CHAPTER 29

10.3K 287 5
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 29

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

"What the heck is this place!? So dirty and what the fuck is that? Yuck!" Kanina pa s'ya salita nang salita, hindi ko naman naiintindihan ang pinagsasabi n'ya.

Pero alam kong nagrereklamo s'ya sa tono ng pananalita n'ya. Napaka arte naman nito.

"Ser ano kaba? Seryoso ka?" Saad ko sabay unang naglakad.

Nasa gilid kasi kami ng kalsada, sa tapat ng mga nagbebenta ng mga kwek-kwek at ibang uri ng street foods.

Hinila ko s'ya sa isang kariton na nagbebenta nito.

"Pili ka jan ser." Turo ko sa mga pagkain.

"Yuck! Ang dumi dumi rito, sure ka bang malinis 'yan? At bakit kulay orange 'yan saka bilog?" Turo n'ya sa mga kwek-kwek.

Kanina pa ako nangigigil kay ser dahil sa kaartehan nito. Habang naglalakad kami kanina pa nagrereklamo kesyo ang init-init raw saka ang baho ng paligid.

Binatukan ko nga.

Nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa ginawa ko. Hindi n'ya matanggap na binatukan ko lang s'ya eh boss s'ya ng isang napakalaking kompanya.

Tinaasan ko lang s'ya ng kilay kaya yumuko s'ya at tumingin ulit sa mga paninda.

"Pumili ka wag kang maarte kung ayaw mong mabatukan ulit." Seryoso kong saad.

"A-ano baka magkakasakit ako n'yan? Sino na mamamahala sa mga negosyo ko? Paano na?" Npapikit ako ng madiin.

Pansin n'yo? Bakit parang napakadrama ni ser ngayon? Kakaurat.

Pumili nalang ako ng kikiam at pinakain sa kan'ya.

"Kainin mo 'to, isa." Idinikit ko sa bibig n'ya ng isang stick ng kikiam.

Favorates ko kasi ang kikiam eh. Noong una para pa s'yang tangang tiklop na idiniin ang mga labi para hindi n'ya matikman ang kikiam na pinapakain ko.

"Bakla ka ba ser? Bakit takot ka? Isa." Napalabi s'ya at dahan dahang kinain ang kikiam na sinubo ko sa bibig n'ya.

Parang diring diri pa s'yang ngumuya pero nang magtagal ay s'ya na mismo ang tumuhog sa mga kikiam at kinakain ito.

Pansin n'yo? Parang nabalikdatad kami ngayon ni ser. Parang ako ang boss at s'ya ang empleyado ko.

"Shaan tayosh pagkataposh nito?" Parang tanga n'yang saad habang nginunguya ang kinakain n'ya.

"Ako na bahala doon ser, live it two me." Saad ko habang kumakain na rin ng kikiam.

"Sabi ko naman sayo diba? Masarap 'to." Saad ko.

Katahimikan ang namayani, tumigil muna kami sa pagsasalita at ninamnam ang masarap na pagkain.

"Nga pala Carnasyon, dadalhin muna kita sa mall. May bibilhin lang ako roon."

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now