Hiarlco 17

162 10 0
                                    

Clementine Agor.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari. Parang sobrang bilis. Sa isang kisap mata, namatay ako. Tumigil ang tibok ng puso ko. Literal. Nagpakawala ako ng malalim na hininga.

I can remember those feeling habang ramdam na ramdam ko ang pag-aagaw buhay ng katawan ko. The pain, the emptiness. Yung para kang lumulutang sa kawalan at walang patutunguhan. At ang mas nakakabigla, walang memoryang nanumbalik at nag flashbacks.

Tumingin ako sa malawak na lupain ng Hiarlco. Tanaw na tanaw ko ang ilang Hiarlcons na siyang naghahanda sa kanilang mga simpleng tahanan. Ang ngiti at satisfaction sa mga mata nila habang minamasdan ang mga anak nilang unti-unti ng lumalaki sa isang simple at payak na pamumuhay.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

Tumabi sa akin ang nilalang na boses palang ay kilalang kilala ko na. Walang emosyon akong nanatiling nakakatitig sa kawalan.

"Hindi ko alam." Wala sa sariling sagot ko.

Hindi ko rin alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, plain, boring, wala akong maramdamang bago. Parang patay ang sistema ko, wala akong maintindihan. Wala akong alam.

Binalingan ko ng tingin si Eco na malayo din ang tingin.

"Tatang, am i worth it to live?"  I bit my lowerlips. Trying to surpass this eerie feeling inside me. Yung pakiramdam na konting push pa, bibigay ka na.

"Eco, sa tingin ko, hindi ko magagawa kung ano ang kapalit ng pangalawang buhay ko. Alam kong alam mo kung ano talaga ang nangyari. Ayoko ng maulit. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Tatang,"

Iniangat niya ang kamay at napapikit ako. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa ulo ko. Nakakagaan ng pakiramdam ang bawat pagdampi ng kamay niya sa buhok ko.

"Lahat ng nangyayari ay may dahilan, Clementine."

Iminulat ko ang mga mata at muling tumitig sa berdeng bayan.

"Pero bakit wala akong makitang dahilan kung bakit nangyayari to? Bakit ganito? Bakit sobrang komplikado?" Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko.

Ramdam na ramdam ko ang pino at mahinang pagtibok ng puso ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Sino si Sylvie?" Ang tanong na matagal ng bumabagabag sa loob ko. Hindi ko alam,hindi pamilyar ang pangalan pero palagi kong naririnig. Tila isang parte sa pagkatao ko na naghahangad at nagmamakaawa na malaman ng lahat.

Lahat lahat.

"Hindi ito ang tamang oras para sagutin ko ang iyong katanungan, Clementine." Huminga ito ng malalim at umiwas ng tingin.

"Magpahinga ka na. Bukas, sisimulan ang training ninyo."

Umalis ito at wala akong ibang nagawa kundi mapaupo sa templo habang minamasdan ang buong Hiarlco. Huminga ako ng malalim.

Kung sino pa yung aasahan mo na sagutin lahat ng katanungan sa isip mo ay wala rin palang magagawa para punan ang pagkukulang na nararamdaman mo.

Bumaba ang tingin ko sa berde at maliliit kong mga kamay, hanggang binti at mga paa. Habang minamasdan ang katawan ko, para bang unti unti kong nakakalimutan kung ano nga ba ang itsura ng isang tao. Yung totoong tao at hindi mga Hialrcons na kasama ko.

"Clementine," nag-angat ako ng tingin. Bumungad sa akin si Patrick Palo Antonio na lumakad papalapit at umupo, isang metro ang layo sa akin.

Para bang nag-iingat, nako-concious, may gustong sabihin at naguguluhan. Iyan ang nababasa ko sa mga mata at kilos niya. Hindi siya nagabalang salubingin ang tingin ko o tingnan manlang ako magmula ng dumating siya.

Papalubog na ang araw, unti unti nalang ding lumalamig ang mahinhing ihip ng hangin.

