Thirty-two

79.1K 1.9K 225
                                    

"Five, four, three, two, one... Happy new year!!!!"


Malalakas na sigawan at mga paputok ang bumalot sa bahay ng mga Ford nang pumatak na ang alas-dose hudyat na panibagong taon nanaman ang darating. Para sa iba ay panibagong buhay, start of something new and other forms of new beginnings. But not for Dami.


It's just a normal day for him. So what kung magbubukas nanaman ang panibagong taon? What's new? Eh by next week, back to normal nanaman siya sa kanyang trabaho. He stopped caring for what's going on around him. For him, New Year's just an occassion wherein he could drink as much as he can.



"Bro, where's Isaac?" tanong sakanya ni Adam na akbay-akbay ang pinsan nitong si Ailee.


Nagkibit-balikat siya. "Probably in his house, enjoying his new girl. I don't know."


Malakas na pumalatak si Ailee. "What's wrong with you twins? Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig."


Matalim na tinignan niya si Ailee. Inirapan lang siya nito habang humalkhak naman si Adam sa ginawa ng pinsan. Iniwan sila ni Ailee at pinuntahan ang Mama nitong si Tita Adie.


Inisang lagok na niya ang natitirang laman ng bote niyang beer at padabog na ibinaba ito sa mesa.


"I'm out," sabi niya kay Adam.


"Huwag mo nang pansinin iyong si Ailee, alam mo naman iyon," pagpigil sakanya ni Adam. Tinapik nito ang kanyang balikat. "Come on, let's celebrate."


Umiling siya at tinapik sa likod si Adam. "I'll pass. Sige na, mauuna na ako."


Pinuntahan lang niya ang Mommy at Daddy niya na busy sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ng mga ito. Nagpaalam na siyang uuwi, nung una ay ayaw pang pumayag ng Mommy Mitch niya dahil nga ay may mga nagpuputukan pa pero sa huli'y nakawala rin siya. Nang makarating sa kanyang bahay ay hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw at dire-diretso nalang siya sa kusina para kunin ang isang bote ng alak at tsaka dinala ito sa balkonahe ng kwarto niya.



He sighed and stared at the night sky. Humilig siya sa balustre at ininom ang alak na kinuha niya habang pinagmamasdan ang mga fireworks na nagpapatingkad ng madilim na langit.


He once had his own firework that lights up his life. But he let her go.


"Fuck," mura niya sa sarili nang maalala nanaman niya ang nag-iisang babaeng minahal niya. Kinuha niya ang kanyang phone at binuksan ang facebook app niya. And then at the top of his news feed, bumungad sakanya ang litrato ng babaeng matagal na niyang hinihintay kahit na walang kasiguraduhang babalik ito.



Baking a cake for the New Year's Eve later! Can't wait!


Kasama ng status na iyon ay ang litratong may hawak itong icing pipe at katabi nito ang isang lalaking nakaakbay rito. Humigpit ang hawak niya sa kanyang phone at mabilis na ibinato ito sa upuan malapit sakanya.


Mabilis na lumagok siya ng alak at nagmura ng paulit-ulit. Ito naman ang gusto niya, 'di ba? Ilang beses niya itong pilit ialis sa isip niya, pero tangina 'di niya kaya. Ilang beses niyang sinubukang magmahal ulit, pero pucha, 'di niya parin kaya. Kaya naman isinubsob niya ang kanyang sarili sa trabaho.


"Bakit mo kasi hinayaan?! Kuya, sundan mo siya!" Kanina pa siya sinisigawan ng kapatid pero hindi niya ito pinapansin at pinagpatuloy lang niya ang pag-inom. Graduation niya kanina at pinili niyang mag-inom mag-isa sa condo nila ni Isaac. Nakakairita lang dahil sinundan pala siya ng barkada.


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRWhere stories live. Discover now