Thirteen

82.1K 1.8K 120
                                    

Dahan-dahang bumaba si Chiara mula sa kotse ni Dami nang maihatid na siya nito sa bahay niya. Hinintay niya si Dami na bumaba rin at pumunta sa harap niya. Hawak niya sa isang kamay ang isang plastic na may lamang lechong manok na binili niya.


"Salamat sa paghatid ah? Naabala pa ata kita." sabi niya kay Dami.


Tipid namang ngumiti ito sakanya. "Wala iyon. Ako nga dapat magpasalamat sa tulong ng org mo."


Tumawa siya ng mahina. "Wala din iyon. Sige na, dito nalang ako."



"Hintayin na kita makapasok." alok nito.


Umiling siya. "Hindi na. Okay na ako dito. Salamat ulit ah."


Sandaling hindi nagsalita si Dami na para bang tinitimbang kung aalis na ba ito o hihintayin pa talaga siyang pumasok. She gave him her sweetest smile assuring him that she's okay na. She even waved her hand at him.



"Chiara, apo? Ikaw na ba iyan?"


Parehas silang napalingon ni Dami sa Lolo Delfin niya na kalalabas lang mula sa likod bahay nila. Mabilis na nagmano siya rito. "Papeng, mano po."



Tinapik ng lolo niya ang kanyang ulo pagkatapos ay tinignan si Dami tapos siya. "Sino iyang kasama mo?"



Pumunta siya sa tabi ni Dami at iginiya ito papunta sa lolo Delfin niya. "Papeng, si Dami po, schoolmate ko. Dami, ang lolo Delfin ko." pakilala niya sa mga ito.



"Magandang gabi po." pagbati ni Dami sa lolo niya at nagmano.



"Kaawan ka ng Diyos. Halina kayo sa loob, nakahain na ang mesa."



Naunang pumasok na ang lolo niya at naiwan sila ni Dami. "Tara na sa loob." aya niya kay Dami.


"Hindi na, Chiara. Mauuna narin ako." tanggi nito.


Napailing siya at walang sabing hinatak niya si Dami papasok sa bahay nila. "Huwag ka na tumanggi, ang Papeng ko na ang nag-aya sa'yo. Dito ka na kumain."



Hindi na nakatanggi si Dami dahil hila-hila na niya ito papasok. "Pagpasensyahan mo na ang bahay namin ah? Medyo maliit at magulo."



"Ate!" masayang bati sakanya ng kapatid niyang si Butchoy. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig tapos ay mabilis na yumakap ito sakanya. Hinalikan niya ito sa ulo at ginulo ang buhok nito. Binigay rin niya ang plastic na nanglalaman ng binili niyang ulam nila.



"Oh, bigay mo na muna ito kay Mameng para maihain na." utos niya sa kapatid. Binalingan niya si Dami na ngayon ay pinagmamasdan ang kabuuan ng sala nila. "Upo ka muna." alok niya.


Sumunod naman ito habang siya ay nililigpit ang mga nagkalat na notebooks at libro ni Butchoy na nasa maliit na mesa sa sala nila.


"Ano'ng gusto mo? Juice? Softdrinks?"


Iwinasiwas ni Dami ang kamay. "Hindi, huwag na. Ayos lang ako."


Tumango naman siya sa sagot nito at nagpaalam muna. 'Sige, sandali lang ah? Tutulong lang ako sa kusina."


Tumayo si Dami at akmang susunod sakanya pero mabilis na niya itong napigilan. "Hindi na, umupo ka lang diyan. Bisita kita." nakangiting wika niya.


Mabilis na pumasok siya sa kusina. Magkadugtong lang naman ang sala at ang kusina nila, at ang tanging divider lang ay ang maliit na kurtina na nagsisilbing pintuan. Naabutan niya doon si Butchoy at ang Mameng niya na nag-aayos ng hapag.



Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon