Ten

80.8K 1.8K 104
                                    

"Alis na po kami Mameng!" paalam ni Chiara sa lola niya. Hinawakan niya ang kamay ng kapatid na si Butchoy.

"Ingatan mo ang kapatid mo!" bilin sakanya ng lola niya habang nagpupunas ng kamay sa suot na apron.

"Opo! Ba-bye!"

Habang naglalakad sila ng kapatid, pansin niyang tahimik ito kaya naman mahinang binunggo niya ito.

"Ang lalim ng iniisip natin, 'choy ah. Huwag mong sabihin na may girlfriend ka na. Aba! Ang bata mo pa." biro niya rito.


Napapalatak naman si Butchoy sa sinabi niya. "Ate naman eh! Wala akong girlfriend."


Natatawang ginulo niya ang buhok nito. "Joke lang naman. Para kasing may iniisip ka. Ano ba iyan?"


Hindi siya sinagot ni Butchoy kaya naman kinulit niya ito ng kinulit hanggang sa sabihin nito na wala naman daw. Hanggang sa makasakay na sila sa tricycle hanggang sa pagdating nila sa eskuwelahan nito ay batid niyang may iniisip ang kapatid niya. Bago ito makapasok sa loob ay tinanong pa ulit niya ito.


"Wala nga ate, huwag ka ngang makulit." sabi nito.


Sandaling pinakatitigan niya ito. Alam niyang meron, pero kung ayaw talaga nito sabihin, sige. Hindi niya ito pipilitin. Aalis na sana siya nang makita ang adviser ni Butchoy.


"Good morning po, ma'am." bati niya sa adviser ng kapatid.


"Good morning rin, Chiara. Good morning, Christopher." bati nito sakanya at sa kapatid.


"Good morning po, teacher." mahinang bati ng kapatid.


"Napakita mo na ba sakanila iyong letter tungkol sa field trip?" tanong ng teacher ni Butchoy sa kapatid.


"Ano'ng field trip?" tanong niya.


"Hindi niyo pa alam? Last week ko pa iyon ipinamigay. May field trip kasi ang mga bata sa susunod na buwan."


Tinignan niya ang kapatid sa gilid niya na tahimik na nakayuko lang at pinaglalaruan ang laylayan ng backpack nito. Bumuntong-hininga siya at nginitian ang teacher.


"Sige po ma'am. Kakausapin ko lang ang kapatid ko."


Mukha namang naintindihan siya nito kaya naman pumasok na ito sa loob at iniwan sila ng kapatid.

"Butchoy, bakit 'di mo sinabi sa'min?" mahinahong tanong niya sa kapatid. Kahit kailan kasi ay hindi nagtatago ang kapatid niya sakanila, ngayon lang ito nangyari kaya naman hindi niya alam kung ano na ba ang pumapasok sa isip ng kapatid. Matalino ito kaya minsan nakakatakot na.


Hindi siya nito sinagot kaya naman napabuntong-hininga siya. "Akin na iyong letter at nang mapirmahan ko na para maipasa mo na mamaya."


"Huwag nalang ate. Hindi ako sasama." sagot nito.


"Oh bakit? Ayaw mo ba sumama sa field trip?"


"Sayang lang ang pera natin eh, kaya huwag nalang."


Nagulat siya sa sinabi ng kapatid. Ang bata pa nito pero iniisip na pala nito ang perang magagastos. Kung ang ibang bata ay puro laro at saya lang ang inaatupag, heto ang kapatid niya at sila pa ang inaalala. Lumebel siya sa kapatid at hinawakan ang mukha nito.


"Hoy, bakit iyan ang iniisip mo?"


"Naisip ko lang. Tsaka marami na rin kasi kayong binabayaran, okay lang naman kahit hindi ako sumama."


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon