CHAPTER 20

12.5K 358 35
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 20

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Ahas? Anong ahas pinagsasabi nito ni Ser?

O gesh!

Baka nabuhay ang ahas na niluto ko!? Hala!

Hindi na ako gumalaw baka mabyhay talaga ang ahas nakakatakot 'yon!

"Ah ser, bakit po pala? Anong gagawin natin dito?" Kinakabahan kong tanong kay ser na nakadantay ang panga sa balikat ko.

Hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko at kinakabahan din ako kapag malapit si ser sa'kin.

"Carnasyon," Tawag ni ser sa pangalan ko.

Naghuhurumentado ang puso ko sapagkat malapit sa tenga ko ang mukha n'ya.

"P-po?"

"Do you know why I acted strange towards you? Why I acted like I'm not in my usual self? I think right now you're thinking that I'm weird, am I right?" I'm things my nosing is blooding.

Pumikit ako bago nagsalita, matagal na 'to si Ser ah, namumuro na 'to sa'kin.

"Ser after anymore elsewhere, pwede PO bang wag PO kayong mag english kasi hindi ko PO naiintindihan? Ilang ulit na tayong nagpabalik balik eh, bakit PO hindi 'yon mapasok sa kakote n'yo na hindi PO kita naiintindihan pag nag englis ka PO?" Lahat ng po ko dinidiinan ko kasi namumuro na to si Ser eh!

Tumawa ng marahan si Ser dahil sa sinabi ko kaya napatawa rin ang puso ko jokems lang.

"Yes--I mean oo na, hindi na ako magsasalita ng wikang 'yon." Kahit medyo natatawa ay napaka lalaki parin ng boses n'ya. Malaki ito at magaspang dahilan kung bakit mas tumibok ang puso ko.

"So, pasensya sa ugali ko kanina, alam mo kasi. Takot ako sa ahas Carnasyon, i hate snakes. Yung balat nila na nakakadiri at yung katangian nila."

Napatango ako sa sinabi ni ser, ahh kaya pala ganun reaksyon n'ya kanina.

Naramdaman kong nilagay n'ya sa bewang ko ang mga kamay n'ya kaya mas kinakabahan ako.

"S-ser? Normal pa ba 'tong ginagawa natin? Kasi diba? Amo kita at P.A mo lang ako hehe." Saad ko agad, kinabahan ako eh! Natatakot ako kasi naghuhurumentado na ang puso ko.

"Bakit ba lagi mong sinisira ang moment ha? Damn." Matigas n'yang saad sabay tanggal ng kamay n'ya sa bewang ko.

Ay hala nagalit?

Kinuha ko ang mga kamay n'ya at nilagay ulit sa bewang ko.

"Ito na nga oh? Hindi na magsasalita. Opo pagpapatuloy mo na, oo naman normal 'tong ginagawa natin."

Saad ko nalang kasi baka nagkakasalubong na naman ang mga kilay ng amo kong 'to. Katakot pa naman to, nagdodoroga na nga may multo pang nakasapi, baka katayin ako nasa teritoryo pa naman n'ya ako.

"Nevermind, alam mo ba? When I was a kid naiwan ako sa gubat, it's our school's camping trip pero naiwan ako and muntik na ako matuklaw ng ahas doon. Takot na takot ako that time kasi nakita ko talaga kung gaano kalaki ang ahas."

Katakot naman pala yun, dahan dahan kong hinawakan ang mga kamay ni Ser. Pampalubag loob.

"That day I also got my phobia, arachnophobia and yeah it's from spiders. I just hate snakes but I got a phobia from a spider. Ang daming nangyari sa akin gubat na 'yon. Dalawang araw akong palakad lakad sa gubat na 'yon with no one beside me. 2 sandwiches and a bottle of water. Yan lang ang dala ko."

Tumango tango ako sa sinasabi ni ser kasi wala talaga akong naiintindihan a-araknopobya? Ano yun? Nakakatakot na salita.

Baka sabihin ni ser I'm damb kaya tinapik tapik ko kamay n'ya at tinango tango ulo ko para mukhang naiintindihan ko talaga s'ya.

"Kailan ka po nakita nila?" Tanong ko.

"Actually, I was grade 4 that time at tandang tanda ko pa ang lahat. There is a girl na tumulong she's also lost, I saw her on a hole umiiyak at humihingi ng tulong galing din s'ya sa fieldtrip nila sa kabila kasi may parang may history ang gubat na 'yon and may paths pa pero nawala s'ya at naiwan. Nakita nila kami na natutulog sa ilalim ng kahoy pero naghiwalay kami kasi kinuha na kami ng kanya kanya naming mga magulang." Girl? Babae? O boy? Ahh babae pala.

Buti naman hindi lalaki kasi baka magiging bakla na si ser nun base kasi sa pagkakakwento n'ya parang ma inlab na s'ya sa babae.

"Ikaw Carnasyon? Anong kinatatakutan mo?" Kinatatakutan ko? Hmmm?

"Ahh yung aso po ser highschool na ako nun eh." Panimula ko, inaalala ang nangyari sa araw na 'yon.

"What happened?" Tila gustong gusto n'yang makinig sa sasabihin ko.

"Uhmm galing ako sa labas naglalako ako ng isda, nag cuttings ako nun para matulungan si nanay. Papauwi na ako nang tinahulan ako ng aso."

Takot na takot ako sa araw na 'yon akala ko makakagat na ako.

"Hulaan ko hinabol ka at kinagat?"

Umiling ako sa sinabi n'ya.

"Oo na hindi po."

"Huh?" Naguluhan s'ya sa naging sagot ko.

"Takot na takot ako nun kaya ano lumingon ako at nakita kong galit na galit sa akin ang aso sa sobrang takot ko ehhhh," Pinutol ko ang sasabihin ko.

"Eh? What? Ano? Kinagat kaba?"

Umiling ulit ako.

"Ako po ang humabol sa aso, hindi ko na alam ang gagawin ko eh kaya ayun hinabol ko s'ya natakot ata ang aso kaya tumakbo s'ya." Naghintay ako ng sasabihin n'ya pero ilang minuto ay natahimik s'ya hanggang sa tumawa s'ya ng malakas.

"HAHAHAHAHA you're really funny HAHAHHAHAHAHA hinabol mo ang aso? HAHAHHA damn! You're really unbelievable HAHAHHAHA"

Hihintay ko nalang kung kailan s'ya matapos tumawa kasi baka sinapian na naman s'ya ng masamang ispirito baka sakalin ako nito bigla.

"A-ahm ser? Ikaw pa ba 'yang nasa loob mo? Baka kasi hindi na ikaw 'yan ha?"

Napatigil s'ya sa tanong ko.

"Bakit ba palagi mong sinisira ang moment ha? Is that your talent huh?" Napangisi ako ng hilaw sa sinabi n'ya.

Nisisira ko ba?

Tatayo na sana ako para harapin nalang s'ya at tatayo nalang habang kausap s'ya pero hinawakan n'ya ang mga hita ko para pabalikin ulit ako sa pag-upo sa kandunga n'ya.

"Ser, tatayo nalang ako para makapag-usap tayo ng matino." Nagpupumiglas ako sa hawak n'ya nang maramdaman ko ang bukol malapit sa mga hita ko.

"Naramdaman mo? Ayan nagising na ang ahas, ikaw kasi sabing wag gagalaw eh."

A-ahas? Yan ba 'yong niluto ko kanina? N-nabuhay at n-nand'yan sa ilalim n'ya? Owshet! Bakit ang laki ata!?

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now