Thirty-eight

91.4K 1.8K 83
                                    

Mabusising tinignan ni Chiara ang bawat kwarto ng bagong bahay nila. Lahat ng mga gamit ay naideliver na kanina at sinigurado niyang kumpleto at maayos ang lahat ng gamit nila. Siya rin ang namili kung saan ilalagay ang bawat gamit sa bahay. Inabot na siya ng gabi sa pag-aayos.


"Ma'am, sabay ka na po sa'kin?" tanong sakanya ni Mang Jack, isa sa tauhan na tumulong magbuhat ng mga gamit.


"Hindi na po, magtataxi nalang ako."


"Sigurado po kayo? Gabi narin."


"Ayos lang po ako. Maraming salamt, Mang Jack."


Hindi na nakipagtalo pa ang matanda sakanya at nauna nang umalis kasama ang iba pang kasamahan nito. Pabagsak siyang umupo sa sofa na may balot pa ng plastic. Hapong-hapo siya at nanlalagkit narin siya dahil sa pawis. Sayang, wala pang tubig sa bahay nila. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang kumalam ito. Sa sobrang hands-on niya, nakalimutan na niyang kumain ng lunch at meryenda.


Nag-inat muna siya bago napagdesisyunang umalis na para kumain. Siguro magpapa-room service nalang siya pagkauwi sa hotel na pinagtutuluyan niya. Kinuha na niya ang kanyang bag at lumabas na ng bahay. She made sure na naka-lock ang gate bago naglakad palabas ng subdivision. Nasa isang eksklusibong subdivision and bagong bahay nila. Walang dumadaang taxi dahil pulos kotse ng mga home owners lang ang nakakapasok sa loob ng subdivision. Kaya ito siya at kailangang maglakad palabas bago makapara ng taxi.


Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa lamig ng panahon. Dapat talaga ay hindi siya ng sleeveless.


Nalilibang siya sa kakatingin sa mga bahay-bahay nang bigla nalang siya nasilaw sa headlight ng isang kotse. Itinaas niya ang kanyang kamay para iharang sa malakas na ilaw at para makita niya ang daanan niya. She just kept walking until the car honked and stopped beside her.


Tinignan niya ang driver's side at bumaba ang bintana nito at bumungad sakanya ang mukha ni Isaac at katabi nito si Michelle.


"Tignan mo nga naman oh. Chiara, ano'ng ginagawa mo dito?" bungad sakanya ni Isaac.


Kumaway naman sakanya si Michelle. "Wala kang kasama? Gabi na ah?"


Ngumiti siya ng tipid sa mga ito. "Pauwi narin ako. Sige, mauna na ako."


"Sige, masasalubong mo naman si Dami eh," nakangising sabi ni Isaac.


"What do you mean?"


Isang headlight nanaman ang sumilaw sa gilid niya na nagmumula sa isang pulang kotse na tumigil sa likod ng kotse ni Isaac. Liningon iyon ni Isaac at tsaka siya tinignan.


"Ayan na pala siya eh. Sige, mauna na kami," sabi ni Isaac at tsaka pinasibad ang kotse nito.

Napapikit siya ng mariin. Ano ba namang swerte ang meron siya? Wala pang isang buong araw, ito nanaman si Dami. Sinabi niyang iiwas siya, ito naman ang lumalapit. Sinasabi talaga niya, tadhana is a bitch.

Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon