Thirty-nine

101K 2.2K 146
                                    

"Alis nga tayo, sis. Nakaka-bore na dito."


Iniangat ni Chiara ang tingin mula sa nilalaro sa iPad at tinignan ang step-brother niyang si Denzel. Noong isang linggo ay umuwi na ang Mama at kapatid niya, kasama rin ang Lolo't lola niya. Naiwan lang ang Tito David niya dahil may inaasikaso pa ito sa negosyo dahil malilipat na nga dito sa Pilipinas ang main office ng negosyo nito.


"Ayain mo si Butchoy, he can accompany you."

Umungol si Denzel bilang pagprotesta. "Christopher's sleeping. Seriously, all he do is sleep."


"Huwag nga akong guluhin mo, Denzel. Umalis ka kung gusto mo."


"Ang sungit mo ah. Hindi mo lang nakikita si Da eh."


Inis na binaba niya ang iPad na hawak. "It's Dami. Ilang beses ko ng tinatama, hindi mo parin matandaan. Bird brain."


Denzel just laughed at her words and suddenly stood up. He stretched out his arms and looked down at her. "Whatever. Anyway, matutulog nalang rin ako. Night, sis."


Bumuntong-hininga nalang siya at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ang kapatid na hilaw. Hindi niya alam talaga kung utak biya o sadyang tanga lang talaga si Denzel. Matalino naman. Magaling naman na accountant, pero minsan naluluwagan ang turnilyo sa utak.


Sinubukan niya ulit maglaro pero napunta na ang isip niya kay Dami. Bwisit talaga 'tong si Denzel, hindi na nga niya naaalala eh, tapos biglang isisingit sa usapan.


Magtatatlong linggo na magmula nang huli silang magkita. Mukhang sinunod nga ni Dami ang sinabi niyang huwag muna siya nitong sundan. Kinailangan niyang isiping mabuti ang mga susunod na hakbang niya patungkol sakanilang dalawa.


Gusto ulit siya nitong balikan base narin sa sinabi nito. Hindi naman rin niya itatanggi na gusto rin niyang balikan si Dami, pero laging may pumipigil sakanya. Laging nagsusumiksik sa utak niya na hindi na dapat dahil sasaktan lang ulit siya nito.


Inis na ginulo niya ang buhok at ipinukpok ng mahina ang iPad sa noo. Ganoong tagpo siya inabutan ng Mama niya na galing mula sa grocery store.


"Anak, kung gusto mo ng pamukpok sa noo mo, ayan ang unan sa tabi mo. Iyon nalang."


Umungol lang siya at padapang nahiga sa sofa. Naramdaman naman niyang naupo ang Mama niya sa tabi niya. Naramdaman niya ang kamay nito sa likod niya at hinaplos siya roon. Nakabuntong-hininga siya sa ginawa ng Mama niya.


"May problema ka," saad ng Mama niya.


Bumuntong-hininga siya. Alam na alam talaga nito ang ugali niya. Umupo siya ng tuwid at hinarap ang Mama niya.


"May tanong ako, Ma."


Hinaplos ng Mama niya ang kanyang buhok. "Ano iyon?"


Lumunok muna siya bago nagsalita. "Minahal mo ba ang Papa namin?"


Kahit kailan ay hindi niya pa nakikita ang Papa nila ni Butchoy. Sabi ng Lola niya, noong baby pa siya ay dinadalaw-dalaw raw siya nito, pero ano nga ba ang memoryang maaalala niya? Sanggol palang siya nun. Kahit sa litrato ay walang naitabi ang Lolo't lola niya dahil itinapon na raw ng Mama niya ang mga iyon.


Akala niya ay magugulat ang Mama niya sa biglaang pagtatanong niya tungkol sa tunay na Papa niya. Pero, walang bakas ng pagkagulat ang ekspresyon nito. Nakuha pa nga nitong ngumiti ng tipid sakanya.


"Oo naman. Minahal ko si Chris."


"Kung mahal mo siya, bakit...bakit naghiwalay parin kayo?"


Shut Up and Be Mine [Fin] - PUBLISHED UNDER PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon