Twenty-three

68.7K 1.6K 79
                                    

Hindi parin maialis ni Dami ang tingin sa nobyang si Chiara na kasalukuyang nakikipagkwentuhan sa Mommy at kapatid niya. Kanina nang suduin niya si Chiara sa bahay nito para sa anniversary ng parents niya ay literal na napatulala siya sa kagandahan ng dalaga. Litaw na litaw ang kaputian at kakinisan nito sa suot na black sweetheart cut dress.

His Mom and Dad are happy to meet Chiara. Sa totoo lang ay panay ang text sakanya ng Mommy niya patungkol kay Chiara. Sa isang beses palang na pagkikita ng mga ito ay alam niyang nagustuhan na ng mga magulang niya si Chiara, which is hindi naman nakakagulat dahil hindi naman mahirap magustuhan si Chiara.


"Son," pukaw sakanya ng Daddy niya. Iniabot nito sakanya ang isang flute ng champagne.


"Mabuti at nakadalo si Chiara. Your Mom likes her and I also like her," saad ng Daddy niya.


Sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. "I also like her, Dad."


Tinignan siya ng Daddy niya at tinapik ang kanyang balikat na parang proud ito sa sinabi niya.


"Take care of her. Bibihira ang katulad niya," bilin sakanya ng Dad niya.


"I will, Dad. I will."

--------

Abala si Dami sa pagbabasa ng libro sa isa sa mga bench ng Great Circle nang bigla nalang may yumakap sakanya and when he looked up to see who it is, ay ang magandang mukha ni Chiara ang bumungad sakanya.


"Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Chiara at lumipat na ito sa tabi niya.


"Sana tinext mo nalang ako," sagot niya. Isinara na niya ang librong binabasa niya at tsaka humarap sa dalaga.


"Nakakatamad kunin iyong phone ko. Nahanap naman na kita eh."


"Well, you've found me. Bakit mo ako hinahanap?"


Inihilig ni Chiara ang ulo nito sa balikat niya. Yinakap naman niya ito sa bewang para hindi ito mahirapan. See how Chiara changed him? Hinding-hindi talaga niya gustong maging showy pero kapag kasama talaga niya si Chiara, pakiramdam niya ay may sarili silang mundo.


"Masama ba'ng ma-miss ang boyfriend ko?" rinig niyang sabi nito. Alam niyang nanghahaba nanaman ang nguso nito.


"Gusto mo mag-date tayo? May duty ka pa ba?" tanong niya sa nobya habang pinaglalaruan niya ang mga kamay nito.


Tumango ito at humarap sakanya ng maayos. "Meron eh. May pinapa-checkan sa'king test papers."

Iniipit niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga nito. "Gusto mo tulungan kita?"


Umiling naman ito. "Huwag na. Kaya ko naman."


"Bakit kasi hindi ka magbawas ng trabaho? Kita mo, pumapayat ka na."

"Ayie! Concerned na concerned ang heart heart ko!" tudyo nito sakanya.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon