Hiarlco 24

115 7 0
                                    

Clementine.

Pangalawang pagkakataon na makapunta ako sa Hiling. At sa pangalawang pagkakataon,  eto parin ako. Namamangha kung gaano kaganda ito. Kung gaano kagada ang pixie dust na bumabalot sa piligid, kung paano kuminang ang balon. Kung paano maging kalmado ang mga damdamin namin.

"H-hindi lang po ito ang unang beses na nakapunta ako dito." Napatingin ako sa bata na para bang nanlalaki ang mata na nakatingin sa balon.

"Okay ka lang?" Mahinang tanong ko rito ng bigla siyang yumakap sa akin.

"Hindi ka mapapahamak dito. Huwag kang magalala. Nakikita mo ang mga gintong pixies na iyon? Napakaganda hindi ba?"

Hindi katulad ng unang punta namin sa lugar na ito, hindi nila pinalibutan si Geryk Bilangel at pinaliguan ng pixie dust.

"Hindi po ako nagaalala para sa sarili ko. Nagaalala po ako para sa inyo." Ha?

"Pangapat na pagkakataon ko ng makita ang balon na ito." Nabaling ang tingin ko kay Geryk Bilangel habang hinahaplos ang balon. Dumikit sa daliri nito ang gintong pixie dust na galing sa mga pixies na lumilipad sa paligid.

"Pangalawa palang namin to, pre. Dapat sinabi mo na hindi ka na kailangang ilibot sa Hiarlco at natulog nalang tayo." Sambit ni Patrick Palo Antonio dahilan para makatanggap siya ng batok galing sa tatlong tao.

Wala naman siyang nagawa kundi tahimik na nagreklamo hanggang sa mapagpasyahan naming dumalaw sa Ala-ala.

Hindi na muling nagsalita si Tuzo nung naglalakad na kami pauwi.

"Pagod ka ba?" Tanong ko rito. Tumango naman siya. Lumuhod ako sa lupa at isinenyas ang likod ko.

"Sampa ka sa akin. Malakas naman si Ate e." Ngumiti sa akin si Tuzo at kaagad na sumampa sa likod ko. Nauna naman na ang mga kasamahan kong hindi ata kami napansin.

"Ate.. umalis na kayo dito." Napahinto ako lalo na't ng isandal nito ang ulo sa likod ko kasabay ng pagyakap niya sa akin sa bandang leeg.

"Bakit? Ayaw mo na bang makita si ate? Wala ng lalaban sa 46 kapag umalis kami. " maingat na sambit ko.

"Ate.. umalis na kayo dito." Iyon na lamang ang sinambit niya hanggang sa makatulog ito sa likod ko. Huminga ako ng malalim.

Yung mga bagay na nakita ko ng hawakan ni Tuzo ang kamay ko. Siya rin ang kumuha sa akin nung itim na bulaklak na tinatawag nilang Kamatayan. Ang imahe at boses na narinig ko sa Hiling. Ang mga pixie dust at iba pa. Anong ibig sabihin ng mga iyon?

Bakit parang hindi tumutugma lahat ng pangyayari? Bakit ibang iba ito? Bakit pinapagulo nito ang ko?

Sa sobrang pagiisip ay hindi ko napansin na nandirito na kami. Mabilis na sumalubong sa akin ang ina ni Tuzo na kinuha ang bata mula sa likod ko. Nagpasalamat ito ng ilang ulit bago tumalikod pero hindi ko alam kung bakit hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pagalis.

Iniwas niya ang tingin sa akin.

"Wala akong alam." Sambit niya. Mas hinigpitan ko ang hawak sa braso niya.

"Anong wala kang alam?"

Hindi niya sinalubong ang tingin ko. Malayo na ang mga kasamahan ko at walang ibang Hiarlcon sa paligid. Humarap siya ng tuluyan sa aiin habang hawak sa bisig niya si Tuzo na para bang prinoprotektahan ito.

"Nakita mo." Sambit niya. Hindi ito tanong base sa paraan ng pagsasalita niya. Napakunot ang noo ko at dahan dahan siyang binitawan.

"Isa lang ang maipapayo ko, Clementine Agor." Hindi ko alam pero parang dumilim ang mukha nito at mas naging matigas ang salita. "Wala kang narinig. Wala kang nakita. Wala kang alam."

"Totoo ang nakita ko." Mahinang sambit ko at bumaba ang tingin ko kay Tuzo. "Ang kakayahan ng batang iyan--" tumalim ang tingin niya sa akin.

"Walang kakayahan ang anak ko. Wala kang nakita o narinig. Hindi nangyari ang paguusap nating ito. Para sa kapakanan ng lahat. Sumunod ka nalang. Hindi lahat ng alam mo ay totoo."

Umalis siya at pumasok sa bahay niya. Napatitig nalang ako sa pintuan na pinasukan niya.

"Sinasabi ba niyang magsawalang kibo ako?" Mahinang bulong ko sa sarili.

Inihakbang ko ang paa palayo sa bahay na iyon umaasang malilinawan ako sa mga naganap.

"Sayang at mamatay ka rin."

Nagtayuan ang balahibo ko ng magecho sa pandinig ko ang boses nung babae bago pa man kami umalis.

"Huy! Kanina ka pa tulala."

Nagitla ako dahil sa pagsulpot ng kung sino sa harapan ko. Hindi ako nagbigay ng reaksyon lalo na ng makita ko silang tumawa maliban kay Aldione Badua na nakatingin lang sa akin ng diretso. Iniwas ko ang tingin at nauna ng pumasok sa tinutuluyan namin.

"Anyare do'n?" Narinig ko pang tanong ni Flannery Valdis sa mga kasamahan kong nagsiwalang kibo.

Umupo ako sa gilid ng kama ko at bumuntong hininga. Paano ko tatanggapin ang mga nakita ko? Tinanaw ko ang mga kasamahan ko mula sa bintana. Paano ko sasabihin sa kanila?

Mariing ipinikit ko ang mga mata. Ilang ulit na huminga ng malalim.

"Wala kang nakita. Wala kang narinig, Clementine. You better keep it that way, katulad nung sinabi nung babae." Mahinang pakiusap ko sa sarili.

Inayos ko ang itsura at humiga na sa kama ko. Ipinikit ko ang mga mata hanggang sa tuluyan akong makatulog.

Nagising nalang ako ng manuyo ang lalamunan ko. Akmang tatayo ako ng mahagip ng paningin ko si Aldione Badua na lumabas ng tinitirhan namin. Napakunot ang noo ko. Malalim na ang gabi, saan pupunta ang lalaking iyon?

Maingat akong tumayo at sinilip ito mula sa bintana. Nagmamadali at maingat. Iginawi ko nalang ang tingin ko sa kasamahan kong natutulog.

Napakunot ang noo ko ng mapansin kong magulo ang hinihigaan ni Haerley Farro.  Ipinikit ko ng mariin ang mga mata at lumabas ng tinitirhan namin.

--
Rye's note:

Yo guys. Sorry sa typical errors at grammatical errors na nai-encounter niyo. I'm only using my android phone at wala akong panahon na mag-edit because of school works.

Hiarlco [COMPLETED]Where stories live. Discover now