"May gusto kang sabihin." Basag ko sa katahimikan. Mabilis siyang napatingin sa akin at mabilis ding umiwas. Hindi siya nagsalita in which, odd. Kasi hindi naman tahimik ang Patrick Palo Antonio na nakilala at nakakasama ko.

"Gusto lang kitang makasama."

Umihip ang malakas na ihip ng hangin. Napabaling ang tingin ko sa kanya,gulat at hindi makapaniwala.

"A-ano?" Tiningnan niya ako bago siya tumawa ng malakas.

"Huwag assuming Clementine. Napaghahalataan ka." Natatawang banggit niya bago tumayo.

Sumama ang tingin ko sa kanya at agad siyang pabirong sinipa sa hips niya. Napangiwi naman siya dahil don at napatigil sa pagtawa pero nasusupil ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

"Gago ka talaga kahit kailan." Asar na banggit ko.

Tumayo siya ng tuwid at agad na pinisil ang pisnge ko,-- ang rason kung bakit literal na tumigil ang paghinga ko. I bit my lowerlips lalo na ng mamasdan ko ng ganto kalapit ang mukha niya.

Ang mga mata niya na brown, nagkukulay light pa ito lalo na ng masinagan ng papalubog na araw. I can see universe in his eyes. Blank yet beautiful.

"Should i move? Or baka gusto mo pang masdan ang mga mata ko?"

Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang boses niya. Umakyat ang init sa magkabilang pisnge ko. Abot abot ang kaba na nararamdaman ko at automatically, naitulak ko siya palayo dahil parang ata na mas lumapit pa ang mukha niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin para takpan ang pagkahiya.

"Tumahimik ka Palo." Asar na banggit ko.

Agad siyang nag gesture nq parang zini-zeeper niya yung bibig niya pero nababakas parin ang nakakaloko niyang ngiti at may kung anong spark akong nakita sa mga mata niya.

Ugh.

Bumaba ako ng templo at siya naman ay sumunod. Nasa likod ko lang siya at hindi na siya nagtangka na lumapit o sumabay sa akin. Hanggang sa makauwi kami sa bahay na tinitirhan namin ay hindi naalis ang ngiti niya.

Agad kaming binati ng mga kasamahan namin dito. Si Hearley Farro na nakatitig lang sa ceiling, si Flannery Valdis na malawak ang ngiti habang si Aldione Badua na meh. Walang kareak-reaksyon. Basta binati nila kami okay na.

Dumeretso ako sa higaan ko at kaagad na ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.

"Clementine, anong pakiramdam?" Napabaling ako ng tingin kay Flannery Valdis na nagtanong.

"Hindi ko alam. Hindi ko ma-explain." Plain na sambit ko at ibinalik ang tingin sa ceiling.

"What if, patay na talaga tayo?"

Bigla akong napaupo sa nakakagulat na tanong ni Aldione Badua. May lumipad na unan sa ulo nito na ibinato ni Hearley Farro.

"Ano bang sinasabi mo pre?" Natatawang tanong nito.

"Kung patay na talaga tayo, edi sana wala tayo dito sa Hiarlco." Sambit pa ni Patrick Palo Antonio. Minasdan kong maigi si Aldione Badua. Parang malalim ang iniisip nito-- madalas naman na malalim.

"Tingnan niyo yung mga tendency. Napaka-imposible na lima lang tayong nakaligtas sa party kung lahat ay brutal ang sinabit. What if, patay na talaga tayo? Tanging kaluluwa nalang natin ang gumagala, yung ngayon. Paano kung wala na talaga ang mga katawan natin?"

Nahulog ako sa malalim na pagiisip. Tila unti unti kong naintindihan lahat, malabo pero posible.

"Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi na nakakatuwa. " tumalim na ang tono na ibinigay ni Flannery Valdis.

"Pwedeng totoo, pwedeng  hindi. May tendency pero malabo at posible. Let's just be open with possibilities, sa ngayon, ipahinga muna natin yung katawan natin. We're going to seek answers tomorrow, at kung hindi man masagot ang mga tanong natin, we'll find ways."

--












Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now