Twenty-five

67.5K 1.6K 50
                                    

Galit na hinakot lahat ni Chiara ang mga nakalatag na mga damit sa lamesa at inilagay pabalik sa mga kahon at plastic bags. Kung alam niya lang na nandito ang nanay niya, sana ay tiniis niya nalang niya kasama si Dami.


"Anak.." tawag sakanya ng ina niya.


Padabog na inilapag niya ang mga plastic bags sa sahig at tsaka hinarap ang ina niya. Gusto niyang mapangisi dahil sa nakikita niyang hitsura ng ina ngayon. She can see that her mother is swimming with loads of cash right now upon seeing what her accessories and signature clothes.


"Umalis na po kayo," matigas na utos niya. Ayaw niyang maging bastos dahil hindi siya ganoon pinalaki ng lolo at lola niya, pero hindi niya mapigilang hindi pakitaan ng pagkamuhi ang sariling ina na iniwan nalang silang magkapatid basta-basta.


"Ate, bakit ka galit kay Mama?" inosenteng tanong ni Butchoy sakanya.

"Butchoy, akyat ka muna," utos niya sa kapatid nang hindi parin inaalis ang tingin sa ina nila.


Ayaw pa sana umalis ni Butchoy, mabuti nalang inaya ito ni Lolo Delfin paakyat. Ilang taon na ba magmula nang magmakaawa siya na huwag silang iwan ng ina niya? She was just thirteen and Butchoy was just three back then.

"Ano ba ang iniisip mo, Carlotta?! Iiwan mo ang mga anak mo para lang sumama sa lalaking iyon?!"


Rinig na rinig ni Chiara ang sigawan ng Lola at Mama niya na nanggagaling sa loob ng bahay nila. Kauuwi niya lang galing eskwelahan at excited siya dahil masasabitan nanaman siya ng medal ngayong recognition day. Tiyak na matutuwa nanaman ang Lolo't lola niya pati narin ang Mama niya. Sana lang, pumunta na ang Mama niya ngayon at ito na ang magsabit sakanya.

"Nay, hindi naman sa ganoon. Magpapadala naman po ako ng pera, tutulungan ako ni David. Mahal niya po ako, mahal ko rin siya."

"Iyan! Iyang-iyan din ang sinabi mo sa tatay ng mga anak mo, pero nasaan na iyong lalaking iyon? Iniwan rin kayo!"

Hindi na nakatiis si Chiara kaya minabuting pumasok na siya sa loob, doon ay naabutan niya ang Mama niya na palabas na sana ng pintuan nila. Natigilan lang ito ng makita siya. Agad na nabaling ang tingin niya sa maletang hila-hila nito.


"Ma? Saan po kayo pupunta?" tanong niya. Lumapit siya sa Lola niya para magmano, iniwas nito ang tingin sakanya. Hindi niya makita ang Lolo at ang kapatid niya.

"Aalis po kayo?" naiiyak na tanong niya muli sa Mama niya. Hindi ito makatingin sakanya.


"Kailangan kong umalis, Chiara. Para sainyo rin ito."


Mahigpit na niyakap niya ang Mama niya nang lagpasan na siya nito. Humagulgol siya ng iyak at nagmakaawang huwag ito umalis.


"Ma, please po! Huwag niyo kami iwan. Titigil nalang po ako sa pag-aaral, tu-tutulong po ako para sa mga gastusin, huwag lang po kayo umalis. Parang-awa niyo na po.."

Pero lahat ng pakiusap niya at lahat ng luha niya ay nabalewala nang hindi siya pinakinggan ng Mama niya at mas piniling iwan sila ng kapatid niya para sumama sa lalaki nito. Ang sabi ng Lola niya, umalis ang Mama niya para magtrabaho sa ibang bansa, pero hindi siya naniwala.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon