Eighteen

93.4K 2.1K 183
                                    

Hindi maialis ang ngiti ni Chiara buong araw. Hindi parin mawala-wala sa isip niya ang nangyari kagabi. Para siyang nililipad sa alipaap nang mga panahong iyon. She can't believe that Dami likes her. All her efforts are worth it.

Kagabi, kumain lang sila ni Dami sa isang restaurant at nag-usap lang sila. For the first time in her life, natameme siya sa harap ni Dami. Calculated lahat ng galaw niya at hindi niya alam kung bakit bigla nalang siyang nakaramdam ng hiya rito. She was glad that Dami made their night memorable kahit na simpleng dinner lang iyon, it was really special for her, sana kay Dami rin.

It's the fourth day of their school's fair at nakatambay lang siya sa booth ng club niya. Gusto niyang ipagsigawan sa lahat ang nangyari kagabi, kaya lang napapatigil siya dahil miski siya ay napapatanong sa sarili. Ano na nga ba sila ni Dami? Hindi nila napag-usapan kagabi iyon. He likes her and she likes him. Does that mean that they are in a relationship already?

"Argh!!" napasabunot nalang siya sa kanyang buhok sa dami ng tanong na nasa utak niya. Ano ba iyan! Mas dumami ang bumabagabag sa isip niya nang magkaaminan na sila ni Dami.

"Baka naman makalbo ka niyan."

"Dami!" gulat na usal niya. Napatayo siya at mabilis na inayos ang kanyang buhok na pinagdiskitahan niya kani-kanina lang.

Dami is leaning on one of their display cases while looking at her. Ang gwapo talaga nito sa suot nitong polo shirt na itim. Halatang-halata ang hubog ng katawan nito sa suot nito. For her, Dami is really perfect.

"Busy ka?" tanong nito sakanya.

"Hindi. Bakit?"

"Tara sama ka sa'kin sa booth nina Vera." aya nito sakanya. Nakangiti na ito ngayon sakanya showing off his dimples.

"Sure! Sandali lang, magbibilin lang ako."

Sandali siyang pumunta sa likod ng booth nila kung saan naroon si Trisha at iba pa niyang members. Nagpaalam siya rito na aalis sandali at babalik mamayang hapon. Pumayag naman ang mga ito at hindi na nag-usisa pa. Pabor sakanya iyon dahil sa oras na malaman ng mga ito na sinusundo siya ni Dami, babatuhin siya ng mga ito ng sangkatutak na tanong na hindi niya alam kung maisasagot niya.

"Tara." nakangiting aya niya na kay Dami. Magkaagapay lang silang maglakad at walang nagsasalita sakanila. Batid niyang may mga ibang estudyanteng nagtataka kung bakit sila magkasama ni Dami. Sanay kasi ang iba na siya ang sumusunod sa binata, pero iba na ngayon. Alam niya ring hindi tatagal ay may chismis nanaman na tungkol sakanya.


"Are you okay?" baling sakanya ni Dami.

Tumango siya at ngumiti. "Oo. Okay lang ako."


Tinignan siya ni Dami ng nagtataka. Siguro tinatantiya nito kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Pabirong pinalo niya ito sa balikat at tumawa. "Okay lang ako, Dami."


Kumunot ang noo nito. Tumigil ito at hinarap siya. "Ano'ng problema, Chiara?"


Nagtaka siya sa sinabi nito. Bakit ba sigurado itong may problema siya? Wala naman talaga. Well, meron nga pero hindi naman dapat na problemahin pa. Mahalaga sakanya, may progress silang dalawa ni Dami. Tsaka niya na iisipin ang mga iba pang bagay at tao.


"Wala nga. Ang kulit mo ah." natatawang sagot niya.


"Sigurado ka?"


Ngumiti siya rito at tumango. "Oo nga. Okay lang talaga ako, Dami."


"Where's your endearment?" nakakunot na tanong nito sakanya.


"Ha?" takang tanong niya. Then when she realized what he was talking about, napangisi siya rito at sinundot ang braso nito. "Uy! Namiss mo ang pagtawag ko sa'yo ng heart heart ko, ano?"


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon