Forty

108K 2.1K 120
                                    

Matagal na nagtitigan sina Dami at Chiara na para bang sa simpleng tinginan nila, sinasabi na nila lahat ng mga nararamdaman nila. Na sa isang tingin lang, nakukuha na nila ang sinasabi ng isa't isa.

Masayang-masaya si Chiara. Somehow, all she thought was true. She once said that she has to let go and move on. It's true, she let go of her hatred and chose to move on together with Dami. It felt so right.

"Pakiulit nga ang sinabi mo," mahinang sambit sakanya ni Dami.

She cupped his face. "Mahal...na mahal... rin kita." Hinalikan niya si Dami sa bawat salitang inulit niya.

Napatawa siya ng malakas nang bigla na lamang siya buhatin at ipaikot-ikot sa ere ni Dami. Mahigpit siyang yumakap sa leeg nito at ibinaon ang mukha doon. Nagpakawala siya ng hininga. She made the right choice.

"I love you, Chiara. I love you, I love you!" paulit na bulong nito sakanya. Napapahagikgik siya sa bawat pagdapo ng hininga nito sa puno ng tenga niya.

Dahan-dahan siya nitong ibinaba at mariing hinalikan sa labi. Hindi na siya nagpakipot pa at tinugon ng kaparehong intensidad ang halik nito. This is what she wants. Ito naman talaga ang hinahanap-hanap niya. Niloloko niya ang sarili niya kapag itinatangging may nararamdaman pa siya kay Dami. Dahil ang totoo, hulog na hulog na siya sa lalaking ito.

Nang magkatitigan silang muli, kitang-kita niya ang kapilyuhan sa mga mata nito. Napahalakhak siya na ikinitawa rin naman ni Dami.

"What?" pagmamaang-maangan nito.

Inilapit niya ang kanyang katawan rito. Ang dahan-dahang paghaplos ng mga kamay nito sa gilid ng bewang niya ay naghahatid ng kakaibang init sa katawan.

They just remained silent and in one moment, their lips are locked again. She felt so naughty right now. But what the heck, it felt so good. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong intensidad na parang may gusto siyang marating kasama si Dami.

She found herself clingin onto Dami. Her legs wrapped around his waist and her hands are busy gripping his shirt and tangling his hair. She sighed with satisfaction when Dami's kisses went to her neck, down to her throat, down to the top of her breasts then back to her lips.

Nakakalasing ang mga halik niya. Bago sakanya itong lahat na nararamdaman niya. Ang sarap pero nakakabaliw. Naglakad si Dami papunta sa kwarto nito at umupo sa may paanan ng kama. She was straddling him and she just can't seem to stay put.

"We should stop, Chiara. Hangga't kaya ko pa."

Mabibigat na hininga ang ginagawa nilang pareho. "Paano kung ayoko?" mapanuksong sabi niya rito.

Natawa ng bahagya si Dami at nakuntento nalang na yakapin siya habang kandong parin siya nito.

"Huwag kang ganyan. I'm doing my best here. Kaaayos palang na'tin. I want to treasure every moment with you, ayokong minamadali ang lahat sa'tin, dahil gusto ko perfect timing ang lahat."

Napangiti siya ng totoo kay Dami. She gave him a long peck. "Mahal na mahal kita, heart heart ko."

"I missed you calling me that." nakapikit nitong sabi.

"Alin? Heart heart ko?"

Tumango ito. "Ako lang dapat ang tinatawag mo niyan."

"Ikaw lang naman talaga, Dami. Sa simula palang, ikaw lang."

Nagtaka siya ng bumitiw sa yakap si Dami pero nanatili ang mga kamay nito sa bewang niya. "But who's the guy in the pictures?"

Kumunot ang noo niya. Sino ba kasi ang sinasabi nitong bago niya? Wala naman kasi talaga. Sa kabuuan ng stay niya sa Canada, tanging trabaho at bahay lang ang ruta niya. Dahil sa bawat lalaking pumuporma sakanya, lagi niyang hinahanap ang katangian ni Dami sa mga ito. She was intoxicated to him. Parang nakatanim na ito sa sistema niya at hindi na siya maaring makawala.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon