CHAPTER 32

10.4K 258 7
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 32

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Ilang buwan na ang lumipas nang magmula kong sagutin si ser. Sa mga araw na 'yon ang saya saya ko dahil naging kami ng taong mahal ko.

Totoo ang sinasabi nila, walang langit at lupa. Walang mayaman at mahirap at walang bobo at matalino sa mga taong nagmamahal.

Ika nga nila, "Lobe nows know bountaries." Oo na oo na, ako na ang matalino.

Hindi alam ng mga taga opisina na kami na ng boss nila. Napagpasyahan kong hindi nalang sabihin sa kanila kasi baka maging iba ang pagtrato nila sa'kin. Hayaan nalang na isipin nila na manliligaw lang sa akin si ser.

"Hey alam mo bang dumating na raw si Ma'am Anikka?"

"Talaga? Buti naman, ang bait bait kasi n'ya sa atin eh."

"Oo nga eh, bagay naman sila ni ser. Alam mo bang fan ako nila noon? AnniXel ako hihi."

"Ako nga rin, pero diba may nililigawang iba si Ser?"

"Teka mamaya na tayo mag usap may pupuntahan muna ako."

Narinig ko nalang na sumarado ang pintuan. Kumunot naman ang noo ko at lumabas sa CR. Anong pinag-uusapan nila? Anong AnniXel? Anong bumalik? Mga tao nga naman, kung ano anong balita nalang ang nasasagap.

Lumabas ako sa isang maliit na lugar dito sa CR at pumunta sa harapan ng salamin para magsuklay. Ngumiti ako at inalala ang mga panahong magkasama kami ni ser.

Ang saya saya namin, napaka maunawain ni ser sa akin. Napaka sweat pa n'ya at sobrang lapit na nila sa isa't isa ng pamilya ko. Sobrang spoiler n'ya kay Grace, kahit ano binibigay at binibilhan.

Hindi na pala n'ya ako ginawang P.A pero pumapasok parin ako para tulungan s'ya. Kahit ipagtimpla nalang ng kape. Nahihiya na nga ako kasi ang daming tinulong n'ya sa amin ng pamilya ko.

Lumabas ako sa cr at naglakad papunta sa opisina ni ser nang may narinig na naman ako.

"Ang ganda talaga ni Ma'am Annika no?"

"Oo nga eh, mestiza na mestiza. Kung magiging sila ni Sir Axel sigurado akong magiging magaganda at gwapo ang mga anak nila."

"Ay agree!"

Tumigil sila nang makita nila akong nakikinig sa kanila, pasimple naman akong nagtatali ng sintas ng sapatos ko dahil baka sabihin nila chismosa ako.

"N-narinig mo po ba ang pag-uusap namin?" Napapikit ako dahil sa sinabi ng babae.

Naku! Mabubuking pa ata akong nakikinig sa kanila! Pero napapansin kong parang kinakabahan ang babae habang nakikipag-usap sa akin.

"Ha!? Hindi ah!" Nagsinungaling ako dahil baka sabihan akong chismosa.

"Eh ano po ang ginagawa n'yo d'yan?"

"Eh hindi mo ba nakikita? Nagtatali ako ng sintas ng sapatos!" Agaran kong saad sa tanong n'ya.

Ayaw ko talagang mabuking na nakikinig sa kanila baka sabihan akong chismosa.

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon