CHAPTER 9

13K 331 22
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 9

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Hinatid ako ni Ser, ah basta yung lalaki na nakilala ko sa bar kanina. Habang nasa labas ako ng bahay bigla akong napaisip sa mga nangyari kanina. Muntik na akong mabenta at muntik na rin akong mamatay, kailangan ba talagang mangyari sa'kin ang lahat ng ito para lang maibigay ko ang gusto ng pamilya ko? Para maibigay ko ang pangangailan nila? 


Napakadaya naman ng mundo. Biglang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Napakadaya ng mundo, bakit kaming mga mahihirap ang laging ganito. Isang kahig isang tuka, pero kung hindi ko din ito gagawin kawawa naman ang pamilya ko kaya kahit anong mangyayari kakayod ako para sa kanila!

Pinunasan ko ang masaganang mga luha ko at ngumiti. Hindi pwedeng makita ni inay na umiiyak ako. Kahirapan lang yan ako si Carnasyon Maria Ziel Batobalani ang babaeng walang tinatakbuhan ang babaeng kayang gawin ang lahat para sa pamilya nya.

Ngumiti ako ng malaki at pumasok sa bahay, hindi ko nalang muna sasabihin kay inay ang nangyari kanina tiyak akong mag aalala iyon. Kinuha ko ang susi sa bahay at binuksan ang pintuan. Tulog na tulog na sila inay kaya pumasok nalang ako sa kwarto at nagbihis. Bukas, ngingiti pa din ako. Bagong bukas, bagong buhay sabi ko sa isip ko at natulog.

Pagkagising ko ginawa ko ang mga dapat kong gawin at pumasok sa trabaho. Pagdating ko doon ay binati ko kaagad si manong guard.

"Wassap manong, ang gwapo mo ngayon hindi pa rin tumutubo ang mga buhok mo sa ulo HAHAHA kawawa ka naman." Saad ko sa kanya sabay takbo papasok nakita ko kasing umuusok na ang mukha nya sa galit eh kaya umalis na ako.

Pagdating ko sa opisina ay nadatnan ko si Ser na may kausap sa telepono.

"Uh yeah, I'm free this weekend, okay bye take care." Sabi nya sabay baba sa telepono nya.

Tumingin s'ya sa'kin. "Good morning." Bati n'ya kaya ngumiti ako. Medyo nahihiya ako ginawa ko sa kanya kayo keme akong umupo sa harap nya.

"Hi ser anong gusto mo? Kape? Juice? Milk? Chokoleyt? O ako? Joke lang ser." Bawi ko kaagad, nakita ko kasing nagkasalubong ang mga kilay n'ya eh. Nakakatakot pa naman to magalit si Ser. Nagiging parang bakunawa.

Pinasadahan n'ya ang aking mukha ng tingin, una ang kilay ko pababa sa mga labi ko, nakita kong napalunok s'ya nang mapadako ang mga mata n'ya sa labi ko. Bigla n'yang inalis ang tingin n'ya sa mga labi ko at pinukpok ang ulo n'ya.

"Quit it Axel! Fuck!" Sabi n'ya habang kinakausap ang sarili n'ya. Bigla akong napatayo at lumayo sa kanya baka kasi nasisiraan na ng bait si Ser, madamay pa ako.

Masama n'ya akong tiningnan kaya nag pice sine ako. Yung naka V yung hintuturo at gitnang daliri.  Basta pice sine!

"Umupo ka dito." Strikto nyang saad kaya napabalik ako sa upuan.

Ako naman ngayon ang tumitig sa mukha n'ya. Una kong tinitigan ang makakapal n'yang kilay na laging nakakunot, ang mga mata n'yang parang hinuhubaran ang nasa loob ko, sunod ang matangos n'yang ilong at ang mapupula n'yang mga labi. Parang sinasabi nito na halikan ko s'ya. Lumunok ako at tumitig nalang ulit sa mga mata n'ya.

Napakunot ang noo ko ng may nakila akong bagay malapit sa ilong nya.

"Oy polling eyeclashers!" Sabi ko sabay kuha ng pilikmata sa ilong n'ya.

"Huh? Eyeclashers?" Nakakunot n'yang tanong habang nakatingin sa pilikmatang hawak ko.

Ang bobo naman ni Ser, nahulog na pilikmata lang hindi n'ya pa alam!?

Sasagot na sana ako nang may kumatok sa pinto at inilabas nito ang secretary ni Ser.

"Sir, Sheila is here should I let her in?" Tanong n'ya. Hindi ko naiintindihan ang sinabi n'ya kaya pinabayaan ko nalang.

"Okay, let her in. Carnasion, labas ka muna may bisita ako." Napatango nalang ako kasi sobrang seryoso ang pagkakasabi n'ya. Hindi nalang ako tumutol, tumayo ako ng may babaeng pumasok.

Tumayo si Ser at hinalikan sa pisngi ang babae.

"Hi Sheila, welcome back." Masayang saad n'ya sabay halik sa pisngi nong Shiela daw. Napasimangot ako. Maputi lang naman ang Shielang yan eh.

Tumingin sa'kin si Ser at ang Shielang yan.

"Go out now." Sabi ni Ser at imunuwestra ang pintuan. Atat na atat lang na paaalisin ako? Habang ang Shielang yan ay tinaasan ako ng kilay. Ahitin ko kaya kilay n'ya. Nakakabwisit.

Pasimple ko syang inirapan at tinungo ang pinto. Bahala sila jan.

Tirisin ko silang dalawa eh!

Padabog kong sinarado ang pinto kaya gulat akong tiningnan ng secretary nito.

"Ano?" Sabi ko sa kanya sabay taas ng kilay. Ginaya ko lang ang ginawa ng Shielang yun.

Ngumiti sakin ang secretary n'ya at lumapit.

"Alam mo ba? Yan si ma'am Shiela yan ang girl bestfriend ni Sir Axel, yan ang ang pinapayagan n'yang babae na makalapit sa kanya maliban sa atin." Mahaba n'yang paliwanag.

Hindi ko alam kong anong nangyayari sa akin ngayon pero gusto kong magtaray kaya tinaasan ko pa lalo ng kilay ang secretary n'ya.

"O tapos? Shirmulang?" Sabi ko sabay irap. Basta naiinis ako sa nakita ko kanina. Maputi lang naman ang Shielang yun, mas maganda ako sa kanya.

At kung makakabit kay Ser parang tuko girl bestfriend lang naman. Girlbestfriend lang s'ya habang PERSONAL SLAVE ako. Nakakainis.

Gulat akong tiningnan ng secretary ni Ser, hindi siya makapaniwala sa pinapakita kong ugali sa kanya.

Wala akong paki alam kaya tinalikuran ko s'ya sabay irap ulit. Basta naiinis ako sa Shielang yun.

Pupunta sana ako sa maliit na kusina dito sa opisina ni Ser ng may mga dumating. Limang lalaki na pawang naka bisnes atire. Ah basta naka pang negosyo ang suot.

"Hey, where's Axel?" Tanong noong pinakamatangkad sa kanila sa secretary ni Ser. Para namang tumaas ang lahat ng dugo ng malanding secretarya kasi ang pula pula ng mukha n'ya.

"N-nandun s-sa loob k-kasama s-si ma'am Trisha." Nauutal n'yang sagot habang nakahawak sa mga papel.

"Can you knock his office for us?" Saad ulit nong pinakamatangkad.

"S-sure."

Kinatok n'ya ang pinto sa office ni Ser at sinabing may mga dumating. Pinapasok sila kaya pinagpatuloy ko nalang ang dapat kung gawin.

Ang hirap siguro makihslubilo jan kasi englis spokening silang lahat.

"Pst, Carnasyon pinapasok ka ni Sir!" Namutla ako.

Naku mapapasubo ata ang katalinuhan ko dito sa englis ha. Orite hindi ko kayo aatrasan! Englis her i cummm!

*********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now