Seventeen

92.6K 2.2K 163
                                    

Masakit nga talaga ang umasa. Pero masisisi niyo ba siya? Gusto lang rin naman niyang maramdaman ang saya sa puso niya. Siguro nga, mali talaga ang pagkakakilala niya kay Dami. Nabulag nga lang siguro siya sa pagkagusto niya rito. Maybe she really went overboard.



Labag man sa loob niya, pinilit nalang niya ang sariling pumasok ngayon kahit na pagod siya sa fieldtrip ng kapatid niyang si Butchoy kahapon. Sulit naman ang mga OT niya sa mga part-time jobs niya dahil kitang-kita niya kahapon ang kasiyahan sa mukha ng kapatid. On that day, nakalimutan niya ang sakit na dulot ni Dami sakanya. Kaya lang ngayon, there's a fifty percent chance na pwede silang magkita ni Dami. Kung hindi lang talaga niya kailangang i-check ang booth ng org niya, nunca na papasok siya.



"Kamusta sales kahapon?" tanong niya sa vice niyang si Trisha.


"Sold out tayo kahapon, girl!" masayang sagot nito.


Tumango siya rito at chineck ang inventory ng mga sales kahapon. Lumapit sakanya si Trisha at may iniabot sakanyang tseke. "Ito iyong bigay ni Dami."


Tinignan niya ang tseke at ibinalik nalang ang tingin sa hawak na notebook. "Bigay mo sa treasurer at magawan na ng report." utos niya rito.


Nagbilin pa siya sa iba pang members ng org bago nagpaalam na aalis na siya. May usapan kasi silang magkakaibigan na kakain ng sabay. Ililibre daw siya ng mga ito bayad sa hindi nila panunuod nung Battle dahil busy si Zyrene sa Otaku Club nito habang si Jeann sa school paper.



Nagpunta siya malapit sa Freedom Board dahil doon daw sila magkikita-kita. Mula sa kinaroroonan niya, nakikita na niya ang mga kaibigan niya. Kumaway ang mga ito sakanya kaya naman binilisan niya na ang pagtakbo.



"Ang tagal mo naman." reklamo ni Zyrene sakanya.


Inirapan niya lang ito na ikinatawa naman ng kaibigan. "Saan niyo ako lilibre?" tanong niya.


"Dapat nga ikaw ang manlibre dahil nanalo kayo." sabi ni Jeann.


Umangkla siya sa braso ng dalawang kaibigan, siya ang nasa gitna. "Kung nanuod sana kayo, edi sana ako ang manlilibre."


She heard Zyrene snickered beside her. "Halika na nga! Gutom narin ako."


Napunta sila sa isang fast food chain malapit lang rin sa SCU. Sinabi niya ang order sa mga ito at naiwan siya sa table habang ang dalawa ang umorder.


Nakapangalumbaba lang siya sa lamesa at nakatingin sa labas ng glass wall nang maramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya. Nang mabasa ang pangalan ni Dami ay parang tambol nanaman ang dibdib niya. Bakit ganoon? Kahit galit siya kay Dami, gusto parin niyang makita ito. Nakakaloko naman 'tong puso niya.


From: Heart Heart Ko ♥

Chiara, can I see you? May sasabihin lang sana ako.



Huminga muna siya ng malalim. Ang ikli lang ng message nito pero nakaramdam parin siya ng saya. Tawagin niyo na siyang tanga, martir, bobo o baliw, wala siyang pakielam. Ito ang nararamdaman niya, bakit niya pa ipagkakaila?

To: Heart Heart Ko ♥

Sige. Saan at ano'ng oras?

--

From: Heart Heart Ko ♥

Sa gym. Mga six pm. Is that okay?

--

To: Heart Heart Ko ♥

Okay.




She sighed while reading his texts again. Tanga nga talaga siya. But what could she do? She really likes Dami. Totoo ang nararamdaman niya para rito. Hindi lang ito infatuation na madaling mawala dahil kung ganito nga ang nararamdaman niya, bakit siya nasasaktan sa mga sinabi ni Dami? Bakit siya nasasaktan sa tuwing tintaboy siya palayo ni Dami? She may be smiling and act like as if she doesn't care whenever Dami pushes her away, but deep inside her heart is tearing up into pieces.



Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon