Hiarlco 19

145 12 0
                                    

Clementine Agor.

We end up fighting. Marahas akong napa-atras ng hindi ko napansin ang muling pagsipa niya sa sikmura ko. Walang emosyon niya akong tiningnan habang nakatayo ng tuwid na para bang di pa nakikipaglaban.

It's been 30 minutes i guess, simula ng magsimula kaming maglaban. And it's odd na sa tagal ng oras na iyon, hindi manlang namagitan si Tandang sa amin. Sabi na't may paborito iyon sa grupo. Napatampal ako sa noo. Pagod na ako pero kaya ko pa naman.

"Akala ko ba pakikipagbasag ulo lang ang alam mo?" Nakangisi kong tanong at agad na dumura ng dugo sa tabi. Tumayo ako ng maayos at tiniis ang sakit ng katawan.

Hindi maikakailang sa ganitong estado, mas lamang ang kakayahan niya sa akin. Parehas na kaming napuruhan ng bawat isa at nakaka-amaze kasi hindi siya naghold back ng lakas niya,gayong alam niyang babae nag kalaban niya. It's good. That's what i want.

"Pakikipagbasag ulo in a modern way." He shrug.

Nginitian ko ito at kaagad na sumugod.  Nagpakawala ako ng sipa na siyang nasasalag niya. Nagsimula narin siyang umatake at wala akong ibang nagawa kundi ibalik ang mga iyon ng doble pa ang lakas at bilis.

Pinalipad ko ang kamao sa bandang dibdib niya at parehas kaming napaatras sa lakas ng impact na iyon. Nakarinig ako ng pagsinghap. Nanatiling nakakuyom ang kamao ko habang habol ang hiningang minasdan siya na bumulusok sa templo. Hawak ang dibdib at umiinda sa sakit.

Kinagat ko ang ibabang labi at lumapit. Bahagya akong lumuhod para tingnan kung ayos lang ba siya. Napangiwi ako habang tinitingnan siya.

"C-can we help him?"

Hindi ito tumigil sa paginda in which, nakapag pagana ng konsensya ko. I hurt him. Literally hurt him. I bit my lowerlips at sinubukan siyang itayo, tumingin ako kila Haerley Farro na nagmamasid at walang gustong tumulong. What's happening?

Sa isang iglap, tumalsik ako sa barrier. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Aldione Badua na hirap na nakatayo. Napasuka ako ng dugo -- asul na dugo. Hanggang ngayon di pa rin ako sanay.

Niyakap ng katawan ko ang sakit ng pagkakabagsak ko sa templo. Lalong nagdugo ang mga sugat ko at hindi na ako makagalaw ng maayos. Pinilit kong tumayo, pinilit kong pakalmahin ang paghinga ko.

"H-how dare y-you?" Mariin na ipinikit ko ang mga mata. Sobrang hapdi ng katawan ko, masakit sa bawat paggalaw ko. Nagawa kong tingnan siya ng diretso.

"Sa loob ng isang labanan, walang magkakilala. Walang magkaibigan." Makahulugang banggit niya. Napatawa ako ng marahan bago hindi makapaniwalang tiningnan siya.

"Would you make an exemption since training pa naman to?" Matalim ang mga matang ibinigay ko sa kanya.

"Sabihin mo yan sa aktwal na laban, Clementine." Sambit niya.

Tinaliman ko ito ng tingin. Wouldn't he make an exemption? Since training palang naman ito. TRAINING. Inayos ko ang pagkakatayo habang nakahawak ang mga kamay sa nagdurugo kong sugat sa sikmura.

Hindi ko alam kung anong klase na ang itsura ko ngayon. Kitang kita ko ang galos sa buong katawan ko. Ang sakit at hapdi na nararamdaman ko sa tuwing gagalaw ako.

"Should we start again?" Sambit niya na para bang wala lang sa kanya ang mga sugat na natamo niya. Walang tigil sa pagdugo ang braso niya, namumula na rin ang bandang dibdib niya at bahagyang nangitim.  Marahil sa lakas ng suntok ko dito.

"Kaya mo pa ba?" Nakangising banggit ko at ibinaba ang kamay na nakahawak sa sikmura ko. Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng lakas.

"Hinahamon mo ako?" Ngumisi ito sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at hindi nagpakita ng kahit na anong nararamdaman ko.

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now