    

Clementine.

No one mentioned what was happened. Kinaumagahan ay balik sa normal ang lahat. Ang maingay na musika ni Eco na siyang gumising sa amin. Sa loob ng ilang araw nitong walang paramdam ay para bang lumitaw siya ulit para guluhin ang nananahimik naming mga buhay.

Geryk Bilangel was fine. Wala akong nakitang kahit na anong galos sa kanya. Walang kahit na anong marka ng nangyari kagabi. Wala ring nakapansin sa nangyari, balik sa normal ang lahat.

Si Aldione Badua? Parang walang nangyari. Hindi kami nagusap o nagpansinan man lang. Napapatitig nalang din ako sa kanya minsan,  hindi ko kasi matukoy kung sino ba talaga siya.

Hindi ko siya maintindihan. At some point, tinutulungan niya ako but most of the time, ginugulo niya ang utak ko. Same goes to Haerley and Patrick.

"Okay ka lang?" Nabalik ako sa wisyo ng tumabi sa akin si Patrick Palo Antonio na pawis ng pawis. Agad ko namang iniabot sa kanya ang isang baso-- na gawa sa dahon?-- na may lamang katas ng ubas at agad naman niya itong ininom.

"Puyat na puyat ka."

Iniwas ko ang tingin at bahagyang natawa. "Halata na ba masyado?" Natatawang tanong ko. Natawa din siya ng bahagya kasabay ng pagtango nito.

"Masyado kang maraming iniisip." Bumaling ang tingin ko sa tinitingnan niya. Ang mga kasamahan namin na para bang may sari-sariling mundo.

"Lahat naman tayo may iniisip." Wala sa wisyong sambit ko. Ang mga nagaganap ay marapat lamang na isipin para hindi magkamali kung sakali.

"Hindi ata normal yung sa'yo. Hiarlcon ka na, halata parin eyebags mo." Bahagya ko siyang sinamaan ng tingin.

"Kumpara naman sayo, Hiarlcon ka na, may brace ka parin." Inirapan ko ito ng pabiro na siyang ikinatawa niya ng malakas.

Sa kabila ng berdeng kulay nito at anyo na mas maliit kumpara sa normal na tao, ang pangangatawan na hindi tanggap ng normal na parang hindi totoo, yung tawa niya at ang kislap ng kanyang mata ay totoo. Walang halong kaplastikan. Hindi pilit at hindi peke. Sa pagkakataong ito, totoo na.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi parin nawawala ang kislap sa mata niya, nakakatuwa. Na sa ilang buwan na pananatili namin dito sa Hiarlco, ito ang unang beses na tumawa at ngumiti siya ng totoo.

Napaiwas ako ng tingin at hindi maiwasang mapangiti. Tumigil narin naman siya sa pagtawa pero nakangiti parin siya habang nakatingin sa mga kasamahan namin.

"Dito sa Hiarlco, naramdaman ko kung paano magkaroon ng pamilya." Biglang sambit niya.

"Pamilya?"

"Oo. Yung makakabiruan mo, makakatawanan mo. Yung maasar mo. Alam mo yun? Yung komportable kayo sa isa't isa at hindi natatakot na magpakatotoo? Ganuon naman pag pamilya diba? Suportado ang bawat isa." Sambit niya. Napalingon naman ako sa kanya pero diretso parin ang tingin niya.

"Sa mortal na mundo.." hindi ko maiwasang itanong. Marahan siyang umiling at bahagyang tinapunan ako ng tingin bago bumalik sa tinitingnan niya.

"Hindi ko naranasan ang magkaroon ng totoong pamilya sa lugar na iyon." Mahinang sambit niya na sapat lang para marinig ko. "Kaya nga nagpapasalamat akong nakapunta dito sa Hiarlco. Kahit parang hindi totoo.."

Hindi na ako nakapagsalita. Napayuko ako at napatitig sa mga paa ko bago bumuntong hininga. Parang nangawit bigla yung labi ko sa pagngiti at hindi ko maiwasang hindi ma-guilty.

