CHAPTER 18

11.7K 334 15
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 18

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

"Bigyan ng jacket yan!" Sigawan ng mga tao dahil sa sinabi ni kuya Win.

"Carnasyon Maria Zeil Batobalani pera o kahon!?" Napaiyak ako sa sinabi ni kuya Win.

Nakita kong nagpera na sila nanay pero gusto ko ang kahon!

"300 thousand! Pera o kahon!?" Sigaw ni kuya Win.

"Anong sigaw ng mga bayan?"

"Pera, kahon, pera!" Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Iba iba sila ng pananaw kaya tumingin ako kay nanay.

"Pera na anak, malaking tulong na 'yon sa'tin."

Nagmamakaawang saad ni nanay pero umiling ako. Ipaglalaban ko ang kahon. Mas malaking tulong sa amin pag mapanalunan namin ang premyo.

"Pera o kahon!?" Taong ulit ni Kuya Will. Tumingin ako ni nanay na nagmamakaawang nakatingin sa'kin. Kalong kalong n'ya si bunso.

"P-pera."

"Huling katanungan Carnasyon! Pera o kahon!?" Ulit ni Kuya Win kaya mas lalo akong naguluhan.

Lord kung para sa'kin 'to, para po sa'kin. Pero kung hindi, ipagkakatiwala ko nalang sa'yo 'to.

"Kahon po." Matigas kong saad, ayaw kong tumingin kay Nanay kasi alam kong magmamakaawa ulit s'ya gamit ng tingin.

"Ang laman ng kahon ayyyy!" Umiiyak ako, sana makuha ko. Malaking tulong na 'yon sa'min.

"Ang programang ito ay para sa inyo!" Binuksan ni kuya Wil ang kahon at napatalon ako! Nakuha ko ang mega jackpot!

Tumingin ako kay Nanay at akala ko magiging masaya s'ya dahil nanalo kami pero hindi, galit na galit s'yang nakatingin sa'kin kasama si bunso.

"Bakit ka nag kahon!? Mayaman kana! Bilyonarya ka! Bakit ka nagkahon!?" Lumapit s'ya sa'kin at sinakal ako.

Napadilat ako. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko ang pagsakal n'ya sa'kin. Hinawakan ko ang leeg ko at nalingon ako sa gilid nang mapagtantong may braso na nakadantay doon.

Sisigaw na sana ako pero naalala kong nasa bahay pala ako ni Ser.

Napasinghap ako. S-si Ser ba ang niyayakap ko kagabi? Mahilig ako yumakap ng unan.

Kaya pala pakiramdam ko naging matigas ang unan ko. Kay ser pala 'yon.

Sarap na sarap pa naman akong yumakap sa unan ko kuno kasi ang sarap ng panaginip ko.

Nasa wowowin daw ako at nasa jackpot round kasama si kuya Win. Ako raw ang mananalo sa pera o kahon. Pero bakit nagkaganun? Bakit nagalit si Nanay sa'kin kasi mayaman na raw ako? Napailing nalang ako.

Dahan dahan kong tinanggal ang kamay ni Ser at inilibot ang tingin sa kwarto n'ya. Tumayo ako at nagpunta sa banyo n'ya para maghilamos.

Pagkatapos ay lumabas papunta sa kusina n'ya para magluto. Bakit walang made si Ser? Kaya pala ang sungit sungit n'ya kasi walang nagluluto para sa kan'ya.

Pumunta ako sa rape n'ya. Yung malamig ba? Basta yung puti. Pasensya na wala kasi kami nito sa bahay pero medyo alam ko naman kung paano gamitin kasi nagpapamade ako minsan para matulungan sila nanay.

"Bakit walang laman? Ano ba naman to si Ser, naghihirap na ba 'to?" Hala baka bang crop na ang kompanya ni ser kaya wala s'yang pag kain dito? Pero bakit ang ganda parin ng mga suot n'ya?

Baka naman wala na talaga pero pinipilit parin ni Ser na magsuot ng ganun kasi para tingnan parin s'ya ng mga tao na mayaman kahit naghihirap na. Mga tao nga naman.

Ano ba lulutuin ko? Isang petchay lang laman dito.

Lumabas ako para tumingin sa labas, baka may mga tanim diba?

Pumunta ako sa likod bahay, nyek bakit parang gubat naman 'to? Ang tataas ng mga damo saka ang daming kahoy na maliit pa.

Teka, ano 'yan? Ay ahas! Hulihin ko nga 'to para ipakain kay Ser, masarap naman 'to ah. Nakakain na ako nito noon huli ni kapitan, masarap kaya 'to. Alam ko naman paano 'to balatan at lutuin.

Tumigil ako sa paanan ng pobreng ahas. Dahan dahan akong naglakad para hawakan ang ulo n'ya. Doon dapat 'yon hawakan para hindi makagat.

Nang nahawakan ko na ang ahas ay dinala ko na ito sa loob. Ginataang ahas. Masarap 'to tapos mainit init pa para kay Ser. May lagnat kasi 'yon at dapat mainit na sabaw.

Naalala ko suot ko pa pala ang t-shirt n'ya.

Kasalukuyan akong naghahain nang may pumasok na masamang panahuin.

"Omygod Axel babe, you're sick?" Tumaas ang kilay ko.

"What the fuck are you doing here!?" Tumaas ang kilay ko.

Tiningnan n'ya ako mula taas hanggang sa baba. Ngumisi ako, ang sama kasi ng timpla ng mukha n'ya habang nakatingin sa suot ko.

"Bakit mo suot ang t-shirt ni Axel!? D-don't tell me." Nakatitig lang ako sa kanya kasi wala naman akong naiintindihan sa sinasabi n'ya. Balas'yajan.

"Good morning." Nakarinig kami ng malamig na boses. Lumingon ako, si Ser Axel.

Para akong napapaso sa titig n'ya. Nakatayo s'ya habang nakatuon ang tingin sa suot ko. Uminit ang pisngi ko. Hehe hindi nga pala ako nagpaalam sa kanya na isusuot ko.

Para akong pinapaso ng mga titig n'ya. Hindi n'ya alintana na nand'yan si Shiela dahil nakatitig lang s'ya sa katawan ko.

Hindi ako nababastos sa klase ng titig n'ya.

"Ohmy Axel are you okay? I wish you are." Tiningnan lang saglit ni Ser si Shiela at binalik ang tingin sa'kin.

"I'm okay, you can go now." Saad n'ya. Nakatitig s'ya sa'kin kaya akala ko ako ang pinapaalis n'ya.

"Yes alis kana. Nakakaistorbo ka sa'min." Gatong ni Shiela.

Nalungkot ako sa naisip, P.A nga lang pala n'ya ako. Ngumiti ako at ibinaba ang sandok na hawak ko.

Aalis na sana ako pero nagsalita ulit si Ser.

"Sinabi ko bang ikaw?" Saad n'ya na taimtim na nakatitig sa'kin.

Hindi nga pala n'ya sinabing ako?

Tumingin ako kay Shiela, pabalik balik ang tingin n'ya sa'min ni Ser na tila naguguluhan.

"A-ako? Ako ang papaalisin mo Axel? Are you serious!? I came here to take care of you ang you still chooses this bitch over here? Are you nuts!?" Tumaas ang boses n'ya habang galit na nakatingin sa'kin.

"First of all, I didn't called you Shiela, it's you who goes here second, your presence is not necessary. So maybe you should go."

Hindi ko alam pero parang nasiyahan ako sa sinabi ni Ser kaya ngumisi ako kay Shiela at kumapit kay Ser.

"Beehoney kain na tayo." Kumabit ako braso ni Ser at hinalikan s'ya sa pisngi.

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now