kabanata 8

3.9K 116 0
                                    

"Say a baby," Malambing na utos ni Mallari kay Grey. Kasalukuyan niya ngayon itong pinapakain ng tanghalian. Nasa hapag sila ngayon. Masagana ang musmos sa pagkain sa umiikot na mesa.

"Mommy I'm full." Sambit nito at hinaplos pa ang tyan patunay na busog na.

"Okay,drink your milk na." Niligpit na niya ang pinagkainan nito.

"Ay! Ako na po Madame magliligpit dyan." Awat sa kanya ng matanda sa pagliligpit.

"Manang Ising kaya ko naman po at 'tyaka magaang gawain lang po ito.At Manang Ising Mallari nalang po, hindi po ako sanay na tinatawag ng Madame, masyado pong pormal." Aniya pa na agad nagpangiti rito.

"E sige Mallare, pero ako na talaga magliligpet dyan, bantayan mo nalang si bebe boy." Anito habang ang tingin ay nasa musmos na umiinom ng gatas.

"Sige po, aakyat na po kami." Aniya at pumanhik na sa taas karga si Grey.

Mahigit dalawang linggo na siyang namamalagi sa masyon at dalawang araw niya naring inaalagaan ang bata. Nae-enjoy niya ang komunikasyon at pag aalaga dito.

Noong isang araw nga ay mismo ang bata pa ang nag-aya para libutin ang malawak na mansyon. At kahapon naman ay nakipag-laro sya dito maghapon, naligaw pa nga sya sa loob ng mansyon mabuti na lang ay doon dumiretso si Darth pagkauwi sa silid na iyon.

Saglit syang napa-isip.Anong oras kaya ang uwi nito?

Kung itanong niya kaya kay Manang Ising?

Mabilis nyang binura sa isip ang ideyang iyon. Baka kung ano pang isipin nito kapag nagkataon.

Ngunit wala naman sigurong masama. Aniya sa sarili. Ngunit agad ring ipinagdiinan sa sarili wala talagang matinong rason upang alamin niya iyo.

Anyways, pakielam niya nga naman rito. Si Grey lang naman kasi talaga ang rason bakit narito siya at wala ng iba pa.

Nagtatalo ang kanyang isip ngunit sa huli ay minabuti na lamang nyang wag na mag-abala.

Nang pumatak na ang dilim ay pagkatapos ang hapunan nilinisan na ni Mallari si Grey. Maghapon silang naglaro ng naglaro sa hardin ng malaking mansyon kaya sobrang pagod sila pareho.

Kasalukuyan niya ngayong pinaghehele si Grey na mataman titig na titig sa kanya ang dilat na dilat na mga mata nito na tila walang balak na matulog pa at tila hindi pa pagod sa ginawa nila buong araw.

"Baby why don't you sleep na,it's already past midnight na." Malambing niyang sambit dito.

Kahit papaano ay nagugustuhan narin niya ang ginagawang pag aalaga dito. Kahit noong una ay ayaw niya pa talaga lalo pa at nag aaral siya. Hindi niya maikakaila na nasisiyahan siya at mabuti nalang nababalanse niya ang pag aaral at pag aalaga dito.

"Mommy I just wait for daddy to---"

"No baby. Baka gabihin ang daddy, ako na lang maghihintay so sleep na." Putol niya sa pagdadahilan pa ng musmos. Tumango lamang ito bilang pagsang-ayon. Mabuti nalang at nakumbinsi niya ito.

"Hhmmm." Muli ay ipaghele niya na ito pagkapikit. Bumalik sa kanyang isipan ang huling sinambit na siya na ang maghihintay pa sa ama nito, muli napaisip na naman siya kung para saan pa. Matanda na ito at bahala na ito sa sariling buhay.

Mind your own business Mallari. Ani ng maliit na tinig sa kanyang isip. Naisip pa niya na baka kung ano pa ang maisip nito kung gagawin iyon.

Bakit ko pa sya hihintayin?Huwag mo na hintayin at magpahinga ka naman. Pangungumbinsi pa niya sa kanyang sarili sa hindi malamang dahilan.

Hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya sa kakaisip nun sa kwarto ni Grey.

Hating gabi na ng maalimpungatan si Mallari. Agad nyang pinunasan ang laway na umaagos mula sa kanyang bibig dahil sa tagilid na pagkakahiga.

PARENT FOR HIRE  Where stories live. Discover now