Paano ko sasabihin sa kanya ang walang kasiguraduhan na nalalaman ko? Ang Hiarlco ang nagligtas sa amin mula sa 46. Sila ang nagbigay ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.

"Tama ka. Ang Hiarlco... ang pamilya natin." Pero bakit hindi ko magawang paniwalain ang sarili ko? Bakit hindi ko kayang maniwala sa sinasabi ko? Na ang Hiarlco ay pamilya.. pamilya ang Hiarlco.

Pero anong klaseng pamilya? Pamilya na siyang hihila sa'yo pababa? Pamilyang manunuod ng pagbagsak mo? Pamilyang.. hindi ko alam.

"Clementine.." mabilis akong napaangat ng tingin at doon ko napansin si Patrick na nasa harapan ko na. Napatitig ako sa kanya ng diretso ng biglang pumatong ang magkabila niyang kamay sa balikat ko.

"Okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" Napakunot ang noo ko. Malabo siya sa paningin ko.

"Ha?" Kinapa ko ang pisnge ko at basa nga. Mabilis na pinunasan ko naman ito.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Umatras ako ng isang hakbang dahilan para maibaba niya ang kamay na nakahawak sa akin.

"Clementine." Parehas kaming napalingon sa nagsalita. Si Aldione Badua na diretso ang tingin sa akin. Walang kahit na ano.

"Usap tayo." Kalmado niyang banggit. Nginitian ko naman si Patrick na siyang bumaling na sa akin ng tingin. Tinapik ko ito sa balikat.

"Ayos lang ako." Natatawang banggit ko bago sinundan si Aldione Badua na bumaba na ng templo. Hindi narin namna kami sinuway ni Eco na siyang malayo ang tingin at hindi nakatuon ang pansin sa mga sinasanay.

"Teka! Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Aldione Badua pero hindi niya ako pinansin at dumeretso lang sa paglalakad.

Napakunot ang noo ko ng maging pamilyar ang daan na tinatahak namin. Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig na dulot ng hangin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Huminto ako at ganuon din siya. Napaatras ako ng ilang hakbang ng tuluyan siyang humarap sa akin.

"Sumunod ka." Mabilis akong umiling.

"Muntik na tayong mamatay sa lugar na iyan, bakit gusto mo paring bumalik?" Garagal na tanong ko.

"Ipapakita ko sayo ang katotohanan." Walang emosyon na sambit niya. "Iyang kwebang iyan, ang magsasabi ng totoo, Clementine."

"Ano bang totoo ang pinagsasabi mo?" Umiwas ako ng tingin. "A-ang Hiarlco.. ang nagligtas sa atin.." mahinang saad ko. Ramdam ko ang titig niya hanggang sa bigla siyang natawa. Walang buhay, walang emosyon bago humakbang papalapit sa akin hanggang sa tumigil siya isang metro.

"Paano mo ako mapapaniwala kung ikaw mismo hindi naniniwala sa sinasabi mo, Clementine?" Halos magtayuan ang balahibo ko sa paraan ng pagkakasambit nito.

"Dahil lamang sa isang salita ng Hiarlcon na hindi mo sigurado kung kakampi ba o kaaway, umatras ka na. Tama nga si Kodiak." Napalingon ako sa kanya. Bahagya pa itong tumango tango na para bang may napatunayan sa sarili.

Naikuyom ko ang kamao ko ng nanguuyam siyang ngumisi sa akin.

"Ang emosyon mo ang papatay sa iyo." Dahan dahan niyang sambit.

"Ang emosyon mo, ang papatay sa mga nakapaligid sa'yo." Dagdag pa nito bago humakbang palapit. Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko ng bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha namin.

"Clementine.." bulong nito sa akin. "Nakakaawa ka."

Kasabay ng pagtulo ng isang butil ng luha sa mga mata ko ay ang pagtalikod nito at pagalis na para bang walang nangyari.

--

Hiarlco [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora