Nineteen

93.3K 1.9K 98
                                    

"Salamat sa paghatid." sabi ni Chiara nang ihimpil ni Dami ang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay.

Pinigilan ni Dami ang kanyang braso nang bubuksan na sana niya ang pintuan. "Sandali lang, ano'ng oras ka papasok bukas?"

"Baka mga tanghali pa. Hindi ko pa sigurado eh. Bakit?"

"Susunduin kita." mabilis na sagot nito.

"Bakit?" takang tanong niya rito.

"Bakit ba kailangan may dahilan ang lahat? Nanliligaw ako, Chiara. Asahan mo na iyon." nakangiting wika nito sakanya.

Hindi siya nakasagot rito. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na liligawan siya ni Dami. Si Daniel Milliscent Ford, ang lalaking matagal na niyang gusto. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o totoo ang lahat ng mga ito. It was unexpected.

"Seryoso ka talaga sa panliligaw mo?"

Sumeryoso ang mukha ni Dami sa sinabi niya. Tinanggal nito ang seatbelt na suot at hinarap siya. "Oo, Chiara. Seryoso ako. Mukha ba akong nagbibiro?"

Lumunok siya dahil sa kabang nararamdaman lalo na't ganito ang itsura ni Dami. Damn! He looks hot whenever he's serious. Well, kahit ano naman ang itsura ni Dami para sakanya ay gwapo parin ito.

Tumawa siya para hindi naman mahalata ni Dami na kinakabahan siya. "Nagtatanong lang naman ako."

Hinawakan ni Dami ang kanyang kamay. "I'm serious Chiara. I am really attracted to you. I like you and I want to see where would this take us."


Nakagat niya ang kanyang ibabang labi nang sabihin iyon ni Dami she felt like crying. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, ang pagtili ba dahil sa kinikilig siya sa ginagawa ni Dami o ang pagluha dahil tagos sa kalamnan niya ang ginagawa ni Dami para sakanya.


Nahigit niya ang kanyang hininga nang halikan nito ang likod ng kamay niya. That little gesture made her feel respected. She felt the warmth of Dami's lips when it touched the back of her hand. She really feels like floating in cloud nine.


"Goodnight, Chiara. See you tomorrow."


Hindi alam ni Chiara kung ano na ang nangyari. Tila ba tinakasan siya ng katinuan niya at hindi na niya alam kung paano pa siya nakapasok sa bahay nila. Lutang na lutang siya. Sapo niya ang kamay na hinalikan ni Dami at nilagay sa dibdib niya.


Manliligaw ko na si Dami? Nililigawan ako ni Dami?


"Shocks! Nililigawan na nga ako ni Dami." bulong niya sa sarili.


Titili na sana siya nang maalala na tulog na ang lolo't lola niya pati na ang kapatid niya kaya naman ibinagsak niya ang sarili sa kama at isinubsob ang mukha sa unan tsaka siya nagtititili sa tuwa.

-----

"Ate! Gising na! Nandiyan na ang sundo mo! Ate!"


Umungol si Chiara. Tinakpan niya ang mukha ng unan at hindi pinansin si Butchoy sa paggising sakanya. Inaantok pa siya. Ano'ng oras na ba? Maaga pa ata. Napuyat siya kagabi dahil hindi siya kaagad nakatulog kakaisip kay Dami. Kaya naman sobrang antok na antok pa siya.


"Ate naman eh! Gising ka na! Nandiyan na si kuya Dami!" yugyog sakanya ng kapatid.


Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang sinabi ng kapatid niya. "Ano'ng sabi mo?"


"Nandiyan na sa baba si kuya Dami. Sabi niya susunduin ka daw niya. Kausap nina Mameng sa baba. Bilisan mo daw ate, sabi ni Mameng."


Inihilamos niya ang kamay sa mukha niya. Tinignan niya ang oras sa phone niya. Alas onse na pala ng tanghali! Mabilis siyang tumayo at pumasok sa banyo.


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon