Hiarlco 26

109 10 0
                                    

Someone.

"May alam sila."

"Pero ang alam nilang iyon ba ay totoo?"

"Pilit nating ililigtas ang Hiarlco. Mula sa maling akala. Mula sa maling pagtingin."

"Paano?"

"Mamahalin pa nila ang luga--"

"Paano nila mamahalin ang lugar na may lamat na?"

"Sabihin natin ang totoo?"

"Totoo? Sa tingin mo ba may totoo pang natitira sa lugar na ito?"

"P-pinuno.."

"Manahimik at magmasid. Hindi natin hahayaang maglaho ang Hiarlco."

--

Clementine.

We never talk about things. Hindi na rin muling nagtanong si Haerley Farro. Hinayaan niya akong magpahinga-- na sa tingin ko ay hindi ko naman nagawa. Tatlo lang kaming nakakaalam ng nangyari, ako, si Hearley Farro at Aldione Badua.

Kinabukasan ay kaagad kaming dumeretso sa templo para magsanay. Magagamit ko rin naman ang bagay na ito kapag nagkagipitan.

"May nangyari ba? Ang tahimik mo a." Bati ni Patrick Palo Antonio sa akin at bahagyang tinapik ang likod ko. Sinundan ko lang ito ng tingin.

"Palagi namang tahimik yan, Patrick. Ano pang bago?" Natatawang sambit ni Flannery Valdis habang may pinaglalaruan na dahon sa kamay niya.

Si Winchester na nasa gilid ang kasama namin. Nakaupo habang nasa harapan nito ang basket ng prutas at nanunuod sa ginagawa naming pagsasanay.

Si Winchester.. tao rin kaya siya?

Pero bakit ko ba hinahayaang maapektuhan ako ng bagay na iyon? Walang kasiguraduhan ang sinabi ni Aldione sa akin. Lahat ay nakabase sa kanyang 'panaginip'.

"Gutom ka ba?"

"A-ah?"  Tumayo si Winchester at lumapit  sa kain. Inialok niya ang basket ng prutas habang malaki ang ngiti.

"Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin kaya naisip ko na baka gutom ka lang. Pero ano bang iniisip mo?" Napatingin ako sa mansanas sa kamay ko at mabilis na umiling.

"Wala." Nginitian ko ito pabalik at bumalik naman siya sa pwesto niya at nanunuod. Wala si Eco at Kodiak dahil sa hindi malamang dahilan.

"I'm enjoying this!" Nabaling ang tingin ko kay Geryk Bilangel na malakas na tumawa habang si Patrick Palo Antonio na nagrereklamo.

Naglalaro sila ng bato-bato pick. Habang si Hearley naman ay nasa gilid at nakatanaw sa malayo. Si Aldione Badua ay kausap si Flannery Valdis.

Huminga ako ng malalim.

"Okay ka lang?" Napatingin ako sa kanan ko ay naroon an nakatayo si Hearley Farro. Tumango naman ako bilang tugon.

"Sigurado ka?" Muli akong tumango at hindi nagsalita. Iniangat ko ang kamay at iniabot sa kanya ang mansanas na hindi naman nababawasan.

"Huh?" Inabot niya ito at pinakatitigan.

Lumipas ang oras ng training para ngayong araw ng hindi namin nakikita si Kodiak at si Eco. Sabi ni Winchester, may mahalaga lang daw silang inaasikaso. Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa tinitirhan namin para magayos ng sarili at makaligo.

Naiwan naman ako sa harap ng tinitirhan namin at nanatiling nakatayo sa ilalim ng isang puno. Umangat ang tingin ko sa sanga kung saan palaging nakaupo si Eco at nangi-istorbo gamit ang kanyang instrumento.

Hindi namin narinig ang bagay na iyon kaninang umaga.

Iginala ko ang tingin. Ang lamig sa mata ng green na paligid. Ang mga Hiarlcon na parami na ng parami dahil sa paglabas nila sa kanilang tinitirhan.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko lubos akalain na ang lugar na ito.. hindi. Mali ako ng iniisip. Marahil ay hindi ko lang maintindihan. Siguro kaunting impormasyon lang ang alam ko. Hindi pa nito magagawang diktahan ang hinaharap.

Naikuyom ko ang kamao. Natigil na lang ako sa pagiisip ng makitang magkagulo ang mga Hiarlcons. Napakunt ang noo ko lalo na't ng magsilabasan ang mga ito sa kani-kanilang mga tinitirhan at nagtakbuhan paakyat sa templo.  Humakbang ako papalapit.

"Nasaan na ang hagdan?! Pinuno! Eco! Winchester! Iligtas niyo kami!"

Wala na ang jelly jelly na hagdan paakyat sa templo. Nagsimulang magkagulo ang mga Hiarlcons. Napaangat ako ng tingin. Nagtama ang tingin namin ni Kodiak. Si Eco sa gilid niya na nagmamasid maging si Winchester na malayo ang tingin.

"A-anong ibig sabihin nito Kodiak?" Bumaling ang tingin ko sa 46 na papalapit. Sinira na nila ang paligid. Nagwawala at nakakadiri.

"Walang ibig sabihin ang lahat, Clementine." At sa pagkakataong iyon, natagpuan ko ang sarili ko sa templo habang minamasdan na patayin ng 46 ang mga mahihinang Hiarlcon sa ibaba.

"H-hindi.."

Nawalan ako ng balanse dahil sa panghihina. At hindi ko namalayan ang taong umalalay sa braso ko para hindi ako tuluyang masubsob sa sahig.

"Clementine," nagtama ang tingin namin ni Hearley Farro. Sa harapan ko ang nagaalalang tingin ng mga kasamahan ko. Si Aldione Badua na matiim na nakatingin sa akin.

"A-ang Hiarclo.." napahawak ako sa dibdib ko ng mahirapan akong huminga.

"K-kailangan nating iligtas ang H-Hiarlcons.." alam kong natigilan sila ng may tumulong kung anong likido sa mata ko.

"Kumalma ka. Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Geryk Bilangel.

Mabilis na inilibot ko ang tingin. Maayos ang paligid. Walang bahid ng kung ano. Payapa at magandang tingnan. Malamig ang simoy ng hangin, masarap sa pakiramdam.

Napahawak ako sa ulo ko ng tuluyan akong makatayo ng maayos. Mariing ipinikit ko ang mga mata.

"Okay ka lang ba talaga? Masyado ka bang napagod? Magpahinga a muna kaya?" Sunod sunod na sambit ni Patrick Palo Antonio.

"Sasakupin ng 46 ang Hiarclo. Pero walang gagawin sila Kodiak para isalba ang mamamayan. Totoo ang nakita ko. M-maraming mamatay."

Natigilan sila. Lumapit si Flannery Valdis sa akin. Gulat na gulat.

"T-tapos nakita mo ang sarili mo sa itaas ng templo at pinapanuod na p-patayin ng 46 ang mga Hiarlcons, t-tama ba?" Tumango ako.

Nanghihinang napaupo si Flannery Valdis at kaagad na nagluha ang mata.

"We're doomed. Kung ganoon, nakikita mo rin ang nakita ko." Mahinang sambit nito. "Isa lang ang pinapahiwatig ng lahat, ang Hiarlco, ang punot dulo ng lahat."

--

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now