Prologue

228K 3.2K 229
                                    

Abalang-abala si Chiara at ang grupo niya sa pagtapos ng kanilang slogan para sa pasukan sa isang araw. Nandito sila ngayon sa St. Clarisse University, kung saan upcoming second year college students na sila.

"Zyrene, iyong glitters hinahangin!" sita ng kaibigan niyang si Jeann sa isa pa nilang kaibigan.

"Oo na! Eto na at tatakpan ko na." panic na sagot ni Zyrene na nagmamadaling isara ang bote ng glitters.

"Chiara, mauna na kami ah..mukhang uulan na kasi. Bukas nalang natin ulit ituloy." untag sakanya ni Jason - ka-member niya sa club.

Tumango siya at kumaway. "Sige, bye! Ingat kayo!"

"Chiara! Hindi pa ba tayo uuwi?" maktol ni Jeann.

Ngumiti siya at nanatiling naka-indian seat at nagpipintura. "Sige na, mauna na kayo ni Zyrene. Medyo gumagabi narin. Salamat sa tulong ninyo!"

"Sigurado ka ba? Pwede ka pa naman namin hintayin." wika ni Zyrene na tumatayo na at sinusukbit na ang bag sa balikat.

Napailing nalang siya sa dalawa niyang baliw na kaibigan. Halata naman sa mga ito na sabik na ang mga itong umuwi. Sabagay, medyo nakaistorbo narin siya sa dalawang kaibigan. Hindi naman sila member ng club niya, tumulong lang talaga ito sakanya dahil marami siyang gagawin.

Isa pa, wala lang talagang magawa ang mga kaibigan niya sa bahay kaya siya ang idinahilan kaya pinayagan na pumunta sa school.

Itinaboy niya na ang mga kaibigan. "Sige na, tsupi na kayo. Uuwi narin ako matapos ko madikit ang pagmumukha ng Bigbang."

Napapalatak si Jeann. "Bakit kasi sa KPop Club ka pa sumali. Pwede naman sa Dance Troupe nalang."

Natawa si Zyrene sa tabi niya. "Hay naku, Jeann. Alam mo naman iyang si Chiara, adik sa mga taong may pakpak ang rubber shoes."

"Nanglait ka nanaman Zyrene. Ano'ng tawag sa Otaku Club mo?" ganti niya kay Zyrene.

"Oh, tama na kayong dalawa. May payong ka ba, Chiara? Uulan na." tanong ni Jeann.

Tumango siya at nagpunas ng kamay. "Oo, meron ako sa bag ko. Sige, ingat kayo! Kita nalang tayo sa pasukan."

Hinatid niya sa pintuan ang dalawang kaibigan. Ngayon,siya nalang ang naiwan sa Club room nila. Dalawang araw nalang at pasukan na kaya naman sobrang abala sila sa pag-aayos para sa opening. Siyempre kapag first day sa SCU, maraming booths and clubs na manghihikayat ng members. At isa na ang club niya roon - Kpop Club.

Marami silang members ng Kpop Club kaya lang iyong iba hindi pinayagang pumunta ngayon kasi nga ay may bagyo raw. Napasigaw siya nang biglang kumulog ng malakas. Tinignan niya ang oras at alas kwatro na ng hapon. Napagdesisyunan niyang iligpit na ang gamit at umuwi narin.

Naglalakad na siya sa hallway nang naisipan niyang kalkalin ang bag niya para kunin ang payong niya. Napamura siya nang malamang naiwan niya ang payong. Sana pala ay sumabay nalang siya kina Zyrene at Jeann kanina.

Tinignan niya ang kalangitan, kung aalis na siya baka hindi siya maabutan ng ulan. Huminga siya ng malalim at naglakad ng mabilis kaya lang sa kamalas-malasan ay biglang bumuhos ang ulan nang palabas na siya ng gate. Mabilis na sumilong siya sa waiting shed.

"Badtrip, walang jeep." napapalatak siya. Walang masyadong tao na dumadaan at wala ring jeep. Ang lakas ng ulan at medyo nababasa narin siya. Kung hihintayin pa niya tumila ang ulan, baka dito pa siya matulog sa shed.

Isa pang palatak ang ginawa niya at napagdesisyunang sumugod nalang sa ulan. Wala naman siyang choice, kesa namang pag-alalahanin niya pa ang tao sa bahay niya.

She is soaking wet at nanginginig na sa lamig. Ang tagal ng jeep. Hindi niya pwedeng lakarin dahil ang layo!

Ilang sandali lang ay nagtaka siya kung bakit parang tumila ang ulan. Doon niya lang napansin na may nagpapayong na sakanya na dalawang lalaking magkamukha.

Iyong isa ay nakangiti sakanya habang ang isa naman ay diretso ang tingin at nakahawak sa payong at nakapamulsa ang isang kamay. Kilala niya itong dalawang ito! Pilit niyang inaalala ang pangalan nila pero ang natatandaan niya lang ay ang apelyido ng mga ito. Ford. The Ford twins. The famous Ford twins.

"Wala kang payong, miss?" tanong sakanya ng nakangiting Ford. Nakablack na tshirt ito.

"Uhm... obvious po ba?" nahihiyang sagot niya. Ayaw naman sana niya pilosopohin kaya lang iyon ang lumabas sa bibig niya.

Natawa naman ito sakanya at napansin rin niyang napangisi ang seryosong Ford na nakablack na hoodie. Ayaw nila sa black, ano?

"The car's here, Isaac." wika nung Ford na naka-black na hoodie. Napapitik siya sa utak. Isaac at Dami! So this serious one is Dami.

"Sige miss girl in the rain, aalis na kami ng kambal ko." paalam ni Isaac sabay takbo papasok sa nakaparadang BMW sa harap nila.

"Saan ka ba umuuwi? Ihahatid ka nalang namin." baling sakanya ni Dami.

Sunod-sunod na iling ang ginawa nia kaya naman natalsikan sa mukha si Dami ng tubig na galing sa buhok niya. "Sorry! Huwag na. May dadaan din jeep."

Dami just shrugged. Kinuha nito ang kamay niya at pinahawak sakanya ang handle ng payong. Sinuot nito ang hood at walang sabing sumakay sa kotse.

Napatanga nalang siya sa kaaalis lang na kotse. Did she just felt some spark when Dami held her hand?

-------

Vote and Comment!

Follow me @kendeyss

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon