Thirty-one

79.8K 1.8K 226
                                    

"Chiara, anak?"


Nilingon ni Chiara ang Mama niya na may nakalahad na plato sakanya. Kanina pa siguro siya nito tinatawag habang ang isip niya ay lumilipad. Tinanggap niya ang platong binigay ng Mama niya at sabay na silang kumuha ng pagkain.


Ilang oras nalang ay Pasko na. Dapat masaya ang okasyon na ito, pero hindi niya maramdaman. Hindi parin sila nag-uusap ni Dami. Nang huling linggo ng klase, tinangka niya itong kausapin pero laging umuurong siya kapag malapit na ito sakanya. Minsan ay nakakasalubong niya ito kapag nadadaan siya sa Engineering building kaya lang sa tuwing magtatagpo ang kanilang mga mata ay agad nitong iniiwas ang tingin.



"Chiara? Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala diyan?" puna sakanya ng Lola niya.


"O-Opo Mameng."



"Hindi parin ba kayo maayos ni Dami?" tanong ng Mama niya.


Alam ng Mama niya ang nangyari sakanila ni Dami. Naabutan kasi siya nito na umiiyak sa may likod-bahay nila. Hindi niya napigilang maglabas ng saloobin sa Mama niya. Masaya siya dahil nahanap niya sa puso ang kapatawaran. Paunti-unti ay nababalik ang dati nilang samahan ng Mama niya.



"Hindi pa po." mahinang sagot niya at pinagtuunan nalang ng pansin ang pagkain niya.


Hindi na nagsalita pa ang Mama niya, maging ang Lolo't lola niya. Mabuti nalang at nandiyan ang kapatid niyang si Butchoy na napakadaldal. Ito ang nagpapatawa sakanila.


Nang mag-alas dose na ay nagtipon sila sa may sala at nagbigayan ng regalo. Tuwang-tuwa ang kapatid niyang nakatanggap ng bisikleta na matagal na niyang hinihingi sakanila. Ibinigay naman ng kapatid niya ang mga cards na ginawa nito para sakanila. Siya naman ay mga personalized statement shirts ang nakayanan niya lang ibigay.



"Merry Christmas, anak." May iniabot sakanyang box ang Mama niya. Napanganga siya ng buksan iyon at nakita ang isang latest model ng isang sikat na brand ng cellphone.



"Ma, ang mahal nito."


"Hayaan mo na ako, anak. Pasko naman," nakangiting sambit ng Mama niya. Akala niya ay ito na ang pinakamagandang regalo sakanya, pero hindi pa pala. May iniabot sakanyang malaking envelope ang Mama niya at mga papeles iyon na nagsasabing naaprubahan na sila na mag-migrate sa Canada.



"Aalis po tayo?" namamanghang tanong niya.


Tumango ang Mama niya. "Gusto ko na kayong kunin."


"Pero..." Hindi niya mahanap ang mga salita na gusto niyang sabihin. There is a part of her that wants to go, but there's also a part that doesn't want to go. Iniisip niya ang pag-aaral niya, ilang buwan nalang, gagraduate na siya. Sayang naman. Isa pa, si Dami. Hindi niya ata kayang iwan ito. Kahit na pa hindi sila okay ngayon, alam niyang magkakaayos rin sila.



Hinawakan ng Mama niya ang kamah niya. "It's your decision, Chiara. Kung gusto mong sumama, edi mabuti. Pero kung may pumipigil sa'yo at ayaw mo ay ayos lang rin."



Mahihiwalay siya sa pamilya niya? Kahit kailan ay hindi siya nahiwalay sa kapatid at sa Lolo't lola niya. Gusto rin niya makasama ang Mama niya. Pero gusto rin niya makasama si Dami. Naguguluhan siya. Sino ang pipiliin niya? Kung sasama siya, ano ang kasiguraduhan na babalik pa siya? Paano si Dami? Masasaktan niya ito.


"Pu pwede ko po bang pag-isipan muna?" tanong niya.


Tumango ang Mama niya. "Oo naman, anak. Hihintayin ko ang sagot mo."


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon