Hiarclo 32

96 8 0
                                    

Clementine.

Mahigpit kong hinawakan ang lampara na nagsisilbing ilaw naming dalawa. Kinuha ko ito kanina bago ako dumeretso sa kweba ng dragon. Huminga ako ng malalim dahil sa mga naririnig kong kaluskos sa paligid pero normal na ito sa Hiarlco.

"Nakahanda ka ba?" Tanong ni Aldione nakasunod sa likod ko. Hindi niya ako pinigilan nung oras na nagmadali akong kumuha ng lampara at dumeretso sa lugar na ito.

Handa nga ba talaga ako? Sa kung anong matutuklasan ko sa mga oras na ito, handa ba akong tanggapin ang lahat?

Napahinto ako at mariing ipinikit ang mata. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang nasa harap ko ang bukana ng kweba. Madilim at para bang kawalan.

Nagmulat ako ng mata at huminga ng malalim.

"Clementine, hindi mo naman kailangan na gawin ito ngayon." Pagpigil niya sa akin mula sa likod. "Masama ang kutob ko dito."

"Hindi lang ikaw ang may masamang kutob." Ipinilig ko ang ulo. At inihakbang ang paa papasok sa kweba.

Bahala na.

Walang pinagbago ang lugar. May mga bato at formation sa paligid na para bang mas nabigyan ng hugis ngayon. Maraming imahe ang nakaukit sa pader, napahinto ako ng makita ang mga numero.

Mula 1 hanggang 56. Pinasadahan ko ng daliri ang mga numero na nakaukit sa pader. Naka bold ng kulay pula ang number 1 at 56. Hinaplos ko ang iba pang numero, paano mo ako mabibigyan ng sagot ?

"Ah. Shit." Nasapo ko ang daliri ng bigla nalang akong nasugat.

"Anong nangyari? Okay ka lang?" Hindi ko namalayan na nakalapit na si Aldione sa akin, hawak ang kamay ko at tinitingnan ang daliri ko na nasugat.

"O-okay--"

Malabo. Bigla siyang naging malabo. At ilang minuto pa ay mabilis na gumalaw ang paligid. Para bang nagshift.

"Sa amin ang Hiarclo!" Napalingon ako sa sumigaw. Nakasuot ng puting mahabang bistida ang babae. Mahaba rin ang buhok niya at may kaliskis sa mukha. Isang kumikintab na kaliskis.

"Nung oras na pinili mo ang mortal, wala na sayo ang Hiarlco." Gumawi ang tingin ko sa nagsalita. Malabo pero sa tikas at tindig nito, kilala ko siya. Si Kodiak.

Napakunot ang noo ko ng muling magiba ang paligid. Mabilis ang pag shift nito sa iba pang pangyayari. Ang pagpaparusa sa babaeng nakaputi, ang pagpatay sa lalaki at ang sinapit ng babae.

Si Kodiak na nakatanaw at parang nasisiyahan. Nahabol ko ang hininga ng bigla nalang magbago ang itsura nung babae. Winchester...

Mariing ipinikit ko ang mga mata.

"Clementine!" Nahawakan ako sa bewang ni Aldione Badua ng mawalan ako ng balanse. Napahawak ako sa braso niya ng mahigpit.

"A-ang Hiarlco.." mariin siyang tumingin sa akin.

"Iba na ang kulay ng mata mo." Hindi ko magawang iproseso ang sinabi niya dahil sa mga nakita ko. Pinilit kong tumayo at tiningnan ang mga numero.

Bumakas ang dugo ko sa mga nakaukit at unti unti iyong kumalat sa iba pa. Napansin ko si Aldione na inilibot ang tingin ng nagtataka.

"1 at 56. Ang simula at katapusan." Mahinang sambit ko.

"Beast." Sambit ko at hinaplos ang number 46.

"Eco." Binalingan ko ng daliri ang number 2. Ang mga kasali sa palaro. Ang numero ni Tuzo at ang nanay niya.

"This is our identity." Mahinang sambit ko. Iniangat ko ang tingin at minasdan ang mga nakaukit na imahe. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga impormasyon pero isa lang ang sigurado ko, totoo lahat ng sinasabi ko.

Binalingan ko ng tingin si Aldione Badua.

"Hindi ka tao." Bumakas ang gulat sa mga mata niya.

"A-anong sinasabi mo?" Tiningnan ko ang pader. Kung saan nakikita ang anino ko.

"Sino.. pa ang hindi tao sa grupo, Aldione?" Sambit ko. Sumunod ang tingin niya sa pader at doon niya lang ata napansin na wala siyang anino.

Ang tao na nagiging Hiarlcon, ang anino ay hugis normal na tao kahit iba ang itsura. Habang ang purong Hiarlcon ay walang anino kapag apoy ang nasisilbing ilaw.

"Ano pang nalalaman mo?" Mahinang sambit ko. Ikinuyom ko ang kamao na kanina pa nanginginig. I bit my lowerlip habang nakatingin sa pader.

"Tell me!" Nagitla siya sa biglaang pagsigaw ko. Mariing ipinikit ko ang mga mata.

Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko.

"C-Clementine.." akmang hahawakan niya ako ng iiwas ko ang kamay ko. Binalingan ko siya ng tingin.

"Aldione, huwag mo naman akong pahirapan ng ganito.." yung mga sinabi niya sa akin. Yung mga salita niya, lahat ng nalalaman niya. Biro lang ba ang mga iyon? Parte siya ng Hiarlco at hindi ko alam kung sino pa sa grupo ang parte ng Hiarlco.

Umiwas siya ng tingin. Bumuga ako ng hangin at walang emosyon na tumingin sa kanya.

"Akala ko mapagkakatiwalaan kita." Mahinang sambit ko at marahang natawa ng may tumulong kung ano sa mga mata ko. Why am I crying? Walang kwenta.

Kung ayaw niyong magsalita, ako mismo ang tutuklas ng mga bagay bagay. Hindi rin magtatagal, makakaalis ako sa Hiarlco. Maililigtas ko rin ang mga taong na trapped dito kahit na ang kapalit no'n ay ang pagsunog ko sa Hiarlco.

Walang salita na nilagpasan ko siya. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero wala akong pakialam. Binalewala ko ang bigat na nakadagan sa dibdib ko.

Aldione Badua a.k.a Kalikasan. Ang dahilan kung bakit nandito kaming lahat.

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now