CHAPTER 4

18.5K 454 89
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 4

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Isang linggo na ang nakalipas magmula nong nangyari iyon. Nakalabas na si inay sa ospital, at ang mga bayarin? Di ko alam kong sino ang nagbayad, basta ang alam ko, may pumunta daw na lalaki doon at binayaran ang aming mga bayarin. Di daw nagpakilala kong sino. Kaya't nagpapasalamat talaga ako kong sino man ang lalaking iyon.

Isang linggo na rin ang nakalipas magmula noong naging Personal Slave ako ni sir Axel. Hindi naging madali dahil ang dami dami nyang utos! Katulad nalang nang...isuot mo sakin ang jacket ko, hubarin mo ang jaket ko, isuot mo sakin ang eyeglass ko, itimpla mo ako ng kape at umupo ka lang sa harap ko at titigan ako. Ang hirap hirap! Nakaka essttreess kasi di naman yun ang nakagisnan kong trabaho. Paglalabada, paglilinis ng bahay, CR, pagliligo sa aso, at pagluluto.

"Carnasion!" Ayon na naman! Kita nyo? Ang lakas lakas pa ng boses! Nakakatakot tapos yung mata nyang walang emosyon! Nakakatakot talaga!

Anyway highway! Pupunta na ako sa opisina nya dahil baka ipa-firing ako don. Yun bang tanggalin sa trabaho? Firing yun diba?

Binuksan ko ang pintuan ng opisina niya at nakayukong pumasok.

"Where have you been? I told you to sit in front and just stare at me!!" Malamig ngunit madiin nyang saad. Huhu nakakatakot naman sya. Ayaw ko ngang magsalita dahil baka iba ang masagot ko. Di ko kasi naiintindihan ang sinabi nya.

"What are you doing there!! You're not gonna move!!" M-move daw? Alam ko yun! Gagalaw iyon!

Gusto nyang gagalaw ako? Sege na nga!

Nagsimula ako tumalon-talon tapos iginiling ang katawan ko.

"Fvck! What are you doing?!" Ayan galit na naman! Sabi nya gagalaw ako tapos pag-gumalaw ako nagagalit!

"S-sir s-sabi n-nyo P-PO g-gagalaw PO a-ako tapos nong gumalaw naman PO ako ay nagagalit k-kayo, sabihin nyo nga PO sir, sabog PO ba kayo?" Nauutal kong saad sabay kamot sa ulo.

Malakas nyang hinampas ang mesa tapos hinilot ang noo nya.

"This is a torture!" Mahinang bulong nya habang hinihilot parin ang noo.

Nag-angat sya ng tingin at nagsalita.

"J-just give me some coffee." Ayan na naman tayo sa english ehh! Sabing di ko naiintindan! E ta-translate ko na nga!

Give ay bigyan, me ay ako, some ay ilan, at coffe ay kape. Bigyan ako ilan kape? Baka bigyan mo ako ng kape? Ayy naku ang hirap hirap naman nito!

"Ahh s-sir a-ano p—"

"No more questions!" Madiin nyang saad. Wala na talagang pag-asa to!

"Pero PO sir—"

Sa pangalawang pagkakataon ay pinutol na naman nya ulit. Tamo to si Sir!

"I said no more questions!" Galit nyang saad. Namumula na nga ang mukha nya. Napakagat labi napang ako. Paano ko ba itatanong sa kanya kong ilang pack ng kape ang kunin ko? Baka pag kukuha ako ay pagagalitan nya ako. Di rin naman nya sinabing timpalahan ko sya ng kape. Get naman ang sinabi niya di naman 'gawan' kaya kunan talaga. Ayy bahala na nga.

"Okei ser!" Dali dali akong lumapit sa kusina na nasa opisina nya at kumuha ng isang pack ng kape.

Ngiting ngiti akong lumapit sa kanya.

"Ito na PO sir!" Masigla kong saad sabay abot sa kinuha ko.

"Fvck! What's that!–—I mean ano yan!" Tiningnan ko ang kinuha ko. Bulag ba to si Sir at hindi nya nakikita ang hawak hawak ko?

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon