CHAPTER 12

12.7K 329 28
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 12

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Pagod na pagod akong humilata sa higaan. 5 PM palang pero parang 9PM na dahil sa sobrang pagod ko. Paano ba naman? Hindi na ako nakapasok sa opisina ni Ser kasi sobrang busy na raw n'ya kaya 'yung isang employee n'ya ang sobrang nagpahirap sa'kin. Si Emma. Ang napaka ingtera, laitera na taong nakasalamuha ko. Diba P.A ako ni Ser? Bakit siya yata ang nagpapahirap sa'kin?

"Anak, tumayo ka muna jan, kainin mo muna 'tong niluto ko para sa'yo." Tumingin ako kay inay na may dalang mainit na sopas.

Ayaw ko namang masayang ang pagsisikap n'ya para lutuan ako kaya tumayo na ako.

Inilagay n'ya ito sa lamesa. Tumingin s'ya sa'kin at hinawakan ang mukha ko. Ang nakikita at makakasama ang ina ko ay ang isa sa pinakamasayang sandali ng buhay ko. Pero ang makita s'yang malungkot, ang sobrang sakit.

"Nay? Bakit po kayo malungkot?" Hindi ko mapigilang itanong. Nag aalala ako dahil baka ano na naman ang iniisip n'ya.

"Anak, nahihirapan kana ba sa trabaho mo? Sobra ba ang pagpapahirap na ginawa nila sa'yo? Pasensya na anak." Malungkot na saad ni inay. Yumakap ako sa kanya at nagsalita.

"Inay, masaya po ako sa ginagawa ko dahil para sa inyo ang mga paghihirap ko. Wag po kayong mag alala. Okay lang ako. Basta para po sa inyo gagawin ko po ang lahat. Mahal na mahal ko kayo ni bunso." Saad ko at pasimpleng pinunasan ang luha na tumulo sa mga mata ko.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong nakikita nila akong malungkot dahil alam kong malulungkot din sila. Lalong lalo na si Inay. Kaya kahit sobrang nahihirapan na ako. Kahit pagod na pagod na ako, ngumingiti parin ako dahil ayaw kong ipakitang pagod na ako.

"Anak, hindi nararapat sa'yo ang buhay na 'to. Anak kailangan mo na 'tong malaman---" Hindi natuloy ni Nanay ang sinasabi n'ya dahil dumating ang bunso namin.

"Ateeee! May dala ka po para sa'kin?" Namumugay ang kanyang mga mata. Kumalas ako kay nanay at niyakap ang bunso namin.

"Bunso, wala pang sahod si ate eh. Pwede sa susunod nalang?" Saad ko.

"Oo naman ate ikaw pa." Masaya n'yang saad.

Ang hirap yung umuuwi kang walang dala para sa kapatid mo kasi wala ka pang sahod. Ang hirap hirap kasi highschool lang ang natapos ko. Walang tumatanggap sa'kin na trabaho.

Matutulog na sana ako nang mag ring ang aking lumang selpon. Ser Axel?

"Hello Carnasyon." Ang kanyang malamig na boses ang sumalubong sa akin.

"Bakit po?" Saad ko. Nagtataka ako kasi hindi naman ako tinatawagan ng Ser ko pag nasa bahay na ako. Baka importante?

Hindi rin naman natuloy ang pag embalsama sa akin kanina kasi hinalikan n'ya ako. Habang iniisip ko 'yun parang nagiging kulay rosas ang aking pisngi at 'yung puso ko parang lumalakas ang kabog? Naku kailangan kong magpacheck-up.

"Kailangan kita." Kahit malamig ang kanyang boses at walang emosyon kumabog parin ang aking dibdib. Confined! May sakit na ako sa puso!

"Po?"

"I mean----Kailangan kita bukas." Yun pala yun? Ito talaga si Ser.

"Bakit po?"

"May sakit ang sekretarya ko. And I have a meeting---Damn! May meeting ako bukas. Importante ang meeting na'to. And you're my PA. Kailangan kita. 8 AM nasa opisina na kita. May pinadeliver ako na dapat isuot mo bukas." Yan lang ang sinabi n'ya at pinatayan ako ng tawag.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong alam sa pagiging sekretarya. Ito ba naman kasi si ano eh! Nagkasakit pa!

May kumakatok sa pinto namin kaya tumayo ako at pinuntahan ito.

"Ma'am? Are you Carnasyon Maria Ziel Batobalani?" Sinambit ng lalaki ang buo kong pangalan. At naka uniporme  s'ya habang nag box na dala.

"Ano nga, bakit?"

Ibinigay n'ya ang box na kanyang dala.

"Pinadeliver nga po pala ito ni Sir Axel Samaniego. Paki pirmahan nalang ho dito." Sabi n'ya sabay abot ng isang maliit na papel. Pumirma naman ako umalis na s'ya.

7PM na at nakahiga na sila inay. Binuksan ko ang kahon. Tumambad sa akin ang isang napakagandang damit na kulay pula. Tansya ko, kapag isinuot ko ito ay hapit na hapit ito sa katawan ko. Alam kong mamahalin na ang dress na ito.

Kung ibebenta ko kaya, magkano kaya? Jokems, hindi pwede bigay ito ni Ser Axel. Kinuha ko ang selpon ko at nagtype ng mensahe.

"Ser maraming tank u" Binura ko ito dahil parang in normal? Informal pala. Nag tipa ulit ako.

"Ser ang ganda ganda bagay na bagay sa akin ito." Parang nayayabang ako kaya binura ko ulit. Ilang beses akong nagtipa pero binura ulit dahil hindi ko nagugustuhan. Baka isipin ng lalaking 'yun na napaka ano ko. Hanggang sa may nahanap na akong magandang sasabihin.

"Maraming maraming salamat po Ser. Nagustuhan ko po wag po kayong mag alala, ibabawas mo nalang po sa sweldo ko." Pinindot ko ang send.

Send failed

Ay naman! Wala na pala akong load! Kaka expire lang kanina! Nakakainis naman!

1 new message

Binuksan ko kaagad ang mensahe na kakarating lang.

"Regalo ko 'yan sa'yo wag mo na alalahanin. Isuot mo 'yan at matutuwa ako. Good night Carnaçcóòkojtion." Halos mapupunit ang aking mga ngiti dahil sa aking mga labi. Ay mali mali, halos mapupunit ang aking mga labi dahil sa aking mga ngiti.

Sobrang lakas ang tibok ng aking puso. Ito naba ang signus na may sakit talaga ako sa puso?

Para akong baliw na nakangiting  nakatingin sa king selpon.

May natuklasan ako sa aking sarili kapag kausap ko si Ser. Bakit ako masaya? Bakit ako nakangiti? Bakit sobrang lakas ng tibok ang aking puso? Anong pinakain n'ya sa'kin?

1 message receiver

"I love you." Napatanga ako dahil sa nabasa hindi naman ako nanaginip diba? At hindi ako masyadong bobo para hindi maintindiha ang kanyang sinabi.

Totoo ba 'to? Bakit n'ya naramdaman sa'kin to? At ang puso ko sobrang lakas na naman ang kabog parang mabubutas ito. May sakit na talaga ako sa puso. Confined na confined na! Confined, diba yun yung nakompirma?

Pero nawala ang lahat ng aking sigla pagkatapos kong mabasa ang reply n'ya.

"Sorry wrong send." 14 na letra, tatlong mga salita pero nakakawala ng gana at sigla.

*********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon