CHAPTER 11

13.3K 370 24
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 11

AXEL POV

"Pft. Your P.A is funny Axel. I wanna hire someone like her. She's cool." I smiled at what Blake said.

"Woah, the great Axel smiled. That girl has an affect on you." Tinking about Carnation makes me curve my lips. I just can't help it. She makes me smile.

The way she delivered her thoughts is just amazing. She's amazing. Her smile, her face, her cute nose and her lips that I wanna taste. She's perfect. The perfect filipina beauty. Filipina, my taste.

"Hey dude!" Someone snapped his fingers on my face. Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa ginawa ng taong 'yun.

"Ow sorry. Did I disturbed your wild imagination about your P.A?" RK smiled at tinaasan ako ng kilay. The nerve.

"Shut it RK."

"Anyway, pinapunta ko kayo rito because we need to talk about something important. The black organization is moving hindi pwede maunahan tayo nila." I said firmly.

Black organization is a big org that sells drugs and illegal weapons. They are after us because we sabotage their mission. And that is, to kill the President of the Philippines.

"We have to make a plan Axel. Kailangan maunahan natin sila." Ryle said and I smirked.

Mind games? That's my forte. Black organization is just a tiny little problem. They can't win from a military captain.

"Maghanda kayo. Next week, may tutugisin tayong mga kriminal."

CARNASYON'S POV

Nakaalis narin ang mga kaibigan ni Ser. Pinapasok n'ya ako ulit kasi may pag uusapan daw kaming importante.

"Ser? Ba't po?" Tawag ko sa atensyon n'ya pagkapasok ko.

Tinigil n'ya ang kanyang mga ginagawa at tumingin sa akin. Mapapatitig ka sa ganda ng kanyang mga mata at ang nga kilay n'ya na laging magkadikit.

"Umupo ka muna jan. Tatapusin ko lang 'to saglit." Ano ba 'to si Ser. Pinapuntapunta ako rito tas papaupuin lang?

Habang naghihintay ako inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng opisina ni Ser. Napaka elegante nitong tignan. Ang sahig na kumikintab at ang dingding. May malaking litrato ni Ser na nakasabit doon. Sa lamesa malapit sa inuupuan ni Ser may ilang mga litrato ang nandun. Isang babae at isang lalaki na hula ko ay mga magulang ni Ser. May kasama itong batang babae.

Napadako naman ang tingin ko sa lamesa ni Ser. Axel Samaniego, C.E.O. Yan ang nakalagay. Ano pala ang ibig sabihin ng C.E.O? Carnaper, Embalsamador Offiser? Hala! Ganun ba 'yun? Omaygash.

"I'm done." Nahintatakutan akong tumingin kay Ser. Wala akong sasakyan kaya wala s'yang nakakarnap. Hala! Baka embasamahin n'ya ako!?

"S-ser?" Natatakot kung saad. Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay ni Ser. Baka iniisip na n'ya kung paano hiwaain ang katawan ko!?

